Chapter 28

1.6K 58 24
                                    

Youtube: Wilshwish C.
Insta: shaneangelicwp
Twitter: shaneangelic_wp

My Cold Fiance

Joy's P.O.V.

Habang nasa taxi ay nakatanaw lang ako sa malayo. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Nag sawa na nga talaga siguro sila.

Papunta ako ngayon sa condo unit ni Coreen. I decided to live there for awhile. Ayaw kong bumalik sa bahay nina Mama dahil malalaman nila ang nangyayari sa amin ni Kyle.

Kagabi ay kina usap ko si Coreen sa cell phone. Kahit na hindi ko pa sinabi sa kanya ang buong detalye ay pumayag siya na tumira muna ako sa kanya.

"Dito na lang po," saad ko kay Manong ng makarating na kami sa harap ng building.

Nangalkal ako sa wallet ko ng pera at inihabot iyon sa kanya. Bumaba rin siya para buksan ang compartment. Kung saan nakalagay ang maleta ko.

Akala ko ay tuluyan na siyang aalis pagkatapos ngunit hindi. Tumigil siya sa harapan ko at ngumiti sa akin.

"Napakalungkot ng mga mata mo, Iha. Hindi bagay sa'yo iyan lalo na at maganda ka. Kung ano man ang suliranin mo sana ay maayos mo," he encourangingly smiled at me again and waved his hands.

Napangiti ako habang nakatanaw sa papaalis na niyang taxi. I feel like it gives me some energy.

Tinanaw ko ang building mula ibaba hanngang itaas. Sa third floor ang unit ni Coreen.

Pagkapasok ay agad na akong nagtungo sa may elevator at pinindot na ang palapag. Agad din naman akong nakarating.

I hit her doorbell and she fastly open it.

"Kanina pa kita hinihintay," she said and pouted at me.

Mukha ngang kanina pa niya ako hinihintay. Sa bilis niyang magbukas ng pintuan ay halata na nakabantay siya roon.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong niya at kinuha ang dala kong maleta. Siya na ang nagpasok niyon sa loob.

Napabuntong hininga ako at napatango. "I meed to. Para rin naman sa amin ito," sagot ko. Hindi ko alam kung makakabuti ba talaga ang desisyon kong ito.

"Hindi ko pa alam ang buong detalye kaya hindi ko alam kung susuportahan ba kita o hindi. Ikwento mo sa akin mamaya," nameywang siya at tinaasan ako ng kilay.

Napatawa ako ng mahina. Napaka angelic kasi ng itsura niya. Kaya naman kahit nagmamataray siya ay mukha pa rin siyang mabait.

"Gutom na ako," paglalambing ko sa kanya.

She rolled her eyes. "Ewan ko sa'yo. Tara na nga at kumain na tayo," anyaya niya at naglakad na patungo sa kusina.

Napangiti ako ng malaki ng makita ang maraming pagkain. Mukhang ready na ready siya sa pagdating ko. I feel so welcome here in her home.

"Ikaw nagluto? Mukhang ang sarap lahat ah," puri ko.

Naghugas muna kami ng kamay bago umupo.

"Yup. Para kapag nag asawa na ako ay marunong na ako," pagmamalaki niya.

"So may balak ka ng mag asawa? Sino ba? Si Renzo?" pang-aasar ko.

Namula naman agad siya. Hindi pa malinaw ang relasyon nila pero talagang bumubukadkad naman ito. Wala pa nga lang talagang label.

"Kumain ka na nga lang," saka siya sumubo.

Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayon kaya naman pwede kaming mag usap buong mag hapon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cold FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon