this story is not connected with-
LPU/UST"Doctora Doctora!"
nagising ako ng biglang pumasok at nag sisisigaw si nurse Mary.
"Doctora Celestine, may emergency po tayo, Car accident need surgery now sobrang dami ng dugo ang nawala sa kanya" dahil sa sinabi ni Nurse Mary napatayo ako agad at sinuot ang aking coat. pag bukas namin ng pinto sa Emergency Room agad bumungad samin ang isang lalaking duguan.
sobrang dami nyang dugo at may naka tusok na bakal sa dibdib nya sa sobrang daming sugat nasisiguro kong truck ang nakabanggaan nya, tsk. Lumapit agad ako dahil kitang kita kong natataranta na ang nurses dahil sa sobrang daming dugo sa kanyang dibdib dahil sa bakal na naka tusok sa kanya. Inilawan ko ang mata nya at ibinuka.
ngunit para akong nanigas ng titigan ko nang maigi ang kanyang mukha.........
"Doctora Celestine, We need to take him to surgery room now!" tsaka lang ako nabalik sa wisyo ng sumigaw si Doc. Edwin di ko namalayan na kanina pako nakatayo at nakatitig sa kanya. dali dali akong kumilos at tumulong itulak ang higaan nya upang dalhin sya sa Surgery room.
pero.....bat ganon parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito......sobra akong na tataranta nung makita ko sya......ano ba nangyari sayo?! bat ba kasi di ka nag iingat!?.....
"Doctora?" sambit ni Mary kaya napatingin ako sakanya
"What?" sinabi ko iyon ng hindi lumilingon sa kanya. nag panggap akong busy sa pag tutulak
"Doctora, may problema ho ba? bat ka ho na iyak?"
napatigil ako sa pag tutulak ng higaan ng bigla nyang sabihin iyon napalingon din sakin si doctor Edwin nag tatanong ang kanyang tingin dahil napansin nyang huminto ako at nakita nyang lumuluha ang mga mata ko. sunod sunod na palang tumutulo ang luha ko habang nag tutulak ng higaan nya...foc bat ba kasi ako na aapektuhan?!"ayos ka lang ba doctora?" sabi ni doctor Edwin mukha syang nag aalala kaya lumingon ako sakanya at pilit na ngumiti "Ayos lang ako doc, don't mind me may naisip lang ako" sabay punas sa luha ko.
narating na namin ang Surgery room at dali daling inabot sakin ni Doc Edwin ang gloves. nanginginig kong tinanggap yun....gusto ko tumanggi....gustong gusto ko sabihin na si Doc Tanya nalang ang mag opera sakanya....pero hindi ko magawa.....sanay na ko sa gantong operasyon pero diko alam kung bakit ako kinakabahan....
"Diba sabi mo mahal moko? bakit di mo ko piliin? bakit di mo ko kaya piliin kaysa sa pangarap mo?!! kaya naman natin bumuo ng pangarap na mag kasama tayo ah, bakit mo ko iiwan?!!"
"Kasi mas mahal ko ung pangarap ko! alam mong gustong gusto ko maging doctor pero bakit mo ko pinipigilan?!!! and please don't make me choose kasi alam mo kung ano ang pipiliin ko! una palang alam mo naman na yun yung pangarap ko simula dati kaya don't make me choose!!"
sunod sunod tumulo ung luha ko ng maalala ko ung huling pagkikita at pag uusap naming dalawa......
"Doc. Edwin, i'm sorry but i can't do it i'm really sorry" sabi ko kay Doc Edwin habang pinupunasan ko ang luha ko nilingon agad ako ni Doc Edwin....
"Candy, what's the problem? okay ka lang ba? may nangyari ba?" sunod sunod na tanong nya
"Pls don't call me 'Candy' Doc, that will make me cry more" tumawa ako ng sabihin ko yun natawa din si Doc Edwin
"Cge na mag pahinga ka na muna Celestine, Nurse Mary pls pakitawag na si Doctora. Tanya!" sumeryoso si Doc halatang alam na nya na may bumabagabag sa isip ko......
hindi ko alam kung bakit parang ayokong ako ang mag opera sa kanya....natatakot ako.....natatakot akong masaktan sya ng dahil sakin.....ng dahil nanaman sakin
i'm sorry i needed to leave you for my dreams, i'm sorry. pinunasan ko agad ang luha ko ng mag sisimula ng mag surgery sila Doc....
i wish this time i can choose you, i wish this time hindi na kita masaktan.....kasi you don't deserve it
naluluha ako habang pinapanood mag surgery sila Doc Edwin at Doc Tanya.
nataranta ako ng may marinig akong tumunog na machine "tuuuuuuuut" (that means flat line) agad akong nataranta ng marinig ko ang tunog ng machine na yun...
"The patient can't make it!!! faster!!" rinig kong sabi ni Doc Edwin kinuryente sya agad ni Doc Edwin para tumibok muli ang puso nya.....sobra akong natatakot at kinakabahan sobrang lalim ng bakal sa dibdib nya kaya nahihirapan silang tanggalin ito....ineexpect ko na na mag kakaroo
ng komplikasyon dahil malapit sa puso ung bakal na nakatusok sa kanya....."please come on kaya mo yan, lumaban ka pls" pabulong kong sinabi habang tumutulo ang luha ko
Nang makita kong nawawalan na ng pag asa si Doc Edwin tsaka ako pumasok sa loob at tinulak ng mahina si Doc Edwin at pinump ko ang puso nya ng dahan dahan dahil sa takot na dumiin lalo ung bakal na naka tusok sa kanya....
halos 15 mins ko na syang pinapump pero di pa rin tumitibok ang puso nya.....
"Gumising ka pls, pls" sinabi ko iyon ng pabulong at diko namalayan na tumutulo na ung luha ko
Hindi ako susuko hangga't di tumitibok ung puso mo hindi ako titigil kahit abutin pa tayo ilang oras.......hindi kita papabayaan.......
nagulat muli ako ng tumunog ang machine "tut tut tut tut" (that means stable)
nakahinga ako ng maluwag at hinubad ang gloves na suot ko at dali daling lumabas ng operation room at dumeretso agad ako sa church ng hospital
sana maayos na yung buhay mo ngayon sana masaya ka na......kahit hindi na ako kasama sa happiness mo ayos lang.....kasi sino ba naman ako, iniwan kita na parang ganon kadali......pero i swear kailangan ko gawin yun kahit mahirap......kasi diba sabi ko nga sayo this time gusto ko naman piliin yung sarili ko.....kasi lagi nalang iba yung pinipili ko....
pinunasan ko ang luha ko bago ako lumabas sa Chapel....
pagkalabas ko ng Church bumungad sakin si Doc Edwin.....kakatapos lng ng operasyon nya....
"Doc, how's the operation?"
"He's fine now" ngumiti sya ng sobrang lawak sakin kaya nginitian ko din sya ng malawak pero pilit yon.....
paalis na sana kami ni Doc Edwin ng may biglang humabol at nag tanong sakin
"Miss, Excuse me asan yung Room ni Oliver Suarez?" namumugto ang mata nung babaeng nag tatanong ng kwarto ni Oliver.....kaya parang kilala ko na sya.....sya....na ung bagong source of happiness ni Oliv......
"Nasa operating room pa sya, pero he's stable now" ngumiti ako sakanya ng kaunti para di halatang pilit
"Thankyou so much, doctora" hindi ko inexpect na yayakapin nya ko....."hindi ko kaya ng wala si oliv" may kirot akong naramdaman sa puso kong sabihin nya yon....dati ako nag sasabi non pero ngayon....iba na.....hinimas himas ko lng ang likod ng babae habang nakayakap sya sakin...
kaya ng bumitaw sya sa pag kakayakap pinapasok ko agad sya sa operating room kahit na bawal.....
aaminin ko, oo masakit pa rin para sakin na makita syang masaya sa iba.....pero....he deserve it
: >
Doctora Lim, Celestine Dahliya
YOU ARE READING
Dream or Love?
RomanceCelestine Dahliya Lim, a girl that can't express happiness and sadness.