Epilogue

8K 181 21
                                    

Epilogue

Clerven's Pov

My hands are sweating dahil sa sobrang kaba.

Nasa simbahan na ako at hinihintay ang Baby ko, sh*t late na ng 5 minutes ang Baby ko.

"Bro, easy darating yun, baka na traffic lang" at tinapik pa ang balikat ko ni Clein.

"Bro, bro!" hinihingal na sigaw ni Chester.

"Bakit?" kinakabahang ani ko.

"Hindi na raw sisipot si Cassidy kasi na realize nya raw na mas mahal nya si Anderson kesa sayo" seryosong ani nito.

"W-what?" biglang nanghina ang tuhod ko sa narinig at napaupo sa upuan ng simbahan.

"N-no, hindi yan totoo, mahal ako ni Cassidy" at hindi ko namalayang may pumapatak na sa mga mata ko.

Mas lalo akong kinabahan ng lumapit ang parents ni Cassidy at parents ko sakin.

Pagkalapit na pagkalapit nila sakin ay lumuhod kagad ako sa harapan nila, "M-mama please pasabi kay Cassidy balikan nya ako, Mahal na mahal ko sya" at mas lalong tumulo ang luha ko.

"A-ano bang sinasabi mo iho, ikocongratulate ka lang sana namin" ani ng Mama ni Cassidy at inalalayan akong tumayo.

"Tsaka sasabihin ko sanang umayos kana sa pwesto mo Son dahil anjan na ang Fiancee mo" dahil sa narinig ko kay Mom ay parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan at dahan dahang humarap kay Chester na nagpipigil na tawa.

Susugurin ko sana para sapakin pero binulangan ako ng Dad ko na umayos na ako dahil naka pwesto na sila Cassidy sa labas.

CASSIDY'S POV

"Ang ganda ganda mo talaga anak" sabi ni Mama habang naka pila na kami sa dulo.

"Thanks Ma" ngiti kong ani hinawakan na ang braso nila Papa.

Hanggang sa tumugtog na hudyat para sa pagpasok namin.

Hanggang sa napalitan ng theme song namin ang kanta hudyat na para sa pagsisimula ko ng hakbang papalapit sa lalaking Mahal na mahal ko.

Nasa gitna pa lamang kami ng bigla itong tumakbo palapit sakin at nginitian sila Mama bago ako buhatin kaya napahawak ako sa leeg nito at nagsimula ng maglakad papunta kay Father, dahil sa ginawa nya ay nagtawanan ang mga bisita.

At nagsimula na ang seremonyas.

"You may now kiss the Bride" ani ni Father bago dahan dahang inangat ni Clerven ang belong suot ko.

"I love you Baby" bulong nito sakin.

"I love you too Baby" bulong ko rin rito at dahan dahang lumapat ang labi nya sakin.

                 THE END❣️


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wahhhhh finally at natapos ko rin yung first story ko.

Btw baka magkaron pa toh ng special chap

Possession of the Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon