Napamulat ako dahil sa ingay ng isang binibini"Ano ba Stellia gumising kana riyan at maaga pa tayong sasanayin ni Inang Buwan"sigaw nya.Dali dali akong tumayo sa aking pag kakahiga
"Oo na nariyan na.Kay aga aga ay para kang dragong bubuga ng apoy".Agad akong naligo at bumaba.
'Oh heto na ang almusal mo mahal na prinsesa"pagbibiro nya.Hindi na ako nagsalita at sa halip ay kumain nalang
Matagal na kaming mag kaibigan ni Ria at kasalukuyan kaming nagsasanay upang maging ganap na tagapag-bantay ng kaharian ng Buwan.Oo tama ang nabasa nyo may kaharian sa Buwan at yon ang binabantayan namin hindi pa ako ganap na kawal ng buwan dahil sa isang misyon na hindi ko pa nagagawa.O sya tama na ang kwento baka nag-aantay na si Ria.
"Ano ba Stellia bat antagal mo.Baka magalit si Inang buwan huli na tayo sa pagsasanay"sigaw ulit nya na parang bubuga ng apoy.
"Alam mo ikaw Ria ansungit sungit mo kaya wala ka masyadong kaibigan eh"sambit ko.
"Alam mo kahit ikaw lang ang kaibigan ko ay ayos lang saakin.Dahil alam kong di mo ako iiwan at pag tataksilan"Sambit nya na ikanatuwa ko.Alam kong kahit gaano kasungit iyan ay Mahal na Mahal nya ako.
"O sya tama na ang dramang ito at baka magakaiyakan tayo tito"natatawang sambit ko.
Sa ilang oras naming paglalakbay ay nakarating na kami sa Kaharian ng Buwan.Ilang beses na akong nakapunta dito subalit Hindi ako nito binigo sa kanyang angking ganda.Pumasok kami sa isang napaka laking tarangkahan at nakita namin si Inang Buwan na sinasanay ang iba pa naming kasamahan.
"Huli nanaman kayong dalawa"sambit ni Inang Buwan
"Eto po kasing si Stellia ay nahuli ng gising at napakabagal pang kumilos"sambit ng aking kaibigan.
Na ikinatawa lang ni Inang Buwan."O sya halina kayo dito at magsasanay na tayo"sambit ni Inang Buwan.Pumaroon kami sa aming pwesto at nag simula ng mag-sanay.
Ilang saglit lang at natapos na kaming mag-sanay.Lumapit saakin si Ria at mukhang takot na takot."Ano bang nangyari at parang takot na takot ka?"
Pag-tatanong ko rito."Kumikilos na ang kaharian ng Araw at may nagbalita na susugod sila sa Kaharian ng buwan"sambit nito.Kung totoo ang balita ay dapat lang naming ikatakot.Dahil sa lakas Ng puwersa nila ay maaari naming ikabagsak.
Galit ang Hari ng Araw kay Inang Buwan dahil mas pinili raw nito responsibilidad nya kesa sa pag-mamahalan nila.Kaya sinabi ni Haring Araw na hindi sya titigil hanggat hindi nya napapabagsak ang Kaharian ng buwan.
"At ito pa may namataan silang isang lalaki na pinaghihinalaang nagmula sa Kaharian ng Araw.Ayon sa nag-balita ay Makisig, Matangkad may kaaya-ayang mukha ito"sambit na may bahid ng pagpapantasya sa lalaki.
"Hoy Ria bat parang nahuhumaling ka sa lalaking iyon?Alam mo namn siguro na bawal magkaron ng Relasyon ang magkaibang pinangalingang kaharian.Lalo na't sa Kaharian ng Araw pa nanggaling ang lalaking tinutukoy mo"pangaral ko sakanya.Subalit ang loko ay tumawa lang.
"Alam mo Stellia hindi naman ako makikipag-relasyon doon sa lalaking nakita nila.Sinasabi ko lng kung ano ang sinabi ng nakakita sa lalaking iyon.Kaya wag kana magalit at isa pa hindi ko ipagpapalit si Leo sa lalaking yon"sambit na ulit.
"Ay bahala ka diyan.Halika na at baka gabihin pa tayo sa daan"sambit ko.
Gabi ng kami'y makauwi nagluto ako ng hapunan at pagkatapos ay naligo na.
Araw-araw ay ganoon lang ang aming ginagawa.Araw-araw din kaming nagsasanay.
Napagisipan kong pumunta ng gubat at silipin ang Kaharian ng Araw.Kaya iniwan ko si Ria at pumunta ako doon.
"Palapit na ako sa Kaharian ng Araw ng biglang AHHHHH"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Please vote:)
Sana suportahan nyoko hanggang dulo:)
-meow
YOU ARE READING
Mabagsik Na Kalawakan
RomanceKung ang Pagmamahalan nyo ay tutol ang Kalawakan ipaglalaban mo pa ba?