Isang normal na araw sa batang si Noel sa murang edad ay namulat na siya sa totoong kalakaran ng buhay nakapag hindi ka nag trabaho ay hindi ka rin kakain kaya naman madalas ay pinag sasabay niya ang pangangalakal at pag-aaral.
Namasukan siya bilang kargador janitor at naranasan niya ding maging taga punas ng lamesa sa mga restawrant para lamang kumita ng pera.
Ginagawa niya ang lahat ng mga yun dahil wala siyang mga magulang na magbibigay sa kanya ng pantustos sa pag-aaral ganun pa man kahit mahirap ang pinagdadaanan niya ay hindi siya nawalan ng pag-asa na isang araw ay giginhawa din ang buhay niya isang oportunidad ang kumatok sakanya at agad niya itong sinubukan pinasok niya ang pagnenegosyo nagpursigi siya at nagsumikap para lumaki ang negosyo niya.
Matapos ang sampung taon ay nagbunga lahat ng pinaghirapan niya naging isang kongkreto o estable na ang negosyong itinayo na at nagkaroon na din ito ng maraming branches sa iba't ibang panig ng bansa sa edad niyang 40 ay naging matagumpay na siya sa buhay ganun pa man kahit napaka yaman na niya ay nanatiling nasa baba ang mga paa niya hindi siya naging mayabang o naging mapagmataas sa ibang mga tao
Habang isang araw ay meron siyang isang branch na napansin, napansin Niya na hindi nagtatagal at nagreresign agad ang maliliit na empleyado dito kagaya ng security guard, messenger at dyanitor.
Naka isip ng ibang paraan si noel upang malaman kung bakit hindi nagtatagal ang empleyado sa branch na yon.Kaya nagpanggap siya na isang aplicante na nais mag trabaho bilang office staff. Nagbihis siya Ng pangkaraniwang kasuotan at nagpanggap na isang normal na tao lamang nung siya na ang iinterview'in ay pinakitaan agad siya Ng arroganteng pananalita ng admin dito.
Sabi sakanya "oh ikaw kaya mo bang tiisin ang trabaho dito? Tingin ko palang sayo eh hindi ka nababagay sa aplayan mo. Pero may bakante pa kaming trabaho dito willing ka ba? Willing ka bang mag trabaho bilang taga linis o dyanitor kung hindi ay makakalabas kana. galit na galit si noel sa inasal ng interviewer pero pinalagpas niya yon para matupad ang mga plano niya.
Ang sabi niya "sige po tatanggapin ko po ang trabaho ng janitor" "sige kala ko aayaw ka pa eh, sige bukas magsimula ka na agad." Sabi ng interviewer sa kanya.
Umalis na si noel at umuwi mo na sa kanila para mamahinga.Kinabukasan ay maaga siyang pumasok suot ang uniporme ng janitor. Sinimulan niyang mag map ng basilio at palihim na tinitignan ang mga empleyado niya. Mayamaya ay napadpad siya sa kanten para doon mag punas ng pinagkainan.
Sa unang araw niya palang ay napansin niyang merong kakaiba dito, at sa sumunod na araw ay sa opisina na siya naglinis hawak niya Ang walis at ang daspan. Mayamaya habang nagwawalis siya ay pinatid siya ng isa sa mga staff ng opisina Patawa-tawa ang mga tao sa kanya
naging mainit ang ikalawang araw niya bilang janitor.May pagkakataon pa na sinasadya nila na itapon ang kalat sa sahig para walisin niya
ganon pa man kahit pinapahirapan siya ng mga tao doon ay hindi padin siya sumuko at hinayaan niya na muna sila, hindi pa doon nagtatapos ang pagpapahirap sakanya dumating pa sa puntong minamaliit siya ng mga ito kung minsan naman ay iniinsulto siya. Palagi siyang inuutusan ng manager para linisin ang kalat na sinasadya nilang itapon at sa pagkakataon na yon ay hindi na nakatiis si noel.Tinawag niya ang secretary niya at inutusan niya ito at sinabing magpa setup ng meeting sa branch na yon. Lahat ng mga matataas ang position sa branch na yon ay dapat nandoon sa meeting na yon
hika ni noel. Nung tagpong yon ay hindi
pa din alam ng buong branch kung sino talaga siya. Habang maya-maya ay tinatawag siya para linisin ang kobeta na sinasadyang hindi binuhusan ang dumi sapagkakataon na yon ay hindi na siya nakatiis. Sinagot niya ang manager at ang boss niya sinabi niyang "aba grabi ka naman napaka walanghiya naman dito ah ganito ba talaga kayo dito!!? Pasigaw na sabi ni Noel sa mga boss niya " aba ayos kang makasagot ah kilala mo ba Kung Sino ako? Diba dyanitor ka dito kung anong inuutos ko susundin mo kung ayaw mong sumunod ay bukas ang pinto para sa iyo. Magresign kana!!" Sabi ng boss niya sakanya. nanginig sa galit si Noel sa pinagsasabi sakanya ng boss niya.Kinabukasan alasdos ng hapon ay naka setup ang meeting ng mga boss niya sa CEO na dyanitor at siya yon. Nung kompleto na ang mga boss at manager sa meeting at CEO nalang ang inaantay ay bigla siyang pumasok sa meeting room at sinabing " OKAY GOODMORNING!!" Sabay palo niya sa lamesa nagulat ang lahat sa ginawa niya at tinawag niya ang manager na umalipusta sakanya "Sir stand up maari mo bang esearch Kung sino ang founder at CEO ng kompanya" senearch ng manager at nagulat sila na kamukhang-kamukha siya ito doon na siya nagpakilala
AKO SI NOEL MONDRAGON na naging dyanitor niyo sa loob ng dalawang linggo ngayon alam ko na kung bakit nagreresign ang mga impleyado dito dahil sa pagmamaltrato niyo sakanila
"ngayon ikaw" tinuro niya ang boss at ang manager " kung nais niyo pang maging kasapi dito ay magtrabaho Kayo bilang dyanitor sa loob ng limang buwan kapag nagawa niyo yon ay mananatili kayo sa trabaho niyo kung ayaw niyong gawin yon ay bukas ang pinto para sainyo.
Napayuko at napaiyak sila sa hiya hindi sila makatitig kay noel dahil sa ginawa nilang pang-aabuso dito.Kahit gaano pa kataas ang narating mo sa buhay kung hindi mo alam magpakumbaba ay babagsak at babagsak ka sa pinanggalingan.
Write by: Aron Zaratan
BINABASA MO ANG
Noel Mondragon
Short StoryANG KWENTO NI NOEL MONDRAGON SIYA AY ISANG MASIPAG AT MATALINO SIYA AY NAGSUMIKAP PARA MAGTAGUMPAY SA BUHAY SANA AY MAKAPULOT KAYO NG ARAL SA AKING GINAWA -FACEBOOK: Aron Zaratan