ESTORYA Prologue

2 0 0
                                    

Sino bang mas nakaka awa.

Ang taong kailangan pang makalimotan ang lahat lahat ng sakit at pait para lang mabuhay.

Ang tao na sa kagustuhang maging malaya ay handa siyang talikuran ang lahat at saktan ang kahit taong mahalaga sa kanya.

O ang taong naging dahilan ng isang taong nais makawala sa hawla ng pamilya niya't saktan ang iba at .....ang dahilan kung bakit nahihirapan ang isa.

Walang kapaguran ang puso sa pag mahal, hindi ito nauubusan ng awa at matiyaga itong umiintindi kahit durog na ito. Sapagkat ang pusong matagal ng nasasaktan ay namamanhid, at dahil sanay na ito't tinuturing na parang kagat lang ng langgam ang sugat na natamo, balewala na sa kanya ang pait na ipaparanas o mararanasan pa niya.

Iiyak lang, iiyak hanggang sa mamanhid.
Iiyak lang hanggang sa mapawi ang sakit.
Iiyak lang hanggat maubos ang luha.
Iiyak lang hanggang sa mawalan ng boses, pagkatapos ay hindi na muling iiyak pa hanggang sa sandaling makalimotan na kung paano pa ba ang umiyak.

Hihinga lang kaunti at lalaban ulit.

Ngunit talaga bang pwedeng bumangon agad pagkatapos madapa?
Kailangan ba talagang ngumiti para lang matago ang sakit?
Andaming butas ng buhay.
Malakas pero mahina.
Masaya pero malungkot.
Mahal pero sinasaktan.
Tiwala pero pinaglaruan.

Lumalaban siya, siya na ata ang taong masasabi kung hindi marunong umiyak. Kahit may sugat ay sinasabing malayo sa bituka.
Mapatid man ng iba ay sasabihing ang lampa ko.
Makutya man ay tinatawanan lang niya.
Papakawalan niya ang nais maging malaya.

Hanggang sa sinabi niyang.....

"I don't want to do anything....... I hate breathing... I hate the trees.. I hate hearing laughters.... I hate moving....I hate thinking.. I hate being alive.. I don't want anything.. i don't want someone.. I just dont want to speak anymore... I don't wanna cry.. i hate tears.... Can you give me something for me to pass away in just a millisecond?."

Hello ebre-juanitos and juanitas!
THANK YOU SO MUCH WITH MWA AND MWA MGA CO-MAMAMAYAN🧡🧡🧡
Keep safe and good bless us all
B-)

Paalala!
*Medyo slow ang update! Kase may klase ako.

DESCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ESTORYA: BenevolenciaWhere stories live. Discover now