Prologue(Sabrina)

38 8 1
                                    

   PROLOGUE (Sabrina)

Mag iisang taon na mula ng maipaayos Ang bahay ng Pamilya Mira.

Ang bahay Kung saan napuno Ng pagmamahal at saya.

Nagsimulang maupo si Sabrina sa kanyang paboritong upuan habang pinapanood Ang kanyang mga apo sa bakuran.

Nakangiti niyang binuburda Ang telang regalo pa sa kanya ng Isa sa pamilya nila.

Maya't maya lamang ay tumakbo papalapit sa kanya Ang Isa sa kanyang Apo.

"Lola! What's that?" Inosenteng tanong nito habang nakaturo sa kanyang binuburda.

Mainam na napangiti si Sabrina sa kanyang apong si Neil.

"Ito Apo?Ito ang litrato Ng Pamilya natin noong kumpleto pa Ang lahat Ng miyembro." maikling paliwanag niya dito.

"Huh?bakit niyo pa po ginagawa Yan?" Muling tanong nito sa kanya.

"Dahil Isa Ito sa hiniling ng Nakakatanda sa akin bago sila mawala sa Mundo.Bata ka pa at marahil Wala ka pang naintindhan sa sinabi ko sa'yo."

"Lola,pwede niyo po bang ikwento sa Amin Ang buhay niyo dati?" Biglaang sulpot ni Sebastian,Ang bunsong pinsan Ng mga apo ni Sabrina.

Ibinaba ni Sabrina Ang binuburda at mainam na nginitian Ang kanyang dalawang Apo.

"Gusto niyo ba talagang marinig Ang buong kwento Kung paano nagsimula Ang Pamilya Mira?"

"Opo!" Masiglang sigaw ng dalawa.

"O sige,basta't maligo na kayo at kakain tayo.Bago matulog ay magkwekwento ako." Nakangiting tugon niya sa dalawa na halata naman Ang kasiyahan sa kanyang sinabi.

Nagmadaling tumakbo papasok Ang dalawang Bata at nagsimula nang maligo.

Naiwan si Sabrina sa beranda at luminga sa langit Ng may ngiti sa labi.

"ANG DALAWANG MAGMAMANA NG APELYIDO MO LOLO SANTIAGO,ITO NA SIGURO ANG TAMANG PANAHON PARA IPAGPATULOY ANG NAIWAN MONG OBLIGASYON." tugon niya sa langit na para bang sasagot Ito sa kanya.

"O tapos na ba kayong magsipilyo?" Tanong ni Sabrina sa dalawa.

"Opo Lola,Tara na po sa kwartoo ikwekwento niyo pa po sa Amin Ang buhay niyo noon!" Masiglang masigla Ang dalawa habang hawak Ang kamay Ng kanilang Lola.

"O siya siya,huminahon kayo at magsisimula na akong mag kwento."

Nahiga na Ang dalawang Bata at nagsimulang makinig sa kanilang lola.

Naupo si Sabrina sa isang silya sa Harap Ng dalawang Bata at nagsimulang mag kwento.

"Nagsimula Ang pamilya Mira ni lolo Santiago noong ipinanganak siya Ng Marso 12,1939.Pangalawa SIYA sa magkakapatid.Walo silang magkakapatid,dalawa lamang Ang babae sa kanila at anim na lalake."

"Paano po sila nagkakilala ni Lola Cresensia?" kaagad na tanong ni Neil.

"Mamaya malalaman mo Kung sino-sino silang lahat."nakangiting tugon Niya sa kanyang apo.

At dun nagsimula ang kwento ni Sabrina sa kanyang  mga apo..

Abangan Ang unang Kabanata...

Cresensia & Santiago (Love until the End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon