EPILOGUE

44 1 0
                                    

“JACKIE, tinatanggap mo bang maging asawa ang lalaking ito? Sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?”

Nagniningning ang mga matang sinulyapan niya ang lalaking katabi sa pagkakaluhod sa harap ng altar.

“Opo, Padre, ng buong puso.”

Napangiti ang lalaki sa naging sagot niya, waring nasiyahan.

“At ikaw Dominic, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa, sa hirap at ginhawa, sa sakit at karamdaman, hanggang kamatayan?”

Muling tumitig sa kanya ang lalaki, kaytamis pa rin nang ngiti sa mga labi nito, ang titig sa kanya ay tila punung-puno ng pagmamahal.

“Opo, Padre, ng buong puso at kaluluwa. Mahal na mahal ko po ang babaeng ito.”

“Kung ganoon, ipinahahayag ko sa lahat na kayo ay mag-asawa na. Maari mo nang halikan ang iyong maybahay.”

Nagpalakpakan ang mga tao, hinawakan naman ng groom ang kanyang belo at itinaas, pagkuwa’y dahan dahang inilapit ang mga labi sa mga labi niya.
Napapikit na lang siya, kasabay niyon ay umawang ang kanyang mga labi at hinintay ang halik na ipinagkakaloob nito.

Ah, kaytamis ng halik na iyon, para siyang naakyat sa langit.

WAKAS

SHORT STORY lang po kasi hindi ko keri yung mahahabang CHAPS haha. parang sasabog yung utak ko na nun. MY GHEEED!!  sana na gustohan nyo. vote naman pampagana lang mag type haha hirap kaya mag type noh nakaka stiff ng mga daliri huhu d tuloy ako makapag hugas kamay. my Gheeed!! (-_-)

♥NasxorNariv

loved by RULES! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon