Story #01: PAUBAYA
"Hon!!" Nakangiting tawag ko sa kanya pagkalabas ko sa bahay. "I'm sorry if I made you wait.." Dugtong ko ng pagbuksan niya ako ng pinto at maingat na ilalayan para makasakay sa kotse niya.
"You're always worth to wait, remember that.." He said after he kissed me. He's Enzo my boyfriend, we've been together for 8 years.
"So where do you want to go, hon?" Lagi niya akong sinusundo sa bahay tuwing gabi, gusto niya kasi na sabay kami laging kumain sa labas lalo pa't mahirap magtagpo ang free time namin pag umaga. Bawat araw ay hindi niya nalilimutang makabawi sa akin.
"Anywhere you want hon, basta magkasama tayo" I said while looking at him. I am really blessed to have this man!
"Okay hon, I'll take you to place you'll really love..." He never failed to disappoint me and show that he really loves me, every second of his life.
***
"Surpriseeee!!" Malakas at masayang pagbati ang sumalubong sa akin pagkatagal ng piring sa mga mata ko. Lahat ng mga mahal ko sa buhay ay nandito, pamilya niya at pamilya ko. I searched him all over the place and to my surprise, he is slowly walking towards me singing while holding a bouquet of flowers.
"Happy 9th Anniversary Hon" He said and handed be a bunch of flowers. "I love you, you're the best thing that happened in my life. You're the most beautiful woman that captures my heart and I see no future if it's not with you....." Bigla itong lumuhod hawak ang isang bagay na naging dahilan ng pagkabigla ko. A ring, a wonderful ring offered right in front of me. "Kneeling in front of the most wonderful woman whom I want to carry my last name and be the mother of my children, I Enzo Ruiz Gomez asking you to be my wife... Ariane Rivaz, will you marry me?"
"Yesss, I will marry you!" He claimed my lips. Napuno ng sigawan at pagbati ang paligid. Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin, sobrang saya ko! "I love you my soon to be Mrs. Gomez.." He said when our lips parted. I can't stop myself from crying because of this unexplainable happiness, tears of joy continue to fall from my eyes. "I love you more" Sabi ko saka siya inakap ng mahigpit.
Matapos ang araw na nag-propose siya sa akin ay mas napadalas ang pagsasama namin para sa pagpaplano sa kasal at sa bahay na titirhan namin.
"Yung simple na lang hon, syempre kailangan din nating magtipid. Ang mahalaga ay naroon lahat ng mahal natin sa buhay at mga kakilala" Sabi ko habang kausap namin ang wedding coordinator na kinuha niya.
"Isang beses lang 'to mangyayari hon. I want to give you the best wedding you could asked for. I want it to be the greatest day of your life. Don't worry about the expenses, I'll pay for it. You just have to be there as my bride, I love you.." Kahit anong gawin kong pigil ay hindi niya ako pinakinggan. Kahit anong pilit kong sipleng kasal na lang ay hindi siya pumayag kaya't iniwan ko na muna sila ng wedding coordinator para tumingin ng gown na isusuot ko. Dito na din kasi sila nag-usap para daw umakma sa theme ng kasal ang kulay na gagamitin para sa isusuot ng mga bridesmaids at groomsmen, maging ng mga magulang namin at ng ibang dadalo.
***
"Hon, I'm sorry kung matatagalan ako bago makabalik. Sorry kung hindi kita masasamahan sa pagpaplano at paghahanda para sa kasal natin" Gustuhin ko mang tumanggi sa boss ko pero wala akong magawa dahil ako lang daw talaga ang maaasahan niya. Binalak ko na ding mag-resign sa trabaho ko pero pinigilan niya ako. Ipapadala kasi ako ng boss ko sa Italy para maging representative niya sa business partnership niya sa isang kilalang kumpanya doon.
YOU ARE READING
One Shot Collection (GORGEOUSJINXX)
Teen FictionIba't ibang storya na bunga ng aking imahinasyon. -gorgeousjinxx LANGUAGE: English and Filipino Date Started: 11/03/20 Date Finished: --/--/--