CHAPTER :3 Newbie!? New Dare??

8 7 4
                                    

Drake Colin POV:

Ngayon nga ang first day of class ng scot high ,4am palang gising nako ,ayoko kasi talaga nang late ako sa unang araw ng pasukan ,hindi dahil sa masunurin ako sa rules ng school, kung hindi dahil ayoko lang ng pag dating ko ay marami na roong tao, ang daming harang sa daraan ko, tas ang iingay pa ng mga babae dun ,na kapag nakikita ako kala mo mga di babae umasta, sobrang showy at naiinis ako sa ganun, kailangan ko pa tuloy mag adjust at umaga  pasok dahil dun.

Tinext ko narin sina kenzo at Tristan na daraaan ko nalang sila sa kanilang bahay, para naman sabay sabay kaming pumasok, tulad ko, gusto rin naman nila na maagang makapasok,kasi kaming tatlo lang naman ang pinaka kilala sa school namin,after ko mag bihis ng  uniform at mag ayos ng buhok ay agad nakong bumaba at kinuha ang susi ng kotse ko ,di nako nakapag paalam Kay ate kelly ,kasi alam ko natutulog pa sya ,kami lang dito sa bahay kasi sina mom and dad ay nasa states for business.

Paglabas ko ng bahay ay agad akong sumakay nang kotse at tuluyan ng umalis ,maya maya pa ay nakita ko na si Tristan sa harap nang bahay nila ,at agad akong kinawayan ng matanaw ang kotse ko, inihinto ko ang kotse ko sa harap nila, at kaagad naman syang sumakay ,sandali lang ang nakalipas ay nasa harap na kami ng bahay nina kenzo, subalit  wala pa sya ,kaya agad naman nag init ang ulo ko ,kanina pa sya gising pero hanggang ngayon di pa sya tapos ,kaya naman agad akong bumusina upang malaman niya na nag hihintay na kami sa harap ng bahay nila ,di naman nagtagal at lumabas na sya ng  gate nila, at patakbong lumapit samen at sumakay na nang kotse......

6am ay nasa school na kami, humanap muna ko ng magandang parking lot para duon iparada ang kotse ,matapos ko mag park ay agad na kaming bumaba ng sasakyan upang makapasok na ,,,,

Madali lang samen na mahanap ang section namin, kasi saulado na namin ang pasikot sikot dito sa school,nasa first section kaming tatlo ,tanda na di lang kami basta magagandang lalaki ,bukod sa pera ay may utak rin kami.....

NASA third year highschool na kami konti nalang ay gagraduate na kami ,6:30, ay nasa room na kami,sa may likuran kami naupo, kasi ayoko talaga maupo sa may unahan ,unti unti ay dumarami na ang tao dito sa room, kaya naman nag sisimula narin maging maingay itong room ,

Sina Tristan at kenzon, ayon panay ang entertain sa nga babaeng nag coconfess sa kanila, at tuwang tuwa pa ang mga loko ,tiningnan ko ang oras sa relo ko it's already 8:10, pero wala parin kaming teacher, kaya naman di matahimik tahimik itong room ,isinusubsob ko ang ulo ko sa desk ko,upang maidlip na muna,ng biglang may nag bukas ng pinto ng room ,natahimik ang lahat sandali ng mag salita sya....

Sorry I'm late -,she said

Natawa naman ako sa inasta niya mukha syang tanga ,hahaha ,alam kong newbie sya, kasi di pa sya naka uniform ,bago lang din sya sa mata ko ,maputi sya ,di rin katangkaran,kahit naka ipit ang magulo nyang buhok,  alam kong mahaba iyon ,di sya maganda tulad ng ibang mga babae rito ,di mo makikita ang ganda niya sa isang tinginan lang, in short di sya kapansin pansin ,mas kapansin pansin ang katangahan niya hahahaha,

Nanatili akong nakatingin dun sa newbie at hinihintay ang sunod na mangyayari,nang biglang mag salita ang isa naming classmate na babae, si trisha ata name niya, kilala rin sya sa school, kasi bukod sa mayaman eh maganda rin talaga sya,pero di ko sya gugustuhin di sya ang mga tipo ko .

Okay take your seat -trisha said

Na naging dahilan upang magtawanan ang lahat, napatawa narin ako ,lalo na nung narealize ni miss newbie na wala pang  teacher ,agad syang nag angat ng ulo, halatang halata na napahiya sya, kaya nahawakan niya ang kanyang nuo, mabilis niyang tinungo ang bakanteng upuan na nasa tabi ko lang at duon naupo ,nasisiguro kong hindi niya ko napansin,dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman niya .....

DARE of LOVEWhere stories live. Discover now