Salamat.

11 2 0
                                    

Paano hanapin ang nawawalang kasiyahan?

Mag lakbay patungong hilaga.
Isang pag lalakbay na walang specific na destinasyon. Kung saan ang tanging susundin mo lang ay ang iyong puso

Ngunit hindi pwede sa lahat ng oras puso lang ang susundin ang nararapat
Ay sundin ang sinasabi ng tadhana, puso at isipan upang marating ang isang kinabukasan na saiyo'y nakahanda.

Sabi nila "Pwede kana gumawa ng tula kahit walang tugma,
Masabi mo lang ang dinadamdam mo ng matagal ng nakatago."

Ang tanging masasagot ko na lang sa kanila ay "Matagal ko na itong ginagawa. Ngunit ako'y napalayo sapagkat ang aking mga inspirasyon ay nag laho Ng parang bula"

Kung may nais ka mang sabihin nandito ako para dinggin.
Mga katagang sinabi niyo sakin pero nasan kayo nung ako'y handa ng sabihin? Para kayong bula na biglang nawala, kanino nga ba matutupad ang mga salita na inyong inilathala.

Paano ko masasabi ang aking mga hinanakit at ninanais kung ang mga tao sa aking paligid ay hindi ako pinapansin? Sila ay parang bingi at bulag tuwing ako'y mag sasalita.

Minsan ako'y wala pang kalayaan magsalita. Paano maipapahayag ang damdamin kung lahat kayo ay hindi makikinig? Paano niyo malalaman ang aking naranasan kung wala naman kayo jan sa panahon ng aking karanasan?
Paano niyo nasisiguro na maayos lang ako? Ni hindi niyo nga ako kinamusta nung ako'y namomroblema. Paano niyo malalaman kung ako'y buo pa, kung ang puso ko ay isang buo pa? Hindi niyo ko kilala dahil wala kayo dito nung panahong ako'y ng hihina. Paano  niyo ulit makukuha ang tiwala na aking binibigay kung sa una palang ay ako na ay inyong hinahayaan?

Ang tanging alam nyo lang ay ang aking pangalan, hindi ninyo alam Kung ano Ang aking diringgin, ang aking pinag daanan, at ang aking nakaraan. Handa akong mag patawad sa mga kasalanang inyong ginawa... Pero sobra na. Sobra na ang sakit na inyong pinamalas, ako'y inyong paulit ulit na sinira ako'y durog na durog na at nasa Punto na ng buhay na Hindi alam Kung ano na ang pupuntahan. Ako'y naliligaw sa kadilimang inyong binigay. Wala akong ibang makita maliban sa maliit na sinag ng ilaw sa dulo nitong itim na kweba.

Sandali! Hindi pa naman huli ang lahat, maaari pa nating baguhin ang ating desisyon para maging sapat. Pero hindi lahat kayang mabago, nandito parin ang sakit na iniwan niyo. Pero ako'y ayos na, hindi na ganon kasakit ang mga sugat na inyong ipinaranas, hindi na ganon kahapdi ang mga galos na inyong pinamalas. Hindi oa huli para humingi ng tawad, mas mabuting sabihin ang "Pasensya na sa naidulot ko sayo" kesa sa "Salamat sa lahat ng iyong ipinagkaloob".

Yan ang dati kong madalas na sinasabi. Pero ngayon?
Ako'y nawawalan na ng pake sa inyong mga patawad na binibigay, ako'y pagod na pagod na sa problema at kalungkutan na para bang wala ng katapusan. Na ang tanging paraan na lamang ay tapusin ang lahat. Hindi ang problema kundi ang aking buhay at sarili, oras na para ako'y umalis at mag laho sa paraang  pag talon Mula sa itaas at  malunod sa ibaba. Sana inyong tandaan ang mga huli kong salita. Salamat at paalam na sa inyong lahat.

~End~

SalamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon