Hanggang Sa Huli (One Shot)

9 2 0
                                    

Nung ikaw ay aking makilala ay biglang nagbago ang lahat, ang lungkot na aking nadarama ay naging saya.

Noong una kitang makita ay agad mong nakuha ang aking atensyon, hindi ko na maalis ang aking pagtingin sayo. Para bang hindi ako magsasawa kahit titigan kita nang matagal.

At oo nga, nagkaroon tayo nang maitatawag na 'Tayo'. Nagkaroon tayo nang relasyon.

Araw-araw akong gumigising nang masaya at may ngiti sa aking labi dahil alam kong panibagong araw na naman ito sa atin, ako ay masaya at nakakaramdam rin nang kilay kapag ikaw ay kausap.

"Hi Bb," Panimula ko. "Kamusta ka?"

"Okay lang naman, ikaw?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang rin, pauwi na kami. Medyo pagod ako ngayong araw," Sagot ko sa kanya.

"Pag-uwi niyo magpahinga ka okay? Magpahinga tayong dalawa, Bb." Sabi niya dahilan para ako'y mapangiti.

Ang simpleng mga salita na malaki ang epekto sa akin. Ang mga simpleng salita mo na nagpapagaan sa aking nararamdaman at nagpapakilig sa akin.

"Opo." Sagot ko.

Hindi tayo araw araw magkausap, pero araw araw na ikaw ay nasa aking isipan. At araw araw ka ring minamahal.

Kahit hindi kita kausap ay nararamdaman ko ang iyong pagmamahal sa akin, sabi nila weird. Pero sa akin hindi, dahil alam kong normal ito kapag ikaw ay nagmamahal. Nagmamahal nang totoo.

Salamat dahil muli kong naranasang sumaya, at ang kasiyahan na ito ay ikaw ang nagdudulot. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ngiti ang aking labi.

Ikaw ay isa sa naging inspirasyon sa aking pag-aaral, araw-araw akong nagpapasalamat sa kanya dahil ikaw ay dumating sa aking buhay.

Ikaw ang nagdudulot sa aking nang kasiyahan at nagpapaalala kung gaano kahalaga ang paglaban, paglaban at hindi pagsuko sa mga problema. Kaya salamat at ikaw ay dumating, Dumating sa aking buhay para ipaalala na kailangan kong lumaban para sa aking magandang kanibukasan.

Tayo ay matatag, sabi nila wala tayong masyadong oras sa isa't isa. Oo, tama sila na wala tayong masyadong oras sa isa't isa, pero hindi tayo sumuko at tayo ay lumaban para sa sting relasyon.

Ako ay nasasabik sa pagdating nang panibagong araw dahil ito ang araw na magkakaroon ulit tayo nang panibagong masasayang memorya na mayroong 'Tayo'.

Alam mo ba? Ang dami kong plano sa ating kinabukasan at ikaw ay isa na sa aking pangarap, pangarap kitang makasama sa aking buhay, Mahal.....

Ngunit may dumating na trahedya at ito ang nagdulot para tayo ay magcool off, ang cool off na hindi nagtagal ay nauwi sa hiwalayan.

"Maghiwalay na tayo..." Ang mga katagang aking binitawan. Ang katagang aking binibitawan habang ang aking luha ay tumutulo.

"Kung iyan ang iyong gusto, sige... Siguro napagod ka na rin at masyado ka nang nasasaktan para kumapit pa, Pasensya na kung nagkulang ako... Mahal ko..."

Hindi ko gusto ito kung alam mo lang, masakit ito para sa akin at alam kong masakit rin ito para sayo pero walang choice dahil alam kong ito makakabuti sa ating dalawa.

Hiniwalayan kita, hindi dahil sa hindi kita mahal. Hiniwalayan kita dahil alam kong hindi ito ang tamang oras o sadyang hindi lang tayo ang nakatadhana para isa't isa.

Siguro hindi nga talaga ito ang tamang oras para sa ating dalawa, kaya kailangan muna tayong ipaglayo ni Tadhana.  Ipaglayo sa isa't isa.

Ayokong isipin na hindi tayo ang nakatadhana sa isa't isa dahil masyado pang masakit, Masyado pang masakit ang nangyari sa ating dalawa.

Hanggang Sa Huli (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon