Sinulat ko itong tula
Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla
Matagal na kitang gusto alam mo ba
Kabaitan mo ay hinahangaan ko
Pati yong kapilyuhan at kakulitan
Itong simpleng tula ay alay ko sayo
Dahil itong damdamin may gustong sabihin
Ngunit baka ako'y iyong balewalain
Kaya itong nadarama, di maamin
Hindi magawang aminin
Hanggang ngayon pilit inililihim
Ang pagtingin na kahit kailan
Hindi naman mapapansin
Kapag dumaraan ka, pinipilit ko wag tumingin
Paglampas mo, hinahabol kita kaagad ng tingin
Kunwari may nakalimutan, para muli kang masilayan
Ang tamis ng ngiti mo ay lihim kong kinagigiliwan
Kapag ikaw ay nakikita lutang na ata ako sa saya
Ngunit wag mo sana akong mahalata
Tinatagong pagtingin, mananatili munang lihim
Alam ko kasing may panahon din
Ako'y maghihintay baka sakali may tinatago ka ring pagtingin
YOU ARE READING
zu dem mann, den ich liebe
FantasyDies ist dem Mann gewidmet, den ich liebe, seit ich jung war....