Chapter 2
Isagani
Manghang inilibot ko ang paningin sa paligid. Malaki ang lugar, kung titingnan ay pwede na itong maging tourist attraction sa ganda. Kung lalagyan lang nila ng mga facilities at dagdag na activities ay paniguradong dadagsain ito ng mga tao.
Nasa kanang bahagi ang mataas na talon at sa itaas nito ay mayroong mahabang tulay na naka-konekta hanggang sa dulo ng kabilang rock formation. That hanging bridge reminds me of Cloud 9 from Antipolo. The only difference is that this bridge is made out of natural wood; it looks classic but is prone to rot and decay, especially if not properly maintained. By the looks of it, mukha namang matibay pa iyon.
I surveyed the place. Kaunti lang ang tao, siguro ay silang magkakaibigan lang rin ang nandito. Mayroong nag-iihaw, mayroong naghahanda sa mahabang lamesa, at may ibang nakaupo at naka-tambay lang sa gazebo.
The gazebo reminds me of the arch that I saw before we entered Poblacion Castellano. They have the same structure and style, even the small carvings of foreign words are the same. It looks ancient and old, but really beautiful. Napapaligiran ito ng baging pero tila nagmistula iyong disenyo.
“Monica, halika rito.” tawag ni Arthur nang napansin na medyo nahuhuli ako. Lumakad kami papunta sa mga kaibigan niya at sa akin agad nakatuon ang mga mata nila.
“Nasaan ang birthday boy?” hanap agad ni Arthur sa kaibigan.
“Nagpapaka-shokoy pa. Sino ‘yang kasama mo?” tanong ng lalaking kakalapit lang, basa pa ito mula sa pag ligo.
“Oo nga! Kanina ko pa tinitingnan ‘yan, malayo pa lang kayo.” ani naman ng isa.
“Don’t tell me girlfriend mo ‘yan?” kunot-noong tanong ng babae, masama na ang tingin sa akin.
‘What’s with her reaction? Don’t tell me..’ I looked at my cousin. He’s good looking so hindi na ako magtataka kung gusto man siya ng babae.
“The fuck, girlfriend mo?” gulat na segunda naman ng isa.
“Pinsan ko sa father side mga tanga!”
“Sanchez ka?” gulat na tanong nila.
I nodded.
“Monica Queen Sanchez.” pakilala ko sa sarili. Although I preferred being called Monique, hindi ko na sinabi iyon. Tanging ang mga kamag-anak ko lang kasi ang tumatawag sa akin ng Monica. Some even preferred Nica to make it shorter.
“Hindi mo sinabing may maganda ka palang pinsan, Arthur.”
“Maganda ba? Mas gaganda pa ‘yang pinsan ko sa mga mata mo kapag tumama sa mukha mo ‘tong kamao ko.” amba niya na ikinailing na lang ng ulo ko. I won't be shocked if ever man na mapaaway siya dahil sa ugali niyang ‘yan.
“Hi, Monica. I’m Benedict,” pakilala ng naka-buzz cut na lalaki, ignoring Arthur’s threats.
Pagkatapos sabihin iyon ni Benedict ay sunod sunod na silang nagpakilala. I’m not good with names at marami sila kaya hindi na ako nag abalang tandaan pa iyon.
“Junrick at your service,”
“Ako naman si Dion.”
“Marky, nice meeting you.”
“Philip, like Philip-pines.” Then he smiled boyishly.
“I’m Chelsea, pinsan ka pala ni Arthur.” aniya na tinangunan ko lang. Siya yung babaeng masama ang tingin sa’kin kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/246983319-288-k569424.jpg)
YOU ARE READING
Embracing Summer (Four Seasons Series #1)
RomanceFour Seasons Series #1 I S A G A N I