"Once Upon A Blue Night, That Stranger Kissed Me"

27 1 0
                                    

⏩Chapter 1⏪

"The beach seems so calm, but the night, the blue night now add more coldness to the ambiance of the sea,just like my feelings," malungkot na pagkakasabi ni Sky sa sarili niya habang tinititigan ang malawak na dalampasigan, di kalayuan sa terrace ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The beach seems so calm, but the night, the blue night now add more coldness to the ambiance of the sea,just like my feelings," malungkot na pagkakasabi ni Sky sa sarili niya habang tinititigan ang malawak na dalampasigan, di kalayuan sa terrace ng kanyang kwarto. Damang-dama niya pa rin ang "emptiness"sa kanyang buhay. Alam niya naman sa sarili niya kung bakit until now nararamdaman niya pa rin ang feeling na para bang, wala syang buhay. Dahil, alam niyang hanggang ngayon malungkot pa rin sya, at alam niyang after all, ayaw niyang kumawala sa past niya. Dahil sa totoo lang, ayaw niyang iwan si Rushann, na naging dahilan kung bakit naging makulay ang buhay niya. Hanggang ngayon, ramdam niyang sariwa pa rin ang bawat haplos, yakap, at halik ng tanging minamahal at pinaglaanan niya ng buong buhay niya. Ngunit, ito din ang naging dahilan, kung bakit hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin siya. Napabalikwas si Sky bigla ng marinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Kaya, nagmadali siyang pagbuksan ito.
"Good Evening Maam Fuentebella!Maam, ito na po yung inorder niyong food for dinner," ngiting pagbati ng babaeng room attendant kay Sky sabay pasok ng mga dala nitong pagkain at ipinatong ito sa mesa malapit sa kanyang higaan. "Thank you,you may go now," tipid na pagkakasabi ni Sky sa Room Attendant.
"Maam, pinapasabi po pala ng Manager namin sa inyo na kung pwede po sana kayo umatend ngayong 9pm sa Grand Opening po ng aming Beach Bar ,dito po sa left side ng ating Hotel, since isa po kayo sa mga guest namin. Punta po kayo Maam ha! Libre po ang mga drinks dun! Sayang kung di niyo po ia-avail.." sabay abot ng room attendant ng isang flyer sa kay Sky.
"Salamat" at isinara na ni Sky ang pinto pagkalabas ng room attendant.

Sa kabilang banda, kakarating pa lang ni Lixian sa bagong bukas na Beach Bar, malapit sa kanyang Hotel na tinutuluyan, pero halos makaubos na siya ng isang case ng Beer. Masakit pa rin ang mga nangyari sa kanya nung mga nakaraang buwan. Di niya maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinigay niya kay Katniss, nagawa pa rin siyang iwan nito, in the middle of the aisle of the Church while their wedding is ongoing. Na kahit lunurin niya man ang kanyang sarili sa alak, ay di pa rin mapapawi ang hapdi, sakit at kahihiyan na kanyang nararamdaman dulot ng naudlot nilang kasal ni Katniss. "Hey Bro! Stop that!!" Sabay kuha ng beer sa kanya ng kaibigan niyang si Connor. " Bro! Akin na yan! Opening ng Bar ngayon and the drinks are free! So, give me that," sabay agaw ni Lixian ng beer kay Connor. "Bro, it doesn't matter kung free ang liqour drinks nila dito but the matter is, you drink almost 24hrs and that is suicidal Bro!" Concern na sabi ni Connor sa kanya samantalang patuloy pa rin si Lixian sa paglagok ng natitirang lamang bote ng Beer. "By the way, I've heard that you almost drowned in the sea?What happened kanina Bro?" Tanong sa kanya ni Connor pagkaupo nito sa bar. At dahil sa tanong ni Connor, naalala ni Lixian ang babaeng nagligtas sa kanya sa dagat. Actually, di naman talaga siya nag attempt ng suicide. Sadyang nadulas lang talaga siya sa mabatong bahagi ng dalampasigan na naging sanhi ng pagkahulog niya sa dagat. Lasing na lasing siya ng mga oras na iyon kaya di na niya namalayan na malapit na pala siya kay Kamatayan. "And I heared also, na maganda daw yung sumagip sayo?" Pangiting tanong ni Connor sa kanya bago ito uminom din ng beer. "O'cmon Bro, that weird girl? Maganda? Baka siraulo siguro! Ang hina niyang makiramdam Bro! Inutusan pa niya akong mag attempt ng suicide ulit Bro! Though, I'm just only teasing her.." After he answered Connor, he just shakin' up his head and drink again another beer. Pero sa kaloob-looban ng pag-iisip ni Lixian, maganda naman talaga ang sumagip sa kanya kanina sa dagat. Maputi, makinis at kaakit-akit ang katawan. May mapupungay at singkit ang mga mata nito. May pagka-Marian Rivera ang mukha ng babae, pero may isang bagay na di mo makikita sa kaniya. Walang siyang nakikitang emosyon sa mga mata nito. Higit sa lahat, mas ramdam niya ang lungkot sa buong pagkatao ng babae. "Hoy Bro! Natameme ka ata? Alam ko, isasama mo naman yun sa mga listahan ng mga kababaihang nai-kama mo na? Sana nakita ko rin siya para makilatis natin.." Pabirong sabi ni Connor kay Lixian. "Shut up Bro! Paano ko naman maikakama yun? Eh, ni hindi nga ako pinansin masyado. But, what bothers me Bro is she is so different. Parang may someting into her na kapag tiningnan mo siya, parang mararamdaman mo din ang lungkot sa kanya." Pagtatakang sagot ni Lixian kay Connor. Ngumiti lang din si Connor sa kanya at sinagot din ang kaibigan,"alam mo Bro?Amats lang yan, anyway! Let's party2x!! Hanap na rin tayo ng makakatable natin at ng tayo ay mainit- initan na rin!" Connor saw a lot of sexy girls around them keep on dancing under the disco lights. Almost girls are wearing two-piece swimsuits. There are some performing fire dance and under the blue night, everybody is enjoying the Grand Opening of the Beach Bar. Pero, nakuha ang atensyon ni Connor nang ibaling niya ang mga mata sa babaeng nakaupo sa harapan ng nagbabartender. Tinapik niya agad ang balikat ni Lixian and whispered,"Why is she only wearing black V-Neck shirt and jogging pants?So boring! "What?" Agad namang lumingon si Lixian to check out the girl, and he tells to Connor, "that girl Bro, that was the girl that I'm telling you," with a devilished smile.
"Maam? Nakapag decide na po kayo which drink you want?" Tanong ng waiter sa kanya. Samantalang lutang pa rin ang kaisipan ni Sky habang tinitingnan ang nagbabartender na lalaki sa harapan niya. "Can you please give me a 2 shots of Strawberry-Kiwi Margarita?", sabi niya sa waiter. "Coming up Maam!",na siyang agad namang ginawa ng waiter. Pagkabigay sa kanya ng waiter ng Margarita ay agad niya itong naubos at umorder ulit nito. Nakapangatlong shot ng Margarita si Sky, medyo tipsy na sya ng may lalaking tumabi sa kanyang table.
"Hi?You remember me, right?" Nilingon ni Sky ang lalaki,and wait? That face seems so familiar to her at siya yung lalaking niligtas niya, but who cares? Wala siyang pakialam, kaya di niya ito kinibo at umorder na lang ulit ng ikapang-apat na shot ng Margarita.
"Are you really kind of rude? You shouldn't ignore a hot guy like me babe! After mo kong pagnasaan sa kakatitig mo, here you are, keep ignoring me!" , nakadikit na ang katawan ni Lixian sa babae at he already smelled the flowery scent of her shampoo. Maybe he is drunk, but how come he can manifest to smell the scent of that girl whom never pay her attention to him.
Wait? Babe? Pagnasaan? Kahit nakapang apat na siyang shot ay di nagkakamali ng pandinig si Sky sa sinabi ng lalaki sa kanya kaya muli niya itong hinarap at..."Oh Sh***t!"
Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't- isa, yung tipong 1cm na lang at magki-kiss na sila. Di tuloy napigiling mapatitig si Sky sa lalaking ito, from his dark brown eyes, kissable and pinky lips, dagdagan pa ng amber twist perfume niya na siyang nagpadagdag pa sa pagiging masculine scent nito. Di nakakapagtakang all the girls around them are looking at him. In short, he's perfectly a good catch. "Oh my God, what was I'm thinking? Maybe I was just only drunk.." Agad namang nagmadaling tumayo si Sky to avoid that kind of man, since lasing din yung lalaki. But, when she attempted to walk away from him, bigla syang nahawakan ng lalaki sa left arm nito. Sky turned back in to confront that guy. Laking gulat ni Sky when that guy pulled her closer to him, put his left hand to her waist and his right hand her nape. Sky's heart started to burst when that guy, that stranger kissed her lips, in the middle of the blue night..
Hindi rin alam ni Lixian kung anung ka demonyuhan ang pumasok sa isip niya why he is so tempted to kiss that girl. Alam niyang lasing siya, at alam din niyang pinag gagawa niya. Maybe, dahil di niya matanggap sa sarili niya na may mga babae talagang napaka hard-to-get kaya hinalikan niya ito. Or maybe, he still attracted to her mysterious beauty. Dahil dito, he torridly kiss her, he wants her to be his mine.."I want you to be mine, whoever are you.." , at hinalikan niya ulit ang babae.
Ramdam naman ni Sky ang init ng halik at katawan ng lalaking hindi niya man lang kilala. Halos madala siya sa sensasyong ibinibigay sa kanya ng lalaki. Dagdagan pa na medyo tipsy na din sya. Ngunit kailangan niyang manumbalik sa kanyang katinuan. Mas ramdam niya pa rin ang pagmamahal ni Rushann sa kanya. Kaya itinulak niya bigla ang lalaking kahalikan niya at bigla niya itong sinampal ng malakas.
"What?! Bakit ba napaka unpredictable mo? I know you want that kiss?! Kaya naman kitang mahalin ah kung yun ang nagpipigil sayo para maging akin ka!" Di na napigilan ni Lixian ang kanyang sarili, pakiramdam niya kasi nakikita niya pa rin si Katniss, ang babaeng dapat ay asawa niya na sana, pero it all turns out into a nightmare, when she back off to their wedding..
Samantalang nabigla, at nasaktan si Sky sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. With all of the tears to her face, only to that guy, "Hindi kita kilala at mas lalong hindi mo ako kilala kaya sino ka para halikan mo ako at sino ka para sabihin mo sa aking mahal mo ako?!"
Agad namang umalis si Sky with all the tears with her face but that guy keep following at her. After she enter to her room, she cry a lot. She did also a mistake, why did she let him to kiss her anyway? She felt sorry for Rushann because of betraying him. After she comfort herself, she decided to check out to that Hotel, thinking that it would be their first and last seeing each other again. BUT, IT WOULD BE THE LAST? And that's what might they think of.....co'z it's not...






Author's POV

-Medyo mahaba si Chapter 1 natin ah☺😊😂 But anyway, I will do all my best para ma compressed ang next chapters ng story na ito, so keep reading and hoping you like it co'z the next chapters will be exciting😊☺
Thank you and God Bless☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Under the Blue Night"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon