Kabanata 3

0 0 0
                                    

'Pervert'

MAFEY'S POV

Stress can contribute to heart rhythm disorders (arrhythmias) such as atrial fibrillation. Some studies suggest that stress and mental health issues may cause your atrial fibrillation symptoms to worsen. High levels of stress may also be linked to other health problems.

It was the reason why I collapsed.My heart is weak and I have arrhythmia heart disease.Alam na namin to noon pa pero di man gaano kalala.

Natakot ako ng nalaman ko at tanging pagdadasal at pananalig sa maykapal ang aking nagawa.Alam ko ring di ako pababayaan ng aking pamilya.

Lumipas ang ilang linggo nasa bahay lang ako.Hinuhugot ko nalang ang mga araw ko kababasa ng mga libro.Minsan naaalala ko parin ang sakit pero pinipilit kong hindi ikulong ang buhay ko sa dilim ng sakit.Lumalabas rin ako minsan sa bakuran para diligan ang mga halaman.Isa rin kase sila sa mga nagpapasigla sakin.Minsan ginuguhut ko rin sila at kung ano-ano pa ang ginuguhit ko para maaliw kahit papano.

"Ohh!Apo ang aga mo ata ngayon nagising ahh..."si lolo, kalalabas lang na may dalang kape.

Isang umaga, maaga akong gumising at agad na bumaba para diligan ang mga halaman.Hindi pa sumisikat ang araw pero alam na alam mo nang magiging maganda ang araw ngayon.Sana ako rin maging maganda narin yong pakiramdam ko.

"Napaaga po ang gising ehh."sagot ko habang napapangiti habang nakaharap sa mga makukulay na halaman.

"Mukhang maayos na pakiramdam mo ahh."pansin nya.

"Sana nga po."pagkatapos kong magdilig agad akong bumalik sa kwarto ko para maligo.

Mukhang maganda nga ang magiging araw ko ahh.Sana lang walang sumira.Sana walang sakit na maalala.Siguro totoo nga talaga na pagkatapos ng sakit na madadaanan ay susuklian ng saya.Minsan pagkatapos ng tawa ay paluluhain ka.Ganon ang kapalit dahil literal na ganun ang buhay.

Bumaba na ako kasabay ni Macie para sabay-sabay na kaming lahat mag-almusal.

"Nga pala dadating ngayon ang Mommy nyo.Susunduin natin sila sa bayan mamaya."si lolo sa kalagitnaan ng pag-aalmusal namin.

"Lo may pupuntahan nga po pala ako.Madali lang naman babalik rin po ako."si kuya at agad inaprobahan naman sya ni lolo.Tahimik naman kaming kumakain ni Macie habang si lolo at kuya ay nag-uusap tungkol sa negosyo.

Pagkatapos kumain hinugasan ko muna ang mga pinagkainan bago bumalik sa silid.

May maliit na balkonahe ang kwarto ko kaya doon ako tumambay habang ginuguhit ang magandang tanawin ng kapatagan.

Minsan kung hindi ako nagbabasa, pagguguhit naman ng mga tanawin o bahay ang pinagkakaabalahan ko.

Maya-maya lang ay tumulak na kami papuntang bayan para sunduni si Mommy.Hindi na sumama si Daddy kasi uuwi rin naman kaagad si Mom dahil flight na nila mamaya.

"Mafey how are you feeling honey?..."si mom matapos inabot sakin ang isang envelope na may laman ng mga kakailanganing papeles para sa pagtatransfer ko.Dito muna kami mag-aaral ni Macie.

"I'm feeling good mom..."nginitian ko naman sya.Puno ng pag-aalala ang mga mata ni mommy.

"Take care of your self.Okay?"bilin nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet My SoulmateWhere stories live. Discover now