A/N: Ito po ay pangalawa kong one-shot. hihihi.. Bigla ko lang naisip kaya ayun ti-nype ko na din.Magustuhan niyo po sana ^_____^
P.S. Idinededicate ko po ito sa isa sa mga pinaka idol kong author dito sa wattpad :))))
Hello Ate Alesana_Marie *kaway kaway* ^_____________________________^
-Icecreamwel
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Bes, meron na namang sulat dito sa locker ko oh!" sabay tapat ng sulat sa mukha niya.
"Ano naman ang nakasulat ngayon bes?"
Tuwing hapon, pag bubuksan ko ang locker ko para mag-iwan ng ilang gamit, palaging may sulat na bumubungad sa akin. Hindi ko alam kung sino ang nagbibigay nito. Nagsimula ito noong 2nd week ng school year. Oo nga pala, 4th year na ako ngayon meaning graduating na kami.
Wala ni isang clue kung sino ang nagbibigay at naglalagay ng letter na ito sa locker ko. Basta ang alam ko letter B yung ginagamit niyang signature. Iniisip ko nga din kung papaano niya ito nailalagay ng palihim eh. Sabi nga ng bes ko, "love letter" daw ang tawag sa ganito. Tapos "secret admirer" yung tawag sa taong nagbibigay. Pinapabasa ko din kasi sa kanya. Hindi ko naman alam kung bakit nasulat sa akin ito. Maaaring may paghanga sa akin ang taong ito...
Pero isang nakapahirap na tanong lang lagi ang napasok sa isip ko...
Anong dahilan niya para humanga siya sa akin?!
E isa lang naman akong simpleng estudyante sa semi-private na school na ito. Kokonti lang ang kaibigan ko. Hindi naman kasi ako friendly. Hindi ako nag-aaproach. Hindi din ako sikat. Hindi ganoon katalino. Medyo may pagka-clumsy pa ako. =___= Pero maipagmamalaki ko naman ang mata ko. Hihihi.. Beautiful eyes daw ako eh bakit ba?! ^____^
Si Bes lang lagi ang kasama ko. Kahit na marami din siyang barkada at tropa hindi maaaring hindi ko masosolo yan. Hahaha. Kababata ko kasi ang taong ito kaya kumportable na ako sa kanya. Labs na labs ko nga yan eeh..
Kfine.. Back to the scene..
Inalis ko sa loob ng sobre ang sulat. Ito ang nabasa ko...
Reeze,
I saw you again. Youre still pretty. Tsk! Oo nga pala, hindi naman kasi magbabago yun. Sorry kung may letter ulit ako sayo ha? Sana okay lang sayo.
B.