CHAPTER 16

479 13 0
                                    

I went straight home after i got home from work.
I just got dressed in the bedroom before going downstairs to cook dinner.

But i was dissappointed when i still found the food i left for Winthon.Ni hindi manlang ito nabawasan.
Hindi din kinain ng ibang maids.Alam kasi nila na para sa boss niya ang mga ito.Napasimangot ako.

Isa-isa kung tinapon ang mga ito at nilagay sa lababo ang mga plato.
Nagluto ako ng panibagong pagkain.Baka kasi hindi pa nakakain si Winthon pag-umuwi,atles may naluto ako.

After i finished cooking,i also ate before going up to sleep.I also feel asleep immediately maybe because i was tired.

Naging routine kona ang magluto sa umaga at gabi para sa amin ni Winthon pero ang ending ako lang ang kumakain at tinatapon ko nalang ang mga pagkaing para sa kanya dahil di niya kinakain.Hindi manlang niya nakikita ang mga effort ko with matching sweet note pa.
Anong problema ng lalaking yun!pabago-bago ng mood.Sala sa init,sala sa lamig.

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito si Winthon,maayos naman kami dati kahit hindi kami tunay na mag-asawa we are friends,he was still sweet for a few days,bago nawala ng dalawang linggo dahil sa hindi niya pag-uwi.No call No message.
Nang umuwi siya nakapagkwento pa siya tungkol sa buhay niya pero ng may nangyari sa amin hindi na niya ako pinapansin.Isang linggo narin kaming ganoon.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nakakapagtiis ng ganito.Sanay ako na ako ang sinusuyo ng mga lalaki,pero bakit parang bumabaligtad yata ngayon.Hay! Unfair talaga.Ayaw kong mag-isip sumasakit ulo ko.

"Alam mo girl inlove ka!" sabi ni Orlie.Alam nadin ni bakla ang mga nangyayari sa akin.Wala narin akong inililihim sa kanya.

"Hindi naman siguro bakla!nanibago lang siguro ako dahil hindi naman sya dating ganyan." Sabi ko.

"Hoy girl! Naisuko muna nga si bataan mo sa kanya tapos sasabihin mong hindi!"
Kaagad kung tinakpan ang bibig ni Orlie.Sa lakas ng boses baka may makarinig nakakahiya.

"Bakla ano kaba!epreno mo naman yang bibig mo!"

Tumango-tango siya bago ko binitawan bibig niya.

"Grabi ka girl kung makatakip ng bibig!" maktol niya.

Pero pinandilatan ko siya ng mata.

"Oo na!tatahimik na!"

Suddenly my fone rang.
Kaagad ko itong sinagot ng makitang si Winthon ang tumatawag.

"I'll pick you up,well eat!" he said immediately.

"Okay sige" sagot kona agad.
Halos parang pigil hinga ako sa excited.

"Ay sus!yan ba ang hindi inlove!
isang tawag lang taranta na" Si Orlie.

Sinimangutan ko siya.
Kainis tong baklang ito,masyado bang halata?

Ilang minuto lang ay nandyan na siya.Kaya nagpaalam nalang ako kaagad kay bakla.

"Anong nakain mo at naisipan mo akong ilibre ngayon?" habang nasa loob kame sa sasakyan.

Tumingin siya sakin pero saglit lang."Diko ba pwedeng i-treat ang asawa ko?" sagot sa akin.

Tumaas ang isa kung kilay sa kanyang sagot.Pero kinilig talaga ako.

Isang mamahaling restaurant kami pumunta.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinagsakob  niya.Hindi na din ako umangal,bakit pa!.eh..gusto ko naman.

Mga pagbati ang nabungaran namin pagkapasok.

"Good afternoon sir,ma'am!"
Bati sa amin ng mga crew at yumuko.

"Dito po kayo sir Winthon" sabi ng crew.
Napakunot ang noo kung tiningnan ang crew.
Kilala niya si Winthon?marahil ay regular costumer siya dito.

Binigay samin ang kanilang menu.Hindi ako makapili dahil mahal ang mga pagkain kaya siya na din ang nag-order para sakin.

