prologue

2 0 0
                                    

Naranasan mo na ba magmahal? Sa palagay ko ay oo. Lahat naman tayo siguro oo. Kaso minsan nakakapagod no. Nakakapagod maglakad sa isang daanan na madilim na sarili mo na lang ang meron. Ang hirap ng ginagawa ng pagmamahal ginagawa kang tanga. Kapag umikot na ang mundo mo sa isang tao pakiramdam mo siya na ang para sayo. Pakiramdam mo lumulutang ka sa ere at tila hindi ka na muling bababa pa. Masarap sa pakiramdam ang mga paru-paro sa tiyan ngunit sa isang maling galaw mo ay ilang saksak sa likod ang iyong makakamit at ito ay sobrang sakit. 

Nung dumating sya sa buhay ko yun ang pinakamasarap ngunit pinakamasakit na pagmamahal.

Akala ko ang pagmamahal ay sagot sa sakit pero parang ang pagmamahal yun din ang nagbibigay sakit sa atin.

Para saan.. para ba muli tayong magtiwala sa pag-ibig? 

Dalawang beses ako nagtiwala ngunit parang wala lang din...

Bakit ganun pakiramdam ko ipinagkanulo mo ako sa pangalawang pagkakataon...

Mahirap din ang umibig ng takot kang may panghahawakan ka kaya nagfefeeling safe ka dahil ayaw mo masaktan pero ginagawa mo pa rin. Ang hirap sumugal kung alam mong di siya karapat dapat para sayo o hindi?

Susugal ka pa ba sa laro ng tadhana o makikisakay ka nalang?

Susugal ka pa ba kung hindi na tama? 

Susugal ka ba kung sa tingin mo ay kailangan mo syang ipaglaban? 

Makakalayo ka pa ba kung patuloy mong naalala ang kahapon niyong dalawa?

Sa layo ng tinakbo mo nakalimutan mong harapin kung ano ba talaga ang dapat. 

Tatakbo ka pa ba o haharapin mo.


Nagmahal ako ng isang lalaking akala ko ay totoong mahal ako ngunit nasa isip ko na hindi kami pwede.. May mahal syang iba at hindi ako yon. Marahil sinasabi niyang mahal niya ako ngunit alam kong di ako iyon. Marahil mabilis nga kaming nagka igihan sa damdamin ngunit alam kong hindi ako ang sigaw ng damdamin nya. Masyadong naging mabilis ang pangyayare. Yung tipong pinuyat ka lang pero hindi ikaw ang makakatuluyan. Yung tipong pinuyat ka lang kinabukasan hindi na pala ikaw. Nakakatanga din ang pag ibig, parang droga na kapag sinimulan mo mahihirapan ka nang lisanin at iwan ang nakagawian. Tuluyan kang malulunod kung hindi ka marunong lumangoy. Nawala ang thrill sabi nga ng iba, sa iba na sya lilipat at di ko nakita iyon.  Ako ang nangiwan, ngunit masakit sa akin na ako ang nangiwan.. ngunit ganon ba ako kabilis palitan.. 

Iibig ka pa ba?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Scent (ON-GOING)Where stories live. Discover now