Chapter 1

14 1 0
                                    

Authors Note:

      vote and comment lang ang gusto ko sainyo kaya pagbigyan niyo na ako please???

××××

     Paggising ko inasikaso ko na satili ko.

kumain ng breakfast√

maligo√

mag toothbrush√

mag suklay√

at ready na ako para rumampa sa labas. ahah syempre joke lang papasok na ako sa school para mag-aral. syempre ano pa ba gagawin ko dun.

naglakad nalang ako papuntang school malapit lang naman kase yung Brint international School sa bahay namin. tsaka wala akong pera para mamasahe kahit gustuhin ko man.

ng makarating na ako sa school guess what? nandito nanaman yung tatlong palaka! Oo tama kayo may nambubully sakin dito sa school sinasabi nila na hindi daw ako nababagay sa school nato

sila lang naman tatlo ang nangaaway sakin eh.

Si Niña Cortez, Nicole Sanchez , at ang pinakapangit ng ugali sakanilang tatlo si Alice Torres.

Niña Cortez- Siya yung leader sakanilang tatlo Campus crush , Mayaman , Maganda, Sexy, Matangkad, Maldita, Pangit ang ugali at Bali balita na malandi daw siya, kasi naman halos lahat na yata ng lalaki sa campus namin naging boyfriend na niya at ang dami narin niyang pinaiyak at dahil don binansagan ko siyang girlfriend ng campus. at siya daw ang reyna ng buong campus.

Nicole Sanchez- siya yung palaging pumipigil kay Niña at Alice na awayin ako. mabait siya maganda, cute, mayaman, sexy, at matulungin Ewan ko nga kung bakit sumasama pa siya sa dalawang yon! hays. Palagi din siyang nagsosorry sakin kapag inaaway ako ng mga kaibigan niya.

Alice Torres- Siya ang kukumpleto sa grupo kagaya ni Niña at Nicole mayaman din siya maganda, sexy, at matangkad kagaya ni Niña napaka sama ng ugali! at mahilig din sa lalaki! biruin mo banaman araw-araw yata iba't-ibang lalaki nakakatabi niyan sa kama. at hindi na siya virgin pa.

hindi kagaya ko dalagang pilipina. ahaha xD

umupo nalang ako kaagad pagpasok ko sa room at nagbasa nalang ng book at hindi ko na sila pinansin para naman makaiwas sakanila.

basa

basa

basa

basa

at habang nagbabasa ako may biglang nagsalita at hinablot ang libro na hawak ko.

"ang lakas naman ng loob mo na daanan lang ako ha!" nakakairitang sabi niya sabay hablot sa book na binabasa ko at nakapamewang pa.

"ano ba? nagbabasa ako eh! akin na yang libro! ibigay mo sakin yan!!!!." sigaw ko at tumayo upang kunin yung book.

"abah! ang lakas naman ng loob mo para sigawan ako!" sabi niya sabay tulak sakin at napaupo naman ako sa sahig at nagtinginan na mga classmates namin.

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon