Naririto sa lugar na kung saan ay napako, nais kong maituwid sarili ko'y ako nangako.
Nagnanais na muling makita bawat pagsapit ng umaga, bayan kong sa bandang timog nais ko nang makita.
Nagipit at tila parang ibon akong nahulog, mula sa punong matayog.
Tulad ng aking pangarap ni hindi ko naman maabot, sa ini ilusyon kong bantayog na araw araw sana'y maikot.Ako'y nangibang lugar dito sa kontinente ng europa, tila naghahanap ng sandamakmak na pera.
Parang isang kawawa, nangangarap lumuluha. nakatingin sa timog- silangan, nagbabalak na lumipad pabalik sa aking bayang sinilangan.Nagdurusa sa mga salita, mga mapanghusgang mga mata, tila ba isang sumpa, ang pasaporte ko'y napalitan na.
Nagnanais ng mapayapang mundo, ngunit patayan at ganid ang syang nananalo.
Mahirap pakinggan ito ngunit iyon ang totoo, kinamumuhian base sa kulay at itsura, walang karapatan turing sayo ay isang basura...Mga nagnanais na makarating sa ibang bansa, mamulat sa katotohanan ang pera ay hindi mahalaga, ang gulay ay ginawa para satin mga nilikha, materyal bagay minsan kalamidad pa ang sumisira
Kung ipagpapalit ang kalayaan sa kalungkutan matitiis mo pa ba?
Buhay ko ngayon nagiisip kung wala na nga ba?
Pangarap na paraiso sa pilipinas lamang makikita, ngunit sa isang problema ito'y panaginip nga lang ba?