~
" Sinabing hindi nga ako!" Sigaw nito sa mismong muka ko. Natawa naman ako.
" Marami na akong patay na ganyan ang sinabi. Che! Di na ako maniniwala." Maarteng sabi ko saka pinadaan ang katana na hawak ko sa leeg niya. Tumalsik ang napaka daming dugo nito at tuluyan na siyang nalagutan ng hininga. Nakita ko pa ang muka nitong naka nganga na mukang ewan.
Ampanget niya.
Akmang aalis na sana ako sa bahay niya ng may naramdaman ako malapit sa paligid kahit na alam kong napatay ko na lahat ng tao dito. Naging alerto ako at pinakiramdaman ang paligid. Itinutok ko ang katana ko sa likod ko. Tumapat ito sa mismong leeg taong susugod na sana sa likod ko.
Ngunit napatigil ako ng makilala ko kung sino ito.
" Felix?" Tanong ko dito at binaba niya ang telang nakatakip sa muka niya. Si Felix nga! Mukang nagulat din siya ng nakita niya ako. " Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tinanggal ang maskarang suot ko.
" Ako ang dapat nag tatanong niyan. Anong ginagawa mo dito, princess?" Pag babalik niya ng tanong saakin. Napakunot naman ang noo ko. Diba obvious?
" Gumagawa ako ng mission? Deba, Si lolo.. ganyan ganyan. Lam mo na." Sabi ko at nag simula ng mag lakad ulit palabas ng bahay. Dahil tapos na ang oras na binigay saakin.
" P-pero kasi-" bago niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na.
" Ayos lang ano ka ba. Matanda na ako. Kaya ko na sarili ko." Sabi ko at hinawi ang buhok ko.
" Hindi naman kasi y-" muli ko itong pinutol.
Nakarating na kami sa tapat ng gate nila. Pero pumunta ako sa pader na pinag akyatan ko kanina. " Sigurado akong malinis ang pag kakagawa ko. " Nilabas ko ang dalawa kong kutsilyo sa likod at itinusok ito sa pader. Ginamit ko yon para makaakyat. Narinig ko itong huminga ng malalalim para bang pinapakalma ang sarili niya.
" Yung pinatay mo kasi-" pinutol ko ito ulet.
" Yeah. Si Jacob Foster. Diba? Nakakapag taka nga dahil sabi ay pupunta ito sa ibang bansa pero naabutan kong nag nenetflix and chill lang sila ng jowa niya." Sabi ko at nilingon ito ginagawa niya din ang ginagawa ko.
" Dahil hindi naman kas-."
" Hindi niya yun asawa. Diba? Kabit niya lang yung panget na yun. Buti nga sakanya. Kakabet kabet ang panget naman." Nakarating na kami sa tuktok ng pader. Dahil tamad ako ay tinalon ko na lang iyon pababa.
" Hindi nga kase-."
" Ano ba hindi ka ng hind-." Naiinis na sabi ko pero pinutol niya ako.
"Patapusin mo muna kase ako!" Nagulat ako ng sigawan niya ako. Pinanglakihan ko ito ng mata.
" Sinisigawan mo na ako ngayon?! Hah?!" Sigaw ko din dito. Muka naman itong natauhan.
" I'm sorry, princess. Pero kasi. Pwedeng ako naman ang pakinggan mo?" Mahinahon nitong sabi sakin. Tinignan ko naman ito at pinagkrus ang dalawa kong braso at tinignan ito ng mabuti.
" Sige." Sabi ko at tinignan ang kuko kong bagong nail polish.
" O-ok. Princess kasi yung..." Huminga ito ng malalim saka nag patuloy sa pag sasalita. " Yung pinatay mo. Iba yun eh." Biglang humina ang boses nito kaya hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Class X: My first love
ActionHayooowww, bagong story HAHAHAHAHA. I'm not perfect so kapag may mga wrong grammar or what sabihin niyo na lang saakin and I will do my best to make right and kaaya aya for you HAHAHAHA.So ayunnn. Sana magustuhan niyows HQHQHQHQ.