Habang nag lalakad ako papunta sa classroom di ko mapigilan na obserbahan ang nasa paligid ko. Siguro nakasanayan ko na din e.May mga mag kakaibigan na nag tatawanan, mag jowang nag haharutan, mga feeling bata na nag tatakbuhan. Ewan ko ba pero kapag talaga nasa school ka feeling mo malaya ka or malaya ka talaga, malaya pero may mga rules. Pwede ba yun? hayyy.
"Oy shane, Goodmorning" Napalingon ako sa bumati sakin at ngumiti sa kanya, andito na pala ako sa classroom
"Goodmorning din, kamusta ka?" tanong ko habang paupo sa bakanteng upuan.
"Okay lang HAHAHAHA" tumatawang sabi nya
Lumapit pa sya sakin para makipag kwentuhan, iba talaga tong babaeng to lunes na lunes ang daming kwento, pero kung titingnan naman ang buong classroom yun agad ang makikita mo, mga mag kakaibigan na nag kukwentuhan at nag tatawanan.
"Alam mo ba na may bago tayong classmate?" Lumapit pa sya sakin na parang ayaw nya iparinig sa iba, kumunot ang noo ko at takang tumingin sa kanya
"Second sem na ngayon ah, natanggap pa sila ng mga ganyan?"
1st year college BSIT sa isang pang publikong unibersidad kami nag aaral ni Bea Trinidad, ang kanina ko pa kausap.
"Siguro, Kasi andito na sya e ayun nga o nakaupo sa likod" turo nya sa pinaka dulo sa likuran, lumingon naman ako at tiningnan ang tinuro nya, di ko sya napansin kanina dahil nahaharangan pala sya.
"Mukhang anak mayaman yan a bat naligaw dito?" tanong ko sa kanya, syempre alam nya pag ganyang mga chismis. Si bea yan e
"Malay ko duh" maarte nyang sabi
"Eh? himala ata at di mo alam, anong nangyare sayo? Nahina na ba ang wifi mo at di ka makasagap ng chismis?" na tatawang tanong ko sa kanya, Nanlaki naman yung mata nya
"ABA HOY ANONG AKALA MO SAKIN CHISMOSA? AKO? ITONG CUTE NA MUKHANG TO CHISMOSA? NO WAY" yes po sumigaw po sya na akala mo kaming dalwa lang yung tao dito
"Nako bea oo cute ka pero chismosa ka talaga" Natatawang sabi ng bagong dating na si Nhel Vergara
"Agang aga ang ingay mo tingnan mo o nakatingin na sayo yung mga classmate natin" Sermon naman sa kanya ni Kaileen San Jose
"Wag na kayong umasa na mag babago yan, ibang klase din kapal ng mukha nan e" Ngumiti pa ng pang asar si Joshua Mendez
Lumapit na sila samin at mas nang asar pa, nakikitawa na lang ako dahil halata naman na sobrang pikon na si bea. Napalingon ako sa likuran ko kung saan nakaupo yung bagong salta. Napansin ko may lumalapit sa kanya para makipag usap pero mukhang suplado, iba talaga pag mayaman. Napatingin sya sa gawi ko ngumiti na lang ako sa kanya nabigla pako nung tumungo sya sakin bilang tugon tapos iwas ng tingin.
YOU ARE READING
Unknown
Random"Okay 1 2 3 smile" Lahat naman kayang ngumite e Kadalasan tunay na masaya Pero yung iba pekeng ngiti Paano ba malalaman ang tunay na ngiti sa peke? Paano ba maging masaya? or should I say Paano ba ulit maging masaya?