Paalis na kaming muli ng matapos kaming kumain ng maalala kung di pa pala siya ng bayad.
Kaya ako na ang mismo ang lumapit sa counter nila para kunin ang bill namin.

"Hindi na po kaylangan ma'am,si Sir naman po ang may-ari nito."
Napalingon ako kay Winthon na nakangisi sa akin.

Kainis napahiya na naman ako.

"Bakit dimo sinabi na kayo ang may-ari nito?"

"Did you ask?" Nakangising pailing-iling pa.
Hindi na ako umimik pero sumimangot ako.

Hindi na ako nabalik ng office dahil pumunta kami sa isang beach and resort.
At sa klasi ng pagbati ng mga empleyado malamang na pag-aari din ito ng mga serrano.

Ang lawak at ang ganda ng lugar.
Kaya sa harap agad ako ng dagat pumunta.
Meron kasi akong naalala sa dagat.Mahilig kami noon ni mary magtambay sa tabing dagat.
Sabay naming tinitingnan ang paglubog ng araw.Kapag inatake kami ng kakalugan,may habulan,harutan,at tawanan.Ganon kami ni Mary noon.Magkasamang masaya.
Akala ko nga forever na ang pagkakaibigan namin.Naalala ko pa ang pangako namin sa isa't-isa."FRIENDS FOREVER,STAY TOGETHER".Para sa akin ay napakagandang kasabihan iyon.
Ngayon kolang napagtanto ang cheap pala.

Namalayan ko nalang na may luha ng pumatak sa mga mata ko.Masakit padin pala kapag maaalala ko ang nakaraan.Kahit sabihin kong kailangan ko nang kalimutan may kirot pa din.

"Why do you seem sad?pangit ba ang lugar?" Kahit hindi ako lumingon alam ko si Winthon ang nagsalita sa likuran ko.

Pumihit ako at nginitian siya.
"Maganda ang lugar Winthon! May naalala lang ako sa ganitong lugar!..Ahm..bakit mo nga pala ako naisipang dalhin dito?"

"Gusto kong makabawi sayo!" Sabi niya habang nakatingin sa dagat.

Kumunot ang noo ko."bawi?saan?"

Tumingin siya sa'kin."Ang dami mong tanong! Gusto mo Icecream?"

Tumango nalang ako.

Pagkatapos pumunta na kami ng hotel,itinuro niya sa akin ang kwarto namin.

"Magkasama tayo sa kwartong 'to?" tanong ko.Bagaman malaki ang kwarto pero hindi ako sanay na may kasamang lalaki sa kwarto.Kahit naman kasal na kami,magkaiba naman ang kwarto namin sa bahay niya.

"Hindi pwedeng hiwalay tayo ng kwarto.Every here knows that you are my wife,so our room should be one..
Wag kang mag-alala wala akong gagawin sayo,unless gusto mong maulit ang nangyari satin!" Sabi niya na may pabulong ang huli niyang sinabi sabay kindat.

Pakiramdam ko,pulang-pula ang mukha ko sa sinabi niya.
Inirapan ko siya.Akala ko hindi niya naalala ang nangyaring iyon dahil ang suplado niya pagkatapos non.At talagang iniisip pa niya na may kasunod yon.Nadala lang ako dahil sa epekto siguro ng alak.

Lalo siyang tumawa sa inasal ko.
Hindi ko nalang siya pinansin.Baka mas mapahiya pa ako,nagbukas nalang ako ng closet.May nakita akong mga damit pambabae doon.Tamang tama wala kasi akong dalang damit dahil biglaan ang pagpunta namin dito.

Bago pa ang mga ito dahil may mga tag price pa.Wow ha!ganito ba talaga ang mga mayayaman?

"Kaninong gamit ito?" tanong ko sa kanya.

"That's all for you!" sagot niya.

Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Pinabili ko kanina!Hindi pwedeng matulog kang walang saplot.Mahirap na" dugtong niya.

Kibit balikat nalang ako.Ayoko ng patulan ang mga lumalabas sa bibig niya.Nangangamatis ang mukha ko.Buwisit na'to,dapat ba pinapaalala?

Madali lang sa kanya na bumili ng mga gamit ,mapera eh.Money works ika nga nila.

Pumunta ako ng banyo at nagbihis.

My Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon