Hindi Kita, Gusto Kita

28 8 9
                                    

Saan nga ba ito nag simula.

Nung nahulog mo ang iyong libro at tinulungan kita?

Yung panahong pinag bintangan ang kaklase natin?

Hindi ko din alam pero ang alam ko lang ay Gusto Kita.

May pag kaka taong muntik ko na itong maamin.

May pag kaataong nadudulas ang madaldal kung dila.

Nasabi ko nadin sayo na Hindi Kita Gusto Kita. Pero sadyang hindi mo lang talaga maintindihan o baka naman iniiwan mo sa bahay niyo ang common sense mo?

Minsan nga napa-isip ako hindi naman dapat ako mag ka gusto sayo. Bukod sa lampa ka ay uto uto kadin.

Naalala ko pa nung sinabi ko na ang mga ibon ay kayang lumangoy ay naniwala ka naman. At nang huli ka pa ng ibon para lang ilagay sa tubig. Na ikinamatay naman nang ibon.

At nagalit kadin saakin malay ko bang uto uto ka pala.

Pero may pag kakataunding gusto ko na talagang umamin sayo. Malay mo may gusto kadin saakin dahil gwapo ako at matangkad hindi di ako pabaya sa pag aaral malay nga naman.

Pero dahil sa ka torpehan ay dumating yung araw na ayaw kung mangyari. Isa sa kaklase natin ang nag kamaling mag ka gusto sayo at ang masaklap pa ay kaibigan ko pa. Nakakatuwang nag kataon na gusto mo din siya.

Kaya naman niligawan ka niya. Ako? Nasa isang tabi nakangiti pero sa loob loob ko ay dapat ako Yun. Pero anong magagawa ko siya ang gusto mo at hindi ako.

Pero umamin padin ako pero di mo alam dahil ang mga katagang Hindi kita Gusto kita ang binitawan ko. Kaya sinabi mo lang sakin na "Alam ko naman na hindi mo ako gusto ken ken" nakangiti mo pang sabi.

Sana pala una palang sinabi ko na Gusto kita Pero huli na kaya tinanggap ko.

Anna Hindi Kita Gusto kita sana maintindihan mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Kita, Gusto Kita (Oneshot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon