I will let You go

7 2 0
                                    

"Oh uminom ka muna Klyde, baka pagod kana sa game nyo,"alok ko kay Klyde ng tubig habang break time nila sa basketballgame nila.

"Leave me alone, kaya ko uminom magisa,"he replied.


Binigay ko nalang ang bottled water sa kaniya.

"Punasan ko muna pawis mo,"sambit ko habang akmang pupunasan ang noo niya na puno ng pawis.

"Akin na nga yan!" Bigkas niya sabay hinablot sakin ang panyo.

"Kaya ko magpunas ng pawis ko, hindi ko kailangan ng yaya dito." pagpapatuloy niya habang nagpupunas ng kaniyang pawis.

***

"Ahh Klyde!" I shouted.

"What?!"he replied.

"Ahhh monthsary na natin bukas, ahh free kaba bukas?" I asked.

"Ahh pasensya na babe, busy ako bukas, may practice kami bukas para sa final game namin next week."sambit niya na bigla kong ikinalungkot.

"Pero babe, antagal na nating di nagde-date, baka naman pwedeng magkasama tayong mag-celebrate ng monthsary natin?" Sambit ko.

"Busy nga sabi ako!, kung gusto mo mag-celebrate bukas, mag-celebrate ka magisa!" Sigaw nya.Iniwan niya ako sa daan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Macie!" Sigaw ng isang familiar voice, si Joaquin pala kaibigan ni Klyde.


"Oh Joaquin, anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kaniya.

"Ako dapat ang magtanong sayo nyan, anong ginagawa mo dito ng magisa? Asan ba si Klyde? Pinabayaan ka na naman ba?" Tanong nya sakin at pinayungan nya ko.

"Eh medyo mainit ata kase yung ulo non ni Klyde, monthsary namin bukas pero di daw sya free, kase may practice daw kayo bukas para sa final game nyo next week" paliwanag ko.


"What?! Practice?!" Nagtatakang tanong ni Joaquin.

"Pero wala naman kaming practice bukas sabi ni coach" pagpapatuloy nya.


"P-pero, s-sabi nya---" diko na natapos ang sasabihin konang akbayan niya ko.

"Hay nako Macie, tara na nga ihahatid na kita sa bahay nyo, basang basa ka ng ulan,baka magkasakit kapa nyan,"pagalala sakin ni Joaquin.

Ang swerte ko pala kay Joaquin kung sya ang sinagot ko nung time na nililigawan nya ko, bat ba kase si Klyde pa ang mas nagustuhan ko hayst.

***

"Ahh babe, ahh tuloy ba kayo sa practice nyo?" Tanong ko kay Klyde ng makita ko siyang bumibili sa isang tindahan.

"Oo, tuloy kami, mauna nako!" Sambit nito sakin at tumalikod na at naglakad.

Sinundan ko lamang sya ng tahimik at maingat, pumunta sya sa isang park na medyo malapit sa Basketball court kung saan sana sila magpapractice.

Maya-maya ay nakita kong dumating si Tiffany, isang babaeng transferee na naging campus crush ng mga kalalakihan, sino ba naman kaseng si magkakagusto sa kaniya, maganda, matalino, at higit sa lahat mayaman pa kaya nagkakagusto sa kaniya ang karamihan sa mga lalaki sa school at isa na dun si Klyde.

Lumapit si Tiffany kay Klyde at agad na hinalikan, diko mapigilang masaktan at maiyak.


Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagpakita sa kanilang dalawa.

"Sanaol naghahalikan noh!" sambit ko at pumalakpak ng mabagal.

Napa atras si Tiffany mula kay Klyde dahil din ata sa hiya, wow! may hiya din pala tong babaeng to.

"Anong ginagawa mo dito Macie?" Tanong sakin ni Klyde.

"Bakit?masama ba gumala dito? Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Akala koba may practice kayo ng Basketball para sa final game nyo next week?sabi sakin ni Joaquin wala naman daw kayong practice,sabi daw ng coach nyo" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang sya ay nakatingin lamang sa akin.

"Oh bakit hindi ka makapagsalita babe? Este Klyde,"sambit ko dahil tahimik padin silang dalawa.

"Dati, nagagalit ka pag nakakalimutan ko ang monthsary natin, pag di ako kumakain sa tamang oras, pag late reply ako sa mga chats mo, pag di ako nakakanood ng mga laban mo sa basketball, pero ngayon? Wala? Wala kanang pakealam sakin" mahaba kong sambit.

"Sorry Macie..."sambit nya.

"Sorry para saan Klyde? Sorry dahil sa pangangaliwa mo? Oww it's ok Klyde, you deserve it, karma nalang ang gaganti para sakin, alam kong magsisisi kadin sa mga pinag-gagawa mo sakin" bigkas ko habang tinatapangan padin ang loob ko.

"Sorry talaga Macie, mahal kona si Tiffany"sambit ni Klyde na nagpapa-awa face pa.
***

Klyde's POV:"Pabili nga pong isang bottled water manang" sambit ko sa tindera.

"Oh Klyde? Bakit ikaw na ang bumibili ngayon? Asan na si Macie?" Tanong nito sakin habang inaabot ang bottled water.

"Tsk" sambit ko at tumalikod na papuntang court.

"Kawawa naman si Macie noh? Napunta sya sa maling lalaki,"

"Oo nga, pinagpalit niya si Macie na maganda naman at matalino, kahit hindi ganoon kayaman, ipinalit nya ito sa isang babaeng perfect daw kahit ma-attitude naman,"


 "Tapos hindi pa alam ni Klyde na niloloko lang sya ni nito, at may fiance na si Tiffany" narinig kong usapan ng tatlong babae na schoolmates namin, at halatang pinaparinig sakin ang kuwentuhan nila.


Nagulat ako ng sabihin ng isang babae na may fiance na si Tiffany.

"What the hell are you talking about?!" Sigaw ko sa mga ito.

"Bakit? Totoo naman na niloko mo Macie ah, at totoo din na niloloko kalang din ni Tiffany" sambit ng isa sa kanila.

"Ang bilis ng karma noh?" Pahabol ng isang babae sabay crossarms at tinaasan ako ng kilay.
***

2 months na ang lumipas pero diko na muling nakita pa si Macie.Asan na kaya sya? Kumusta kaya sya? Tama nga siya sa mga sinabi niya na karma ang gaganti para sa kanya at pagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko.Miss kona si Macie, pero kahit magkita pa kaming muli, ay malabo na, na magkabalikan pa kami ni Macie... dahil pagaari na sya ng isang mabuting lalaki na deserve nya... si Joaquin.


-end

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I will let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon