Prologue

8 0 0
                                    

Faith's POV

 I am Faith Isabel Tiamson maganda sabi ng iba, matalino sabi ng iba, mabait sabi ng iba, mahiyain sabi ng iba lahat ng magagandang katangian sa akin ay puro sabi lang ng iba. Hindi kasi nila alam kung ano ang tunay na ako, kahit na sino walang nakakaalam, maliban sa isang tao.

"Miss Tiamson may masakit ba sayo?" sabi ni miss Alegre ngumiti nalang ako at umiling. Ayaw ko ng masyadong nagsasalita iniipon ko pa ang energy ko para mamaya. Bakit kasi sa dinami dami ng araw e mamaya pa ang napili nila mga bobo talaga.

"okay class dismiss" biglang sabi ni miss at wala pa isang minuto e nakaalis na ang mga kaklase ko, hanep naman talaga dinaig pa si flash. Tumayo na rin ako kasi nagugutom na rin ako. Pag pasok ko sa Cafeteria nabigla pa ako kasi parang nagbago yung cafeteria namin, mula sa sahig, sa mga lamesa at upuan, at ang mga desinyo nag iba na rin, pero mas okay na to kasi parang mas malinis na tignan kesa naman dati sobrang dumi.

"nakita mo ba ang bagong estudyante?" rinig kong bulungan ng iba habang naglalakad ako papunta sa counter.

"hindi pa pero ang rinig ko sa iba ay Grade 10 na siya tapos section A siya" section A? e section ko yun e, bakit parang wala namang bagong student kanina? fake news ata tong dalawang to e.

"ede ang talino niya pala, lalaki ba siya o babae?" chismosa na ba ako nito? gusto ko kasi marinig ang pinagsasabi nila, ngayon lang naman ako nagkainteres sa kwento ng iba, chismis na ata to e hay nako tigil na ng-

"lalaki siya, kung di ako nagkakamali pangalan nya ay Jason Blue Alvarez" literal na napatigil talaga ako, potek si blue dito mag aaral? at mag kaklase pa kami parang d maganda to.

"sara mo yang bunganga mo baka mapasukan ng kung anong insekto" agad akong napatingin sa tabi ko at nakita ko ang taong kasama ko palagi dati ang taong tinuring kong kapatid, ang taong sinasabihan ko ng mga problema ko sa buhay, ang taong naging sandalan ko tuwing sukong suko na ako at ang taong iniwan ako ng walang paalam.

sinara ko ang bunganga ko na hindi ko naman namalayan na nakabukas pala at nag order nalang ng pagkain ko ng hindi siya pinapansin. D pa ako handa, d ko inaasahang babalik siya pagkatapos nya kong iwan, hindi ko ata kaya. Nang matapos kong mag order ay umalis na ako at pumunta sa tambayan ko kung saan walang taong dumadaan o pumupunta syempre maliban sakin.

Habang kumakain at nag iisip d ko namalayan na tumutulo ang luha ko potek bakit ako umiiyak. Hindi dapat ako umiiyak, nangako na ako sa sarili ko na kahit kailan hindi na ako iiyak, last na yun noong mga araw na nawala siya pero bakit ngayong bumalik siya umiiyak nanaman ako? ano ba to? nakakainis.

Inubos ko nalang ang kinakain ko at tumambay muna dito kase meron pa akong 10 mins bago mag time. Kinuha ko ang cellphone ko at nag open ng Facebook tinignan ko ang notification ko, wala namang importante kaya tinago ko nalang at naglaro nalang ng COD. 

Habang naglalaro biglang nag ring yung bell na dalawang beses hudyat na 5 mins nalang ang natitirang time kaya tumayo na ako at naglakad pabalik ng room, natalo pa nga ako, kainis naman. Pag pasok ko ng room umupo na ako sa upuan ko at nagmunimuni habang hinihintay ang pagtunog ng bell. Yung bell sana ang hinihintay ko kaso pagtunog ng bell pumasok ang taong inaasahan kong pumasok kase nga kaklase ko siya malang dito din siya papasok pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag upo niya sa tabi ko, oo SA TABI KO! aba matinde din talaga ang hayop na'to dito pa talaga umupo.

"umalis ka jan kung ayaw mo masaktan" pagbabanta ko, nakakapikon kasi pagmumukha niya e sarap sapakin, pasapak naman oh isa lang.

"tsk" sabi niya habang pinipigilan ang pagtawag, umiiling iling pa ang hayop, aba men may sira utak nito.

"tatayo ka o tatayo ka?" pag ito hindi pa talaga tumayo sisipain ko to baka mabasag bungo nito, kainis.

"still bossy" sabi niya at bigla ko siyang tinignan ng walang emosyon at ayun natakot ata ang loko at umalis, hay nako mabuti naman kung ganon. Lumabas siya ng room, mabuti naman sana wag na siya pumasok pa ulit para masaya.

Makalipas ang mga tatlong minuto pumasok na ang teacher namin, kasabay niya ang hayop, sabi ko wag na babalik e.

"okay class goodmorning" bati ni miss sa amin "goodmorning miss" bati ng mga kaklase ko sakanya.

"you have a new classmate, mister alvarez pls come here" pumunta naman siya sa tabi ni miss at nag smile pa.

"okay mister Alvarez, kindly introduce yourself" nakangiti ring sabi ni miss, ba't parang ang saya nila? 

"I am Jason Blue Alvarez, thankyou" sabi niya wow ang haba naman nun, grabeng information ang sinabi niya. Parang sa isang thankyou e sinabi na niya talambuhay nya.

"Okay thankyou din mister Alvarez you may take your sit now, pili ka nalang ng gusto mong pwesto" sabi ni miss at kinutuban ako agad kaya nilibot-libot ko ang tingin ko sa buong classroom namin ay teke ba't may vase na malapit sa bintana? sino nag lagay nyan? bakit parang wala naman ata yan jan? sino kaya nag bigay nyan?

"okay miss, thanks" sabi niya narinig ko yun pero d ko nalang pinansin kasi pinag tutuunan ko ng pansin yung vase pero teka? bakit parang may umupo ata sa tabi ko? Pag tingin ko dito nga siya umupo nako pangit naman ka bonding neto. D ko nalang siya pinansin at binigyan siya ng walang emosyong mukha, parati naman ata walang emosyon mukha ko. Malamang sa malamang, ano ba dapat gawin? Mag smile ka habang naglalakad? iiyak ka? para lang magkaemosyon edi pinagkamalan ka ng may sira sa ulo non.

Nag umpisa na nga ang klase kaya nakinig nalang ako. Sana naman sa buong school year na 'to ay matiwasay ang pamumuhay ko araw araw, sana nga

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ARCANUMWhere stories live. Discover now