Chapter 1

3 0 0
                                    

Nakatingin lang si Shauna sa kawalan habang naghahain ang kanyang ina. Gusto niya ang mga pagkaing nasa mesa ngunit may ibang pinag-iinteresan ang utak niya sa ngayon. Pasukan na bukas. Hindi naman siya kagaya ng ibang estudyante na itinuturing na parusa ang pag-aaral. Nagpapasalamat nga siya dahil kaya siyang pag-aralin ng mga magulang niya. Pero sa taong ito, kailangan niyang masanay sa isang malaking pagbabago. Para sa kanya ay napakahirap nito dahil ang taong nakagawian niya na ang presensya ay hindi niya na makakasama.

"Shauna, anak. Hindi kasalanan ni Henry na pinapalipat siya sa mas malapit na school ng parents niya. Malayo-layo rin ang nilipatan nilang bahay."

"Alam ko naman po iyan, ma. Medyo malungkot lang ako kasi since kinder ay schoolmates or classmates kami."

Nanunuksong ngumiti ang kanyang ama.

"Ma, hayaan mo na 'yang anak natin. Broken-hearted lang yan kasi hindi niya na makikita ang palalabs niya araw-araw."

"Pa!"

Naramdaman ni Shauna ang pamumula ng kanyang mga pisngi, bagay na ikinatawa ng kanyang mga magulang. Wala talaga siyang maitatagong sikreto mula sa mga ito.

"Dahil pasukan na rin naman bukas, sulitin mo na ang huling araw ng bakasyon. Rest day mo ngayon. Ako na ang bahala sa mga gawaing bahay."

"Ma, gusto ko po sanang pumunta kina-"

"Tao po!"

Kung may paligsahan ng pabilisan, tiyak na nanalo ang leeg ni Shauna. Mabilis pa sa alas-quatro ang kanyang paglingon sa pinanggagalingan ng boses.

Mula sa kinauupuan ay kitang-kita niya ang kanyang bestfriend na si Henry. Makikita sa mukha nito ang saya. Para kay Shauna ay sadyang nakakahawa ang ngiti nito, kaya naman pati siya ang napangiti rin.

"Ayiee."

Nabalik si Shauna sa reyalidad nang marinig ang panunukso ng nanay niya.

"Pagbuksan mo na ng gate ang bestfriend mo, nak. Baka akalain 'nun na hindi pa kayo bati."

Hindi na nakasuot ng tsinelas si Shauna sa pagmamadaling pagbuksan si Henry. Ini-park muna ni Henry ang bisikleta nito sa loob bago siya niyakap ng mahigpit.

"I missed you. Akala ko hindi mo na talaga ako papansinin."

May pagtatampong sabi ni Henry na ikinatawa niya.

"After so many years, ngayon pa ba tayo mag-i-FO?" I would help you hide a body tapos you're expecting me to hate you for transferring schools?

"Pasok ka. Kumain ka na?" Kahit medyo nagtatampo pa rin si Shauna ay ayaw niya pa ring malipasan ng gutom si Henry.

"Hindi pa nga, eh."

She frowned.

"So, pumunta ka rito para lang mag-breakfast?" Tanong ni Shauna na ikinatawa ni Henry. Nang marinig ito, ang katiting na pagtatampo na nararamdaman ni Shauna ay naglahong parang bula. Marami siyang mga paboritong kanta ngunit agad niya ring pinagsasawaan kapag maraming beses niya nang napapakinggan. Ngunit ang mga tunog na nagagawa ng boses ni Henry, lalo na ang kanyang tawa, ay pwede niyang ilagay sa isang playlist at palagi niya itong papakinggan. His voice. It can be my lullaby that would put me to sleep every night. It can be my alarm ringtone that would give me the strength to wake up every morning and face the day that lies ahead. I would also turn it into my ringtone for urgent calls, which would make me reach for the phone quickly because the call is as important as the voice that fills the air but would also make me stop in my tracks as the realization of how much I treasure the owner of that voice dawns in.

Nanlaki ang mga mata ni Shauna, matagal na niyang nararamdaman ang bagay na ito, ngunit ngayon niya lang ito nabigyan ng pangalan. Posible kaya? Tumingin siya kay Henry. Saka niya lang napansin na kinakausap pa pala siya nito habang nangungulangot. Ipinokus niya na lamang ang sarili sa pakikinig sa sinasabi nito.

"-ni Tita. Tapos hindi ako pumunta rito para lang sa pagkain. May masama at magandang balita akong gustong sabihin. Ikaw ang pumili kung alin ang uunahin ko."

"Unahin niyo muna ang pagkain. Kanina pa kayo diyan sa labas. Baka lumamig na ang breakfast."Sabi ng nanay ni Shauna na kanina pa pala nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Magandang umaga po, Tita Mary." Bati ni Henry na agad tumigil sa pangungulangot.

"Halika rito, Henry. Sumabay ka na sa amin." Sabi ng tatay ni Shauna na nanunuksong ngumingiti kay Shauna.

"Sige po, Tito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Glimpse of the FutureWhere stories live. Discover now