Prologue

13 1 0
                                    

Isang panaginip ang babago sa buhay ko.



Hindi ko naisip na darating sa punto na magkakatotoo ang lahat.



Ayoko nang magising sa mga oras na'yon, kahit na lingid sa kaalaman kong hindi totoo iyon dahil hindi ko alam na,




ISANG PANAGINIP lang ang lahat.

Isang panaginip ang magpapamukha sa'kin na hindi lahat ng panaginip ay mangyayari sa kabaligtaran.


ISANG BAGAY,

Isang bagay lang naman ang gusto kong maramdaman.


Ang tunay at buong pusong pagmamahal ng isang lalaki. Lalaki na handang hingin ang kamay ko upang suotan ng singsing, at ibigin ako hanggang sa huli.


Ako si Jade Clestaire Rodriguez. May katamtamang tangkad bilang isang babae, maalon at mahaba ang kulay-kape kong buhok, at hindi ako yung tipo ng babaeng nagsusuot ng sobrang igsing short.

Beinte-kwatro anyos na ngunit ni isang lalaki ay hindi ko hinayaang pumasok sa buhay ko. Maraming nagtatangkang ligawan ako pero busted agad sila.

Mataas ang standard ko sa isang lalaki. Yun bang may sariling sasakyan, ala-mansyon ang tirahan, at higit sa lahat, napakadaming pera. Bukod pa diyan ay dapat yung gwapo at ubod ng bait.

"Impossible."

Alam kong imposible na sa panahon ngayon na may ganyan pang lalaki, kung may mayaman man ay chickboy naman, kung may mabait naman ay kahit pang gatas lang ay pahirapan pang makakalap.


"Siguro sa panaginip nalang akong makakakita ng ganyang lalaki."

Oo siguro nga... Siguro nga nakatadhana na sa'kin yung pangit pero mayaman, gwapo pero pulubi, at gwapo nga at mayaman, sadista naman. Nakakaloka..





~
   A Genuine Sognare✓~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Genuine SognareWhere stories live. Discover now