Twenty-eighth

4.6K 137 14
                                    

"Nice pose, Zeia! One more." Sabi ng bading na direktor kaya nag-project ulit ako sa camera.

Madrama kong itinaas ang mga kamay at bahagyang tinagilid ulo sabay tingin nang mapang akit sa camera. I did that to accentuate the curves of the mermaid gown I was wearing.

Pumalakpak ang direktor.

"Nice shoot, Zeia! It's a wrap!" Sigaw muli nya habang tumatalon talon talon pa habang tinitingnan sa monitor ang mga kuha ko.

Tita Calila went to me and hugged me.

"You did great, Zeia." She said, tapping my shoulders.

"Thank you, Tita. Though I admit I was kind of pressured. Ang gagaling po ng mga nauna sa akin." I sighed.

Binukas sara ko ang palad na hanggang ngayon ay malamig dahil sa kaba. Mga kilalang artista at modelo kasi ang nauna sa akin na sumalang sa photoshoot. Bagay sa kanilang lahat ang gowns na minodelo.

"They're veterans. You're just a newbie here. Pero hindi maikakailang nasabayan mo sila." Ngumiti ito sa akin. "Magbihis ka na para makapunta na tayo sa The Clove."

Tumango ako at sinunod sya. Nginitian ko ang mga staffs na nadadaanan. May isa pang nag-abot sa akin ng bottled water at magalang kong tinanggap. Ang isang staff na babae ay itinuro sa akin ang dressing room.

"She's like a veteran, Cali. Walang tapon na shots." Narinig ko pang bulalas ng direktor bago ako tuluyang pumasok sa dressing room.

Mabilisan ang naging pagbibihis ko. I wore a black cropped top, black ripped pants and maong jacket. This is my last night in Manila for now as a model. Next year na siguro ang sunod, depende sa magiging desisyon ni Dad. Maybe I can negotiate to do brand promotions while managing the plant.

Naisip ko na naman ang sayang na oportunidad na pinalampas ko. Should I open that to Dad? Will he listen? I rolled my eyes at my own reflection in the mirror.

May isa pa akong problema. At mas malala iyon kaysa sa pagsali sa Elite. Ayokong ipakasal kay Terrence. Kailangan kong kumbinsihin si Dad. I can compromise and give this modeling up. I can step up and manage the plant if it means not being tied with Terrence. Hindi ko talaga kayang magpakasal sa lalaking hindi si Wilson.

I looked at