Chapter 2

26 4 2
                                    

LUNA VILLANUEVA POV

"Oy, gaga taray ah, parang dati ayaw mo kay Kiffier,tapos ngayon palagi na kayong mag kasama."sabi ni Clare.




"Mabait naman pala siya e, kala ko hindi, tsaka nag sorry na siya sakin kanina lang."



"Pero gaga bagay kayong dalawa, halos lahat na nasa campus galit sayo kasi ang sweet nyo ni Kiffier."



"Wala akong pake sa kanila, hindi ko naman gusto si Kiffier e, mag kaibigan lang kami."



"Okay, sabi mo e."



"Tara na nga, uwi na tayo dami mong sinasabi e."



"Oo na, may bibilhin lang ako saglit ah, hintayin moko jan."sabi ni Clare bago umalis para bumili.



Lumingon lingon ako, at nakita ko si Kiffier papalapit sakin habang nag lalakad.



"Luna, diba malapit lang sa school natin yung bahay niyo?"tanong ni Kiffier.



"Oo, bakit?"



"Sabay na tayo, mag kapitbahay naman tayo e."nag papacute na sabi nya.



"Kasama ko kai-"hindi ko natuloy yung pag sasalita ko, dahil agad nag salita yung kaibigan ko.



"Sabay na kayong dalawa may pupuntahan pa'ko e, baka matagalan ako, tsaka mag kapitbahay naman kayo kaya sabay na kayo."sabi ni Clare at ngumiti.



"Ah, sige ingat ka."maikling sabi ko.




"Sige, byeee ingat din kayong dalawa."sabi nya.



Patuloy lang kaming naglalakad ni Kiffier




"Luna, may jowa kana ba?"tanong ni Kiffier.




"Wala, bakit jowain mo'ko?"nag bibirong sabi ko.




"Pwede."maikling sabi nya.

"Sira, joke lang yon HAHAHA"natatawang sabi ko.




"Siraulo ka talaga HAHAHA"natatawang sabi nya.




Hays buti nalang napalusot ka don self.





"Btw, ikaw may jowa kana ba?"tanong ko.




"Wala," maikling sabi nya.




"wala bang nanliligaw sayo or nag kakagusto sayo?"tanong nya.




"Wala, ayoko kasing mag jowa e, crush lang muna."




"So, may nagugustuhan ka ba ngayon?"




"Oo, pero natatakot akong umamin sakanya, Dahil baka hindi ako yung gusto nya.




"Ah, bakit mo siya nagustuhan?"tanong nito.




"Nung una ayako sa ugali nya, kasi inaasar nya ako. pero nung naging close na kami, mas lalo akong nahuhulog sakanya."




"Swerte naman non."




"So swerte ka?"mahinang sabi ko.




"Ha? ano ulit yung sinabi mo?"nagtatakang tanong nya.




"Ah, wala sabi ko, oo, swerte siya."palusot na sabi ko.




"Paano kung magugustuhan ka din nya?"




"Edi masaya" Natatawang sambit ko.




Ang manhid naman nito, hindi nya alam na siya yung tinutukoy ko. sabi ko sa sarili ko habang nag lalakad kaming dalawa.




"May naging jowa kana ba dati?"





"Oo, kaso hindi kami nag tagal kasi may nagugustuhan siyang iba."




"Awts, sakit naman non."




"Baliw, sanay nako."




"Cheer up!"




"Salamat!"mahinang sabi ko.




"Dito na pala bahay ko, kita nalang tayo bukas."sabi ni Kiffier.





"Sige, punta nako sa bahay namin. malapit lang naman pala bahay natin sa isa't isa, kala ko kasi nag bibiro kalang kanina."natatawang sabi ko.




"Baliw HAHAHAHAHAHA"





"Pasok kana. byee na, kita ulit tayo bukas."sabi ko at pumasok na'ko sa bahay namin.

I Chased You (On Going)Where stories live. Discover now