~~
Leonna's Pov
Lumapag na ang chopper sa platform at nakaramdam ako ng pang lalamig sa buong katawan.
Bumaba na kami at tuluyan ng pumasok sa mansion.
Pag pasok pa lang ay sinalubong na kami ng pag bati at pag yuko ng mga guards at iba pang mga maids.
Nag lakad pa kami kung san san bago makapunta sa opisina ni Lolo. Siya lang at ang mga Reaper niya ang nakatira dito.
Pag tapat ko sa pinto ng opisin ni Lolo ay kinabahan na akong sobra sobra.
Hinawakan ni Felix ang balikat ko. Isa din si Felix sa mga reapers ni Lolo. Siya ang pinaka parito nito dahil napaka galing niya at mabilis mag isip ng istratihiya sa bawat misyon.
How I wish na katulad ko din siya.
Hinawakan ko na ang door knob ng pinto at pumasok na sa opisina niya.
~~
Trova's Pov
"Ugh! Bigat!" Angal ni Sean pag ka baba namin sa lalaking to sa sarili niyang kama. Nag inat inat pa kami ng likod at braso dahil sa ngalay. Totoo naman, sa laki ng lalaking to,, psh ewan ko na lang.
" Pumunta na kayo sa kwarto niyo." Sabi saamin ni Ken at nag punta na sa closet ng kuya niya.
Wala ng nag salita pa samin at sinunod na namin siya, lumabas na kami ng kwarto. Pero nag punta kaming lahat sa sala.
" Usto ko mag laro." Nakangusong sabi ni Ziah pag kaupo niya sa isa sa mga sofa.
" Wala naman pwedeng makipaglaro sayo. HAHAHA." Sabi sakanya ni Sean.
" Si Ate Ken-" napatigil siya ng napag tanato niya ang sinabi niya. Ngumuso na lang ito ng sobrang haba.
" Ako man. Gusto ko na ding mag billiards kasama si Jm." Nalulungkot na sabi ni Sean.
" Haysss. " Yun na lang ang nasabi ni Cess at sumandal na sa sofang inuupuan niya.
Nakaramdam ako ng inis sa mga pinag sasabi nila.
Biglaan akong tumayo kaya napatingin silang lahat saakin. " Hindi niyo na mararanasan pa yon." Sabi ko at tinignan sila ng mabuti. " Hindi niyo na mababalik ang dati." Tinalikuran ko na sila at nag punta na sa sarili kong kwarto.
Bumungad saakin ang napaka daming pictures sa paligid.
Nilock ko ang pinto at pinuntahan ang isa sa mga pinaka paborito kong kuha namin lahat. Hilig namin ang pag kuha ng litrato noon. Bawat mahahalagang pangyayari ay kinukuhaan namin ng litrato, at halos lahat ng yon ay masasaya. Pero wala naman perpekto eh. Kahit ayaw mo, may mangyayari't mangyayari pa ding masama.
Katulad pa din noon. Sa tuwing tinitignan ko ito ay bumalik lahat ng sakit na sinapit naming mag kakaibigan. Yun yung mga panahon na nag sabay sabay lahat ng problema namin. Mga panahon na halos masira na ang pag kakaibigan namin.
At dahil iyon sa isang babae.
Hinawakan ko ang litratong at tinitigan itong mabuti. Napangiti ako ng mapait.
Naka ngiti pa dito si Jm at Ken. Ang mag kapatid na parehas loko loko, parehas ang lakas ng trip sa buhay. Mag kapatid na parehas pinahahalagahan ang mga tao sa paligid nila.
Pero ngayon ay nag bago na sila.
Hindi ko masisi ang iba pa naming mga kaibigan na umaasang babalik pa silang dalawa, ang dating sila. Dahil ako din naman. Pakiramdam ko ay hindi katulad noon ang saya na nararamdaman ko araw araw. At dahil iyon sa mag kapatid.
BINABASA MO ANG
Class X: My first love
AksiHayooowww, bagong story HAHAHAHAHA. I'm not perfect so kapag may mga wrong grammar or what sabihin niyo na lang saakin and I will do my best to make right and kaaya aya for you HAHAHAHA.So ayunnn. Sana magustuhan niyows HQHQHQHQ.