NOTE: Hindi po sanay ang author mag DOTA, sorry kung nag mukhang Street Fighter ung DOTA scene ko. Kung marunong ka, edi ikaw na! Gumawa ka ng sarili mong kwento, haha.
***
Dito kami ngayon sa Comp Shop, ano ba bago dun? Adik ako sa DOTA, oo inaamin ko. Angal ka?
"P're, may humahamon!" sabi sakin nung barkada ko.
Wala din namang bago dun, Comp Shop na bahay ko eh. Kilala na nga ako sa school bilang pinaka magaling mag DOTA, astig no? Haha. But not totally pinaka magaling, syempre pa-humble konti. Ano lang, yung tipong walang nakakatalo sakin. Yun yun eh!
"Asan?" tanong ko naman, syempre di ko uurungan yan!
"Eh, basta nandun.." tinatamad na turo naman ng tropa ko sa may sulok. Anak ng kadiliman ba yun? Eh di ko maaninaw mula dito..
"Ano daw pusta?" Syempre di ako lalaban ng walang pusta! Nagkamot lang ng ulo ung tropa ko..
"..di ko natanong eh. Hehe!"
"Ano ba yan, dre!"
"Eh labanan mo na! Mamaya nyo na pag usapan yung pusta, tsak naman mananalo ka." bulong nya sakin.
"Itanong mo muna.."
"Weak ka pare!"
"G*go! Basta itanong mo!" Di ako weak! Sigurista lang, mga tao kasi ngaun mapanglamang!
"George! Ano daw pusta?" Rinig kong tanong nung tropa ko ng makalapit sa madilim na sulok.
Maya-maya, tumatakbo na sya pabalik sakin.
"Pre, pagnatalo ka daw, girlfriend mo na yung kasama.."
"Joke ba yan pare?" Di naman sa pagmamayabang no, ang gwapo ko kasi hahaha! Ang totoo nyan, campus crush daw ako. I flirt with girls, pero ayoko ng girlfriend. Bakit? Demanding eh, pagbabawalan pa ko mag dota..
"Yaan mo na, Troy! Maganda yung chicks.." Bulong pa nya sakin.
"Girlfriend nya?" Pinamimigay?
Natawa naman sya, parang may alam na ayaw sabihin. Tsk. "Hindi, friend lang."
"Ayoko ng gf, tol."
"Okay lang yan pre, pag laruan mo na lang tulad dati.. mukhang dead na dead sayo yung babae eh!"
Haist! "Eh pag nanalo ako?"
"Ano bang gusto mo?"
Ano nga ba? Hmm.. di naman ako sugapa eh. "iPhone kaya? Hahaha!"
"Okay! George, iPhone daw!"
"Huy, joke lang!" Kaylangan isigaw? Leche!
"Okay lang daw pre! Okay lang yan, win-win situation ka naman.. oy, baka magpatalo ka ah!"
"Hindi po, manager!"
Start ng game..
Syempre ang pinili ko, ang favorite kong si Rikimaru. Yeah ba! Tapos sya..
Mirana?
Ang bakla naman- ay siguro pervert to? Kaya yung sexy ang pinili.. tsk tsk!
Potek, magaling to ah! Pero hindi ako papatalo! Smoke screen! Backstab! Backstab! BWAHAHA! Kahit ilang Elune's Arrow at Leap yang itira mo, walang panama sakin!! Dahil tatapatan ko yan ng super Blink Strike ko! Tapos huminto muna ako ng attacks then, voila! Permanent invisible hahaha! Wait for my backstab-
BINABASA MO ANG
I Met My Girlfriend Through DOTA [one shot]
Teen FictionA/N: Di ako marunong mag-dota, kaya sorry kung nagmukhang street fighter ung dota scene ko haha!