"Ano nga ba ang sukatan ng pagmamahal? Ang isinasaad ng batas? O ang isinisigaw ng puso?"
-NILALAMAN-
PANIMULA: THE KINGDOMS
UNANG KABANATA: THE FORBIDDEN LOVE
PANGALAWANG KABANATA: THE BETRAYAL
IKATLONG KABANATA: THE EXODUS
IKA-APAT NA KABANATA: THE JUDGMENT
IKA-LIMANG KABANATA: THE PROMISE
WAKAS: THE EXISTENCE OF LOVE
Walang anu-ano'y isang matulis na espada ang babagsak sa kinaroroonan ni Lory. Subalit...
Vena: (nakita ang espada na babagsak kay Lory) Lory! (sabay tulak kay Lory) Ah! (tumama sa puso ni Vena ang matulis na espada) (sabay natumba si Vena)
Lahat: Vena?! (nagulat)
Lory: (tumilapon pagtulak ni Vena upang iligtas siya) Vena?! (sabay natulala at tinanggal ang espada sa puso ni Vena) Vena! Mahal ko... (naghihinagpis) Vena!!!!!
-----------------PANIMULA: THE KINGDOMS------------
Sa isang malaking bayan ng Po-cot, may dalawang kaharian na naghahati: Una, ang Kahariang Saldang at ang pangalawa naman ay ang Kahariang Karaba. Sa Kahariang Saldang ay naghahari sina Haring Gabriel at Reyna Anna. Sina Haring Lucifero at Reyna Elizabeth ay naghahari naman sa Kahariang Karaba. May mga lalaking anak sina Haring Gabriel at Reyna Anna. Ito ay sina Lory-ang mabait at maginoong binata at si Han-ang kabaliktaran naman ng pagu-ugali ng kanyang kapatid. Sa kabilang kaharian naman, may dalawang magagandang dalaga sina Haring Lucifero at Reyna Elizabeth. Ito ay sina Vena-ang mabait at mahinhin na anak at si Tess-ang kabaliktaran naman ng kanyang kapatid.
Ngunit, hindi alam ng lahat ay may isa pang Kaharian na namamayani sa buong sanlibutan - ang Kahariang Magindang. Kung saan, dito nakatira ang mga magkakapatid na diyosa ng sanlibutan kasama ang kanilang amang diyos na Mabuti - si Jewel. Si Emerald- ang diyosa ng pananampalataya. Si Ruby- ang diyosa ng pag-asa at si Sapphire- ang diyosa ng pagpapatawad. Gayunpaman, may isa pang diyos na pagala-gala lamang sa sanlibutan. Ito ay si Dark-ang diyos ng pagkamuhi at kamatayan.
Ang mga diyosa at diyos na ito ay nagtataglay ng kanya-kanyang kapangyarihan. Si Emerald ay may Bato na siyang nagsisimbolo ng pananampalataya sa amang diyos na mabuti na kung saan, kinakailangang maging malakas at matatag sa gitna ng problemang darating sa buhay. Si Ruby naman ay may Baston na nagsisimbolo ng pag-asa na malagpasan ang anumang problema. At si Sapphire naman, ay may Kwintas na Krus na siyang nagsisimbolo ng pag-aalay ng sariling buhay at pagpapatawad. Si Dark naman ay mayroong Espada na nagsisimbolo ng pagkamuhi at kamatayan.
Sa Kahariang Karaba, dito dinadala ang mga taong nagkasala sa lipunan. Kung mapatunayan na ang isang tao ay nagkasala o nilabag ang isinasaad sa batas, sa kahariang ito hinahatulan na siya ay mamatay sa pamamagitan ng pagsunog sa kanya sa loob ng kulungan at ang kanyang abo ay itinatapon sa lupa upang gawing pataba. Gayunpaman, ang hari at reyna ang nagde-desisyon kung ano ang itinakdang araw na patayin ang taong nakagawa ng krimen. Anumang pagkakasala ang magawa ng isang tao at kung siya ay napatunayang nagkasala sa lipunan, kamatayan ang kabayaran; Sapagka't hindi dito tinitingnan kung malaki o maliit man ang kasalanan. Mata sa mata at ngipin sa ngipin ang kabayaran sa pagkakasala.
Sa Kahariang Saldang naman, dito dinadala ang mga taong inakusahan lamang at hindi pa napapatunayang nagkasala sa lipunan o nilabag nga ang batas. Ililipat siya ng mga Armeros ng kaharian sa kabilang kaharian upang hatulan ng hari at reyna. Ngunit, kung hindi siya napatunayan na nagkasala, ang hari at reyna ang magde-desisyon kung kailan ang araw ng kanyang paglaya. Sa kasawiang palad, ang taong nag-akusa sa nasasakdal ang siyang papalit sa kanyang pwesto sa loob ng kulungan upang hatulan ng hari at reyna sa maling akusasyon nito.
BINABASA MO ANG
THE EXISTENCE OF LOVE
Romance"Ano nga ba ang sukatan ng pagmamahal? Ang isinasaad ng batas? O ang isinisigaw ng puso?" Sina Lory at Vena ay parehong anak ng Hari at Reyna ng dalawang kaharian sa kanilang bayan. Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog ang kanilang loob sa isa't...