* THE MISSING PIECE *

89 1 0
                                    

ONE SHOT STORY

~~~

"Destiny! Where the hell are you!?" Narinig kong sumigaw si Laureen mula sa baba.

Kanina ko pa hinahanap yung necklace ko pero hindi ko makita. Hinalughog ko na ata ang buong kwarto ko pero di ko talaga makita.

"Pakingtape Laureen!! Wag mo kasi akong madaliin!" Inis kong Sigaw.

Sino ba naman kasi ang matutuwa, Di mo na nga makita yung hinahanap mo mamadaliin ka pa diba! Like, what the hell paano mo makikita ang hinahanap mo kung nagmamadali ka sa paghahanap.

Narinig ko ang mga yabag ni Laureen. Mukang paakyat sya dito sa taas.

"Ano ba kasing hinahanap mo?"

Nasa pinto na ng kwarto ko si Laureen. At ang bruha nakapamewang pa!

"The necklace that my grandmother gaved me!"

Napaupo nalang ako sa kama. Grr! Halos isang oras na ata akong paikot ikot dito, nahihilo na ko.

"Des, Eto ba? "

Napatingin ako kay Laureen at naagaw ng atensyon ko ang hawak nyang necklace na may pendant na kalahating puso.

Napatayo ako bigla at agad na lumapit kay Laureen para kunin ang necklace na hawak nya.

"WHAT THE FUDGE! Pano napunta sayo to!?, And YES eto nga ang hinahanap ko" i exclaimed.

Laureen rolled her eyes "Heeellooo! Des diba inabot mo sakin yan kahapon. Pinatabi mo kasi swimming class naten! It's not my fault na ulyanin ka na!" sagot niya.

I sighted, Oo nga pala pinatabi ko sakanya to kasi swimming class kahapon and ayokong mabasa to.

Nilagay ko na ang necklace sa bulsa ko at kinuha ko na yung traveling bag ko na nakalapag sa gilid ng pinto.

"Whatever! So ano na sabi nila Ernest?" tanong ko habang pababa na kami ng hagdan.

May Outing kasi kaming magbabarkada. Si Laureen ang pinaka Close ko, since dalawa lang kasi kaming babae sa gang. Siya yung pa-kikay type ,Sus ang daming kaechosan nyan sa buhay!

"Sabi ni Ernest Malapit na sila" She said while closing the door behind.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may huminto nang navy blue car sa harap namin.

Bumukas ang bintana ng sasakyan at tumambad samin si Ernest na nasa drivers seat ,nasa tabi naman nya si Kristoff at nasa likod si Gio ..

"Destinyyy! Sakay naaa!" masiglang sabi ni Ernest.

Si Ernest naman ang pinakamayaman samin .Anak sya ng businessman at ang Mom nya ay isang fashion designer. Sya ang madalas na nagpaplano ng outing ng barkada.

Binuksan ni Laureen ang pinto ng sasakyan at akmang sasakay ng biglang nagsalita si Gio..

"Hey Brat! Sinong nagsabing sumakay ka? Di mo narinig? Si Destiny lang daw!" nakangising sabi ni gio

Si Laureen at Gio ang Aso't pusa ng gang. Mapangasar si Gio at siya ang madalas na joker namin, kaso nga lang pikunin talaga si Laureen.

"Shut up Giovanni! Kung gusto mo ikaw nalang ang bumaba" sabay irap ni Laureen kay Gio.

Sumakay nako at baka magka world war pa. Dito kami sa likod katabi si Gio. Pumagitna ako sa dalawa dahil baka maaksidente kami ng wala sa oras kapag nagtabi pa sila.

Papunta kami sa Resort nila Ernest sa Batangas. Dapat talaga last week pa to kaso madaming gawain sa School kaya't heto ngayon lang kami nakaalis.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon