"HATID"

10 2 4
                                    

"Wala ng magagalit,Ihahatid
na kita sa kaniya" Marahang saad ko.

Dalawang taon narin ang nakalipas.Kailangan na kitang palayain.

Kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito nalang ako.

"T-Talaga Mico?" Marahang bumagsak ang kaniyang mga luha at bahagya s'yang ngumiti.

"Huwag ka ng mag-alala natutunan ko ng maging masaya para sa'yo"

"S-salamat" Nagsimula na rin ang marahan n'yang paghikbi.

"You look so beautiful today"

"Palagi mo namang sinasabi yan" natatawa n'yang sabi.

Bumukas ang pintuan ng kwarto.Si Tita Christine.

"Nakaready kana baby?"Ngiting saad nya kay Samantha.

"Opo ma"

"Let's go na"

Mabilis lang ang naging biyahe dahil malapit lang sa pupuntahan nila kung saan sila nag-ayos.

Bumababa na s'ya sa kotse.At nagpaalam na mag-ccr lang muna.

Pero ang totoo magpapaalam na s'ya saakin.At ganun din ako sa kaniya.

"Ang ganda nung venue Samantha.Matutupad na yung dream mo" Ngiting saad ko.

"O-Oo nga.Sana maging masaya kana rin" sinserong n'yang saad na sinabayan ng bahagyang pag-ngiti.

"Hindi ko na kayang maging masaya Samantha.Pero kaya ko nang tiisin yung lungkot"

Tinitigan ko ang kaniyang mga mata.Ramdam na ramdam ko ang awa na nagmumula rito.

Ilang sandali pa nagring na ang cellphone n'ya.

Oras na.

"Mahal parin kita Samantha.Pero simula ngayon hindi mo na kailangang mag-alala dahil papalayain na kita"

Isang takas na luha ang bumagsak mula sakaniyang mga mata.

"Mahal pa rin kita Mico pero bilang ala-ala ko nalang"

Wala na akong maramdamang sakit.Dahil napagod ng masaktan ang puso ko.

Binigyan ko sya ng sinserong ngiti.

"Paalam Samantha.Naihatid na kita hindi nga lang sa altar"

"Paalam"

Tinititigan nya pa ako at binigyan ako ng matamis na ngiti bago nya ako tuluyang tinalikuran.

Nanatili pa ako sa ilalim ng puno kung saan kami nagusap.

Naghihintay.

Binalot ng isang malakas na paghampas sa kampana ang buong lugar.

Rinig ko rin ang palakpakan ng mga tao.

Napatingin ako sa langit ng may kakaibang liwanag ang nagmumula roon.

Kasal na ang babaeng pinakamamahal ko.

Hudyat na ng bago n'yang simula at akin namang pagtatapos.

"Handa kana ba hijo?"tanong ng isang matanda na lumabas sa likod ng puno.

"Opo."

At tuluyan na nga akong naghalo.

-------

Yes you're right isa na lamang akong spirit.

I died 2 years ago habang naglalakad kami sa park kasama si Samantha at bestfriend ko.

Nagkaroon ng 'mass shooting'.

Ang balang tatama dapat para kay Samantha ay sinangga ko.

Nailigtas ko ang buhay pero nawala naman ang akin.

At ngayon?

Kasal na silang dalawa ng Bestfriend ko.

-------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HATIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon