"SI ARAW AT SI BUWAN"
07.26.18Noong unang panahon, lingid sa kaalaman ng marami. May dalawang nilalang na lubos na nag iibigan. Sina Araw at si Buwan na minsan lamang mag tagpo ngunit lubos pa ring nag mamahalan.
Si Araw na nag liliwanag ngunit malungkot, sapagkat sya'y nag iisa lamang. Si Araw na nag bibigay liwanag kay Buwan na masaya dahil sya ay may mga bituin na kasama sa kalawakan tuwing pag sapit ng gabi. Si Buwan na handang mamatay tuwing umaga para si Araw ay mabuhay.
Silang dalawa ay nangungulila sa isa't isa kahit na halos minsan mag kalapit lamang sila, halos mag kalapit ngunit hindi nag kakatagpo. Gayunpaman, hindi pa rin matatawaran ang kanilang pag mamahalan. Hindi man sila nag kikita ng ganoon kadalas, naipararamdam naman nila ang kanilang walang hanggang pag ibig sa isa't isa.
Ngunit mayroon namang isang pangyayari na kanilang kinasasabikan na minsan lang sa ilang taon kung mangyari. Kahit na napakatagal na panahon pa ang hintayin, ito pa rin ang kanilang hinihintay at pinaghahandaan; ang kanilang pag tatagpo na kung saan umaabot lamang ng ilang minuto pero hindi naging hadlanh ang maiksing oras para sa kanilang pag tatagpo ay kanilang sulitin. Dumating na nga ang araw na ilang taon na nilang hinihintay.
"Gaano na nga ba katagal ang hinihintay nating muling pag tatagpo?", tanong ni Buwan, hindi na nakasagot pa si Araw sa sobrang tuwa dhil nakita na nya muli ang kanyang minamahal.
Ipinarating ni Araw ang kanyang tuwa sa pamamagitan ng pag bibigay ng dagdag liwanag kay Buwan. Tuwang tuwa si Buwan dahil muli na nyang narandaman ang init ng pag mamahal ni Araw nang hindi malayo, ninanamnam at pinapakiramdaman.
"Hindi ako titigil na iparamdm sayo ang aking pag mamahal kahit na tayo ay mag kalayo.", wika ni Araw, habang unti unting lumalaki ang espasyo nilang dalawa sa isa't isa.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, aking mahal."
At tuluyan nang nagkahiwalay ang dalawang magkasintahan. Ang pagmamahalan ng dalawang nilalang ang nag papatunay na walang malayong distansya sa dalawang nag iibigan. Noong unng panahon, lingid sa kaalaman ng marami. Kay dalawang nilalang na lubos na nag iibigan, sina Araw at si Buwan.
.mks.
I'll add a trivia for this chapter
"On average, it takes about 375 years for a total solar eclipse to happen again at the same location. By comparison, a total lunar eclipse, also known as a Blood Moon, can be seen from any location approximately every 2.5 years."
Actually this was made by me and a friend of mine since we're partners. It sounds cliche and a bit bland but this sht took the two of our last brain cell to made this, not to mention we're both not used to making things like this in Tagalog. But overall we liked it, and it doesn't necessarily said which gender is which so yeah.
Stay safe peeps.