Chloe's POV
Ano kaya problema niya? Pag may problema ba dapat malakas ang music na abot hanggang North Pole? Bakit ba hindi siya nabibingihan sa mga music niya na halos 3 days niyang pinapatugtog?
"Hoyy babae!" Sita sakin ni Jeya.
"Ayy! Ano ka ba Jeya. Nagulat ako ha." Ito talagang bestfriend ko. Palagi nalang nanggugulat.
"Ano bang iniisip mo at parang natutulala ka dyan?" Nasa canteen kami habang kumakain.
"Wala. May iniisip lang." Sabi ko. "Hay nako! Wag mo nga akong gawing tanga. Lalaki yan ano?? Ha? Sabihin mo na! Kilalang-kilala kita mula ulo hanggang paa!" Ito naman si Jeya kung makasalita parang may malaki akong kasalanan.
"Ahh. Oo na. May nakilala kasi akong lalaki. Bagong kapitbahay. Eh ayon. May kasalanan tapos nagsorry at hinatid ako dito sa school."
"Ha?? Sino??" Gulat na sabi ni Jeya.
"Sshhh! Wag ka ngang sumigaw. Si Rich Diaz."
"Si Rich Diaz?? Aaaahhhh!" Kinikilig siya habang inaalog ako.
"Bakit?? Anong meron?? Bold star ba siya? Artista? Ano?" Nakucurious na tuloy ako.
"Ano ka ba! Siya ang may-ari ng Truffle Chocolate Shop everywhere!" Pasigaw niyang sabi.
"Ha? Talaga??" Di ako makapaniwala. Favorite ko ang chocolate at bukod pa dun, favorite ko ang chocolate nila lalo na ang choco muffins nila.
"Ang swerte mo naman bess! Gwapo na, mayaman pa! Naiingit ako sayo, grabe." Ito naman kung makapagsalita parang boylet ko na si Rich.
"Oy. Hindi ko siya boyfriend ha at wala kaming ugnayan sa isa't isa kaya manahimik ka."
"Ano ka ba Chloe? You're 4th year college na at hindi ka pa nagkakaboypren! Ang rami nang nanliligaw sayo at di mo talaga sila pinapansin."
"Jeya, my family is giving me enough love. I mean, sobra-sobra pa kaya I don't care if hindi muna ako magkakaboypren." Sabi ko sa kanya. Ayoko pa talaga magkaboypren. Crush-crush lang kung pwde.
"Haay. Ikaw. Nasa sa iyo na yan. Within this year, magkakaboypren ka na. Hula ko." Aba. Nagbibigay pa ng hint sa love life ko.
"Hindi yan mangyayari." Tansya ko.
"Kung magkakaboylet ka ngayong taon, ililibre mo ako? Ano ha? Deal?" Nagbibigay pa ng kundisyon tong espren ko.
"Oh sige! Deal! Patutunayan ko sayo na hinding hindi pa yan mangyayari. Hmp!" Hindi ako nachachallenge sa kundisyon ni Jeya. Alam kong hindi yan mangyayari. Hahaha! *evil laugh*
A/N:
Silent readers! Please vote and comment para malaman ko kung okay lang ba ang flow sa story. Thank you! :)
BINABASA MO ANG
My Neighborhood
RomanceNakatira ako sa isang napakatahimik na lugar. Hindi subdivision, basta malayo sa maingay na syudad. Suddenly, may bagong kapit bahay na nagiingay sa tahimik kong buhay. A/N: This is my first story here in Wattpad. I hope you'll enjoy this. I found t...