Kinabukasan nagising ako ng maaga upang magsanay ulit.Patungo na kami ni Ria sa Kaharian.
"Hoy Stellia saan kaba nagpunta kahapon at ginabi ka na ng uwi ha?
"Wala lang naglibot-libot lang".Mabuti namn at Hindi na sya nagtanong pa ulit at sa halip ay nag lakad na lamang.
Natapos kaming magsanay.Naisipako ulit na pumunta doon dahil hapon pa namn malamang hindi ako gagabihin.
Nagpunta ako sa gubat ng mag-isa.
Naglibot-libot ako ng may makita akong hardin.Nakakamangha ang mga bulaklak rito.Naisipan kong pumitas ng biglang"Oh narito ka nanaman?Hindi ka ba nagsasawang makita ang mukha ko?"sambit nya habang humahalakhak at iyon ang ikinainis ko
"Napaka-hangin mo naman mukhang unggoy na ginoo"hindi sya mukhang unggoy pero dahil sa inis ko nasabi ko iyon.
"Ako ang pinaka gwapong unggoy kung ganoon"
"Kahit na inamin mo pa rin na unggoy ka"natatawang sambit ko.
"Itigil na nga.Ano bang ginagawa mo nanaman sa gubat ng ganitong oras? masyadong mapanganib rito"
"Namamasyal lang ako"
"Alam ko Naman na binibisita mo ako kaya halika sa bahay para maipagtimpla ng maiinom"
Sumama ako sakanya.Sa tagal kong pumupunta ng gubat bakit hindi ko napansin na may bahay pala rito.
Pumasok kami sa isang makalumang bahay.Inilibot ko ang aking tingin nakakamangha lalaki sya pero ang linis ng bahay nya samantalang kami ni Ria ay babae pero parang basurahan ang bahay.
"Wala ka bang kasama sa bahay na ito?"
"Meron na siguro kung sasamahan moko"
"Tumahimik ka nga"
Gaya ng sabi nya ipinagtimpla nya ako ng maiinom at binigyan ng makakain.
Napansin kong mag-didilim na kaya naisipan kong umuwi.
"Salamat sa pagkain at inumin na inihandog mo."
"Walang anuman"
"Uuwi na ako ginoo"
"Rivan ang aking ngalan Hindi ginoo"
"Salamat Rivan"
Inihatid muli ako ni Rivan sa bungad ng gubat.Sa ilang linggo ganun lagi ang pinagkakaabalahan ko.Magsanay pumuntang gubat.
Tila ba nahuhumaling na ako sa lalaking iyon.Hindi naman siguro.
Ilang buwan nalang ay magiging ganap na tagapag-bantay na ako.Napakasaya ko at mapaglilingkodan ko na rin ang Kaharian tiyak kong magiging masaya saakin si Inang Buwan.
Makatulog na nga at madami pa akong gagawin bukas.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Please vote:)Hi Goodmorning sa nagbabasa nito.
Have a good day tiwala lng lahat ng paghihirap mo ngayon magbubunga rin sa tamang panahon:)Mag-aral mabuti pray pray pray
-Meow
YOU ARE READING
Mabagsik Na Kalawakan
RomanceKung ang Pagmamahalan nyo ay tutol ang Kalawakan ipaglalaban mo pa ba?