Short story

2 1 0
                                    

Unti-unti kong naramdaman ang pagnginig ng aking telepono. Kama'y kong pinagpapawisan dahil sa kabang nadarama. Binuksan ko ito at bigla na lang akong napabuntong hininga “Ito na, wala ng atrasan 'to.” Wika ko.

Isang tapik ng sampal ang bumungad sa aking mukha noong Hunyo 25 taong 2019. “Mily, gumising ka na. Alas-singko na!!” Wika ng aking panganay na kapatid na si Christian. Agad naman akong nataranta at nagulat sa reaksyon ng aking kuya. Tinanong ko kung bakit siya tumatawa at bigla niyang ipinakita ang orasan na alas-kwatro pa lang ng umaga.

“Ang aga-aga ha ganda ng bungad mo sa akin”. Irita kong sabi.

Unang araw ng aming klase kaya dapat kasuotan ko'y maging kaaya-aya. Habang ako'y papunta sa aming hapag-kainan, tinignan ko ang aking I.D at tuwang-tuwang sinabi

"Mily Lamic, Grade 11 HUMSS Strand. Salamat sa Panginoon!” Sigaw ko.

Pinagtawanan naman ako ng aking tatay habang pinaghahandaan ako ng makakain.

“Kumain ka na. Alalahanin mo, babiyahe ka pa ng ilang kilometro.” Ang maligalig kong mukha ay napalitan ng kadismayahan.

“Hay! Alas-syete pa ng umaga ang klase ko pero dahil sa trapiko na 'yan, kailangan ko na agad umalis ng alas-singko.”

“Anak, kasama na ‘yan sa buhay ng taga-maynila, kaya dapat masanay ka na.”

Pagtapos ko kumain ay nagpaalam na ako sa aking tatay at hinanap ang kasama kong si Efren. Parehas kaming grade 11 sa Nazareth School of National University at dahil malapit lang ang bahay namin sa isa't isa, palagi na kaming sabay pumasok.

Una, maglalakad kami hanggang kanto. Pangalawa, sasakay ng jeep papunta sa Welcome Rotonda. Pagdating sa Espanya ay dito na kami nahihirapan sumakay. Minsa'y inaabot kami ng isang oras bago makasakay na papuntang Cayco street. Pagbaba, lalakad kami papunta sa paaralan. Ito ang paulit-ulit naming gawain mula Caloocan hanggang eskwelahan sa Manila.

Kada istasyon, inaabot kami ng mahigit trenta minuto bago makapunta sa aming paroroonan. Sa sobrang dami ng komyuter para kaming mga sardinas na pinipilit magkasya sa isang maliit na lata. Ngunit, normal na sa amin ang makipagsiksikan sa mga tao.

Ayon sa istatistika ng TomTom Traffic Index, sa taong 2019, Pilipinas ang pumapangalawa sa pagkaroroon ng matinding trapiko sa buong mundo.

Ayon din sa balita ng UNTV News and Rescue na inilathala noong Agosto 15 taong 2019, sinimulan na ng pamahalaan mabigyan ng alternatibong daanan ang mga motorista tulad ng Major Road Projects: NLEX-SLEX Connector Road, Skyway Stage 3 project, at C5 South Lane Expressway) upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila. Ngunit, sapat na solusyon na nga ba talaga ito?

Bukod pa rito, idagdag mo pa ang dami ng tao sa kabisera ng Pilipinas. Ayon sa World Population Review, ang Metro Manila ay may katumbas na 13,923,452 na katao. Nahigitan pa nito ang populasyon sa Paris na kapital ng France na kumulang 11,017,230.

Kaya sa tuwing matindi ang trapiko sa Espansya, nilalakad na lang namin 'to hanggang sa aming eskwelahan. Kahit na sobrang haba, mas mauunahan mo pa sila.

Habang kami’y naglalakad papunta sa eskwela, napansin ko ang aking paligid na maraming pulubi. Mga bata na dapat nag-aaral sa paaralan ngunit nangangalkal na lang ng basura upang maka-ahon sa buhay.

Ayon sa Agence Francaise De Development, ang mga bata na nasa lansangan ng Manila ay hihigit sa 250,000. Kada taon, tumataas ang kanilang bilang. Ang mga dahilan ay kahirapan, migration, istraktura ng pamilya at marami pang iba. Sila’y maari rin makaranas ng forced labor, early pregnancy, sexual and physical abuse, at child prostitution.

Ang ASMAE-Philippines ay tumutulong sa kanila upang mabago ang kanilang pamumuhay. Pagbibigay ng suporta sa edukasyon, psychosocial support at kamalayan sa karapatang pambata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dalawang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon