Una

6 0 0
                                    

"You dont know babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If i had it my way
You would know that you are ~"

Nagtitilian ang mga babaeng katabi ko dito kung saan ako nakapwesto. Well, sa buong venue ng concert ngayon halos lahat naman nagtitilian at nakikisabay sa kumakanta.

Pero ako, ito nasa pinakasulok. Tahimik na nakikinig sa kumakanta. Napangiti ako ng malungkot.

Diba dapat, kapag nakikita mong unti unti ng umaangat yung taong mahal mo sa pangarap na noon pa man ay gusto nya di ba dapat masaya ka?

"You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when its pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh~"

Pero bakit ako ito hanggang ngayon hindi pa din makapa kung ano bang totoong nararamdaman ko? Bakit ako nagkakaganito?

Masama na ba ako kung maramdaman kong malungkot ako ngayon? Worth it naman lahat ng pagbitaw nyo sa isat isa. Madami ng oppurtunities na dumating sakanya. Pero ano ba tong inaarte mo Joy?

Tumayo na ako sa kung saan ako nakapwesto. Oo alam ko, hinding hindi niya mapapansin na nandito ako o kahit umalis ako sa gitna ng pagkanta niya.

" i just wanna see, I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh, You're the best part, Ohh
You're the best part, oh
Best Part~"

Oo Ken, You're the Best part. Pero, hindi ko maaring sundan kung saan ang tinatahak mo ngayon.

Unti unting pumatak ang luhang pinipigilan ko kanina pa mula nung nagsimula ang concert.

Ganon pala talaga nuh? Napakahirap tanggapin na bumitaw ka sa isang bagay na halos buong buhay mo ng hawak hawak. Sabi nila, mas mahirap daw ang magHold on. Mali sila, sobrang hirap magLet go sa taong simula bata pa lang kayo na ang magkasama.

Ilang taon na din ang lumipas simula nung huli kaming nagkita at nagusap. Simula nung lumipad siya papunta dito sa maynila para abutin ang pangarap niya, na ngayon ay naaabot niya na.

Napangiti na lang ako habang nakatanaw sa entrance ng Venue ng concert nila. Para na kong baliw na umiiyak at ngumingiti. Sobrang dami ng nangyare sa buhay naming dalawa ng magkalayo.

Naaalala pa kaya niya ako? Or kilala niya pa kaya ako?

'Sana' munting panalangin ng puso ko.

Pumara na ako ng jeepney na dumaan. Late na ko sa duty ko, pero keri lang buti nalang napakiusapan ko yung kawork mate ko na saluhin nya muna ng mga 2hours yung duty ko, pero mukhang 1hour lang ang masasalo niya.

Balak ko sanang tapusin talaga ang concert ng SB19 kung saan nakagrupo si Ken. Pero hindi ko alam na ganito ang kalalabasan at madadala nanaman akong ng damdamin ko.

"Manong bayad po, sa GoStore50 po, isang cute po" magiliw kong bayad kay Manong driver. Napatawa ko naman siya kahit papano.

7:55 pm
Sakto aabot ako ng 8:00 Pm na duty.

Hi, ako nga pala si Hannele Joy Manase, 24 years old. Funny right? Muntik ko ng maging kaapelyido si Sejun na leader ng SB19. Isa akong part timer sa isang Convenient Store sa gabi. 7:00 pm - 3:00 am ang duty hours ko. And sa umaga nag aaral ako.

2019 ako nagdesisyon na lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran dito na mag aral at kumita kahit papano para matustusan ang sarili ko. At para makita ko siya kahit sa malayo lang.

"Manong para po jan sa kanto! Salamat po " Sigaw ko kay manong driver

Life must go on.....

Narinig ko nanaman siyang sinasabi ito sa utak ko. Pagkababa ko ng jeep iniling ko lahat ng mga naiisip ko na patungkol sakaniya. Hindi ako dapat manatili na ganito, wala akong magagawang matino sa duty ko.

Nagtungo na ko agad sa Store. Pagkapasok ko nagulat agad si Tyron, siguro di niya ineexpect na dadating ako agad. Nginitian ko nalang siya, alam na niya siguro agad kung anong nangyare.

"Hello! Sige na uwi kana ako na bahala dito." Tuloy tuloy kong sabi papasok sa counter. Chineck ko agad lahat ng kailangang gawin. Kala ko umalis na siya kasi wala na kong marinig.
Nakatitig lang pala siya sakin.

"Oh? Bakit? Sige na uwi kana. Keri ko na to." Saka ko siya kinindatan. Alam niya na yon. Hindi ko kayang magkwento anong nangyare. Hindi ako masyadong open sa ibang tao sa lahat ng nangyayare sakin lalo na sa nakaraan ko. Ayoko lang na kapag nalaman nila, bigla silang magisip o magsalita ng hindi maganda saakin at sakanya..

Gusto ko lang ng tahimik na buhay, habang tahimik na pinagmamasdan siya sa malayo. Habang inaabot nya ang pangarap niya, at ako habang inaabot ang pangarap ko.

Unti unti ng naglakad papuntang locker room si Tyron, kahit matagal na kaming magkakilala iilang bagay pa lang ang alam niya patungkol sakin. He is open about his life, but i am not. I know its a little bit unfair to Him. But how? Hindi ko pa kaya..

After a few minutes, lumabas na siya sa locker room. Nakasuot na ng normal niyang damit at hindi uniform.

"Joy, uwi na ko. Ingat ka. Naialis ko na yung mga expired goods. Maglagay ka nalang ng stock. Dumating na din kanina yung ibang items na para sa promo. Ilagay mo nalang din. Bye". Nagpaalam na siya at lumabas na ng store.

Ganon si Tyron kung kayang pakontiin niya ang dapat gagawin ko gagawin niya. Kaya thankful ako na naging kaibigan ko siya.

Nagumpisa na kong ayusin yung mga dapat gawin. Kahit anong daming gawain ko, naiisip ko pa din siya.

Tapos na kaya ang concert? Hmm. Siguro. Successful ang first ever concert nila dito sa Manila. Sana sa susunod na manood ako matapos ko na ying concert. Pati sa mini concert kasi nila umalis ako sa kalagitnaan ng performances nila ng TILALUHA.

After kong matapos lahat, nagcheck ako sa Social Media ng update sakanila. At halos lahat ng post patungkol sakanila ay good feedback. Nagtrending pa sila sa Twitter. Wow! Unti unti na silang umaangat. Nakakatuwa ng puso, sana sa susunod ako naman. Napangiti nalang ako.

Sana...

🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Part (SB19 FanFic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon