Warning SPG
During our first.
I woke up with a mild sensations deep inside of me. Lumabas ako sa kwarto ko at agad kong hinanap si Keegan, ngunit natingala ako ng hindi siya mahanap sa buong bahay. Tsaka, nagugutom na talaga ako. Dumiretso nalang ako sa kusina at naghanap ng makakain.
I found some tacos inside the refrigerator. Ininit ko ito, matapos nun ay sinubo ko ito sa bibig ko.
"Hindi pa ba panis yan?" Nagulat ako ng marinig ang boses niya.
"Keegan. Ginulat mo ako," sabi ko biglang-bigla.
"Sorry," inilapag niya ang iilang mga tinapay sa lamesa.
"Okay lang. Tsaka parang hindi ata to panis," ani ko.
Kumuha siya ng dalawang plato at baso. Kumuha rin siya ng isang delata sa loob ng apador niya sa may sink ng kusina. Inilapag niya ang plato, baso atsaka isang lata ng San Marino Tuna sa gilid ng mga tinapay at binuksan ito.
"Saan ka nanggaling?" Tanong ko.
"Took a small run. And bought you these," sabi niya. "Wait. I'll prepare some juice."
Umalis ulit siya at may inasikaso sa lababo. Bumalik siyang dala ang isang pitsel ng juice, nilagyan niya ng juice ang tig-iisang baso at binigay yung isang saakin.
"Eat," aniya.
"I'm okay with tacos," sabi ko trying to smile.
Bigla niya inilapit ang muka niya sa muka ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya, kitang-kita ang tulis ng tingin ng mga mata niya, he was staring at me hungrily. I find his looks really intimidating. Nilalaro na naman ng mga paru-paro ang tiyan ko, hindi ko na naman maabutan ang bilis ng tibok ng puso ko.
Napalunok ako.
"I want you to eat the food I prepared for you," sabi niya. Bigla niyang kinagat yung taco sa kamay ko, agad naman akong napatingin sa pagkaing nasa kamay ko. Iniwanan naman niya ako, but still hindi mapakali ang isip ko sa kakaisip na may laway niya to.
Kinagat ko yung huling parte ng taco sa kamay ko. Shit. It was late ng marealize ko yung ginawa ko.
"You're really fond of sharing," itinaas niya yung kilay niya. "Oh well, I'm also good with that."
Inilayo na niya yung katawan niya sa katawan ko atsaka gumawa ng dalawang sandwich. Iniabot niya yung isa saakin atsaka kinain yung isa. Inubos niya ang ito kasabay ang paglunok ng huling patak ng juice.
"Gotta take a shower," aniya sabay alis sa kusina.
Nangangatig parin ako sa ginawa niya. Naninigas ang katawan ko. Siguro, aftershock to dun sa nangyari.
Napangiti ako atsaka napangiwi, kinagat ko yung labi ko atsaka napahawak sa labi ko. "What are you doing to me?" Sabi ko sa sarili ko.
UMALIS ako sa kusina atsaka nag-shower na rin. Matapos nito ay lumabas ako kwartong suot ang isang white dress. Honestly it was a pretty boring day. Mga bandang alas dose ay nagulat ako ng lumapit saakin si Keegan na may dalang isang picnic basket. He was wearing a navy blue v-neck shirt and khaki shorts, an aviator sunglass was hanging on his shirt.
"Malakas ba yung pag fantasize mo ng v-neck shirt?" Biro ko.
"Asus. Kunwari ka pa, eh dito nga kita napa-inlove," sabi niya grinning.
"Shut up," ani kong inaalis yung tingin ko sa kanya, ayaw ko kasing makita niyang namumula yung pisngi ko.
"So ano sasama ka ba?"
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceMatagal nang may gusto si Nicole kay Joshua, matagal na rin niyang gustong aminin ito. Ngunit, dulot ng kanilang pagkakaibigan ay hindi maamin-amin ni Nicole. Tama bang itago niya na lang itong nararamdaman niya para mailigtas sa pagkasira ang kanil...