Chapter 1: Forever-Moore

185 3 2
                                    

-Chapter 1-

"GOOD MORNING, magaganda't gwapong mga Anti-forever at sa mga stressed out na fans ng pausong forever! Ito po ang iyong lingkod na nagsasabing, naniniwala ka man o hindi sa forever ikaw po ay welcome dito sa FOREVER-MOORE'S Corner!

Let me read the letter of the week:
Dear Forever,
I used to love him to the moon and back, but he chose to hurt me. Ipinagpalit niya ako sa isang walking espasol. Noong una ay masaya naman po kami until one day sabi niya, 'Ayaw ko na, hindi na ako masaya sa relationship natin'. Akala ko there was something wrong with me pero after a week nakita ko siyang may kasamang iba. Narealize kong siya pala ang may mali at hindi ako ang nagkulang sa aming dalawa. Paano po ba mag-move on dahil sa tuwing nakikita ko silang magkasama ng new girlfriend ay nahihiling kong sana naging walking espasol na rin ako para balikan niya na ako? Sana po ay mabigyan niyo ako ng advice.

Nagmamahal,
Ms. LeftBehind "

"Ako po'y isang hamak na pogi,
Sa puso ni Forever ako'y nanahan
At sa puso ko siya ay number one."

Kung may bumubuo sa araw mo, ako naman may palaging panira sa araw ko.

"Pogi daw sa akin paningin,
Aba! Ikaw yata ay nag-de-daydream?
Asa ka pang number one,
Hindi mangyayari kailanman."

"Hello, babes! I'm back, ang iyong poging kapanalig sa forever. Happy listening."

Ang lakas yata ng aircon dito sa broadcasting booth, tinodo. Ang hangin masyado e. On-air kami ngayon. Every friday ay may programa kaming FOREVER-MOORE's Corner. Click ang programa namin dito sa Harlington University dahil sa pagbibigay ng advices sa mga letter sender na may problema sa mga bagay-bagay. To add spice with that, I have an annoying partner, si Justin Moore.

"To Miss LeftBehind, Mabuhay ang mga sawi at iniwan! Hindi nangangahulugan na ikaw ay unfortunate dahil iniwan ka niya at ipinagpalit, it was a blessing in a beautiful disguise. Naligtas ka sa mula sa pagpapakatanga. Paano mag-move on? Sabi nga ni KillLouiseNow sa kanyang librong Mga Eklavu Sa Pagmo-move On, 'ang pagmo-move on ay hindi basta-basta yan, it takes time, kaya habang ramdam mo pa yung sakit ay namnamin mo na dahil once na nakamove on kana, matatawa ka na lamang sa lahat ng iyong kagagahan'. Smile and let the stars fall on you!" pagbibigay advice ko.

"Forever is right, Ms. LeftBehind. Hindi minamadali ang moving on, you'll get there. Wag mo lang biglain ang sarili mo. Pag dumating ka na sa point na you're over him, add mo lang ako sa facebook at ipapakilala kita sa mga kasing pogi kong kaibigan. Thank you for sharing your story with us."

Mamaya talaga sa'kin yang walking aircon na yan.

"Reality Check: Walang Forever! This your beautiful Dj, FOREVER !"

"And this is the ever Awesome Dj Moore, hindi lang pogi pang-sports pa! See you around, babes. To end this program is a song, Thinking Out Loud requested by Forever Fanatics."

Inilapag ko na yung headphone. Anla. Napagod ako dun. Nag-stetching ako ng kaunti.

"Aircon! Bakit ba palagi kang pa-pogi, mapa-on air man or on land? Nakakairita ka, sarap mong tirisin ng buo at ipatapon palabas ng earth!" Singhal ko. Nakakaasar kanina pa 'to.

"Forever is your name at hindi daldalita. Will you please shut your bad breath mouth? You're always acting like a nagging wife." Cool niyang sabi kahit nilalait na ako.

Tangnathat beybe!

"Maka-bad breath, patunayan mo nga, i-kiss mo'ko dali. Hindi mo kaya kasi ikaw ang bad breath," ganti ko.

Ngumisi lang siya. Anla! Alam ko 'yan. Kumaripas ako ng takbo papunta sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa'kin ng maabutan niya ako.

Porkchop! Adobo! Friedchicken! Lagot is my new name.

"Justin nemen, ene kebe jek leng yen!"

Hinigit ba naman ako. Oh porkchop talaga!

"Gusto mo ng kiss, right?"

Tinulak ko siya sa abot ng super powers ko. Buti na lang nakawala ako sa paghigit niya. Ayoko nga maging started with a kiss ang theme ng magiging love story ko.

"FOREVER-MOORE!"

Porkchop with ketchup! Muntikan ng magmigrate yung mga tutuli ko sa pagsigaw ni Vernelie.

"Ano?!" sabay naming tanong ni Justin.

"Congratulations to both of you! You won a house and lot from Camilla Homes, Foton Van, Cherry Mobile Phones, at five hundred thousand pesos~ ... Aray! Wag kayong bru~... Aray hah!"

Pinagtulungan lang naman namin ni Justin na hilain yung buhok ni Vernelie, na ever-OA at big mouth na palaging nakasigaw magsalita.

"Spill it," utos ni Justin.

"Congratulations! Extended ang FOREVER MOORE'S CORNER niyo hanggang 2017!"

Jusmiyomarimar! It means extended ang scholarship ko. Twister fries! Nagtatalon na kami ni Vernelie sa tuwa.

"Cool," mahabang comment ni Justin. *insert sarcasm here* Basta ako masaya!

"Dahil extended ang programa natin. Tyaran! Manlilibre ka, aircon!"

"As if naman makakatanggi pa ako," sabi lang niya at hinila na kami pakabas ng broadcasting booth.

Kahit may pagkasungit 'yang si aircon, malaki naman pakinabang ko diyan sa usapang panlilibre.

"Ang Forever-Moore! Ay grabe ang pogi talaga ni Justin, bagay sila ni Forever!"

"Forever-Moore shippers here!"

"Forever Fanatics!"

"Reyna ng mga walang FOREVER!"

Tilian here and there and everywhere. I am not famous, well not until nag-college ako just this school year at naging bahagi ng Young Communicators -- oragnization na mga students from the College of Communication Department.

Ang mga nagtitilian na yan with matching pasigaw-sigaw pa at mga tarps na may mukha namin ay ang aming mga dakilang fans. Ganon kalakas ang hatak ng madla ni aircon, at sa sobrang lakas ay nasasama ako.

"Let's get outta here!" kinakaladkad na ako ni Justin. Nawala na sa paningin ko si Vernelie, sa dami ng students na gustong magpa-autograph sa aircon, mostly girls and gays.

Nakaalpas din kami sa wave of students na rumagasa kanina. Bakit ba kasi ang daming estudyante university na ito.

"Jollibee tayo hah! Gutom na ako," sabi ko. Super hinihingal at pawis na ako.

"Will you fix yourself? Nakakahiya kang kasama." Kung may hindi man ako mabasa sa pagkatao ni Justin yun ay ang pagiging bipolar niya.

"Edi ikahiya mo, problema mo diyan!" inis kong sabi.

"I said, fix yourself!"

"Maayos ako!"

Nagsisinghalan kami sa labas ng gate ng university namin.

"Magsuklay ka!"

"Edi magsusuklay!" Inilabas ko sa bag ko yung kikay kit ko. Oh my mango pie! Gulo-gulo nga 'yung buhok ko na parang sinabunutan.

"Dad must be crazy considering you as a candidate to be my fiance."

Oh, MY TWISTED FRIES!

WALANG FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon