Prologue

0 0 0
                                    

Chapter 1

"Huhu ah!"-tinig ng isang batang babaeng namimilipit sa sakit habang naiyak,base sa narinig ko.Nasisiguro 'kong malapit lang siya sa'kin dahil sa sobrang lakas no'n.

Nandito ako sa isang abandonang lugar,hindi ko alam kung anong lugar ba 'to pero nasisiguro 'kong abandona na ito dahil sa madilim at mga mamakapal na alikabok na nalalanghap ko.

Hindi ko alam kung pa'nong nangyaring bigla akong napunta rito,ang pagkakaala ko lang na ang huli kong ginawa bago ako mapunta rito ay ang kumain.Hindi ko na muna inintindi iyon.

Ginala ko ang aking paningin,sadyang hindi ko matukoy kung anong abandonang lugar ito dahil sa dilim na nakikita ko.Ni wala man lang akong makita ni katiting na sinag ng liwanag.

Sinubukan kong maglakad kahit wala akong makita,kakapa kapa tuloy ako sa paligid ko nagbabakasakaling may mahahawakan,baka kasi may humablot sa'kin at kung mangyari man 'iyon,may mailalaban ako sa kaniya.

"Tulong pakiusap tulungan niyo po ako...."pahina ng pahina ang tinig ng babaeng iyon na nasisiguro kong babaeng sumigaw rin kanina,naiyak pa rin siya.

Nakakaawa ang babaeng iyon,kung may nakikita nga lang ako ay walang alinlangan ko siyang tutulungan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad,kailangan kong mahanap ang batang babaeng yo'n sa madaling panahon, dahil alam ko kung gaanong kakalupit na ang mga tao ngayon.

"Nasaan ka?!"-sigaw na nagtatanong na sambit ko.Lumingon lingon ako,tingin sa harap,sa likod,sa kanan,sa kaliwa,umaasang may maaaninag ang baba liwanag pero bigo ako.Ipinihit ko ang sarili kong pumunta sa unahan,nagulat ako ng bigla'ng umugong ang malakas na iyak ng bata,di ko na kinaya at mabilis akong tumakbo,wala na akong pake kung may susugod sa'kin o wala,ang mahalaga ay mailigtas ko ang pag mamayari ng tinig nang naiyak na bata.

Patuloy ako sa pagtakbo ng may narinig akong kalabog sa aking kanan.Agad kong tiningnan kung ano ang bagay na iyon nang laking gulat ko nang lumiwanag yo'n at nakita ko ang batang may ari nang tinig no'n kanina,nakaupo siya pero makatalikod siya sa'kin.Nakikita ko ang mga pasa sa kan'yang braso at sa iba pang parte ng katawan,naka short siya ng kulay itim na may bahid na ng dugo,puting sando pero halos sakupin na yo'n ng nagkalat na dugo sa kan'yang damit.Iginala ko ang paningin ko nang makita ko ang dalawang lalaking nakatingin sa batang iyon,nasa kanan ng bata ang isang medyo kasing tangkad ko,naka kulay itim na jacket ang pang itaas ng lalaking iyon at pantalon na kulay itim ang kanyang pang ibaba.Pilit kong tinitingnan ang mukha niya dahil medyo malayo ito,Naaninag ko ang mata nito na pulang pula.Napansin ko din ang labi niya,nasisiguro kong sumisilay ang nakakalokong ngiti nito habang nakatingin pa rin sa batang babaeng iyon.Ang isa namang nasa harapan ng nasa kanan ay medyo may kaliitian,marahil ay nagkulang sa cherifer,joke!.Halos hanggang ilalim ng kilikili ko lang ito.Itim na jacket din iyong pangitaas niya at--"-hindi ko na natuloy ang iniisip ko ng tingnan ko ang pangiba

Gusto kong humalagapak ng tawa yung halos rinig na sa kabilang barangay pero hindi pwede!HAHAHAHAHAHA.Naandito nanaman ako sa sitwasyong mahirap pigilan,Agad akong huminga ng malalim atsaka sumeryoso.

Nakasuot siya ng color pink na legins na medyo may kaliitan pa rin sa kanyang tangkad.

Agad akong tumingin sa mukha niya,seryosong seryoso siya kaysa sa isang nasa kanan.Nakatingin siya ng malumanay do'n sa batang babae,ang mga labi niya ay parang nadidismaya..
Nakakapagtaka....

Agad akong tumingin sa pwesto ng bata pero laking gulat ko ng....

Paanong nangyari yo'n?wala 'yung bata sa upuan!as in wala!paanong nangyari 'yon eh do'n lang naman ako tumingin sa nasa kaliwang lalaki?

Pero mas lalo akong nagulat ng may narinig akong tawa..tawa ng baliw..at nasisiguro kong boses 'yon nung batang babae kanina..

Nanginginig ang buong katawan ko..tumutulo ang pawis mula sa noo ko..nakagat ko ang pangibabang labi ko..
Nagaalinlangan pa 'ko kung titingin sa likod pero napagdesisyunan ko munang tingnan 'yung dalawang lalaki.At halos malaglag na ang panga ko sa pagkanganga at halos kaya nang kunin ang aking mata dahil sa pagkadilat dahil parang barbecue na tinusok sa stick 'yung dalawang lalaking 'yon!tumutulo ang dugo at naka angat sa lupa ang mga katawan dahil sa itak sa nakatarak sa katawan nung dalawa.

Umugong ng umugong ang malakas na tawa ng babae,nakakarindi!.Agad akong tumingin sa likod pero wala akong halos makita dahil sa dilim.Sinubukan ko pa ring aninagin 'yung batang babae pero laking gulat ko ng may narinig akong natakbo!natakbo paputa sa'kin!palakas ng palakas
ang tawa nung bata marahil ay papalapit na siya sa'kin.Umatras ako ng umatras hanggang sa nakita ko 'yung bata..bakit..ako 'yon

May binubulong siya pero hindi ko maintindihan dahil medyo mahina ang pagkakasabi niya.Sumilay ang nakakalokong ngiti nito sabay ngingiti ng nakakaloko,namumula ang mga mata.Pero laking gulat ko ng sakalin niya ako,napakahigpit..mauubusan na 'ko ng hininga..

"Pakawalan mo ako.."-pahina ng pahinang sabi ko pero nakita ko ang batang 'yon na mas lalong ngumiti pero naoyak na siya ngayon,bakit?bakit ako 'yan?

Matapos no'n ay nawalan na ako ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Accidentally Meet You In A Ice Cream Shop(Accidentally Series)Where stories live. Discover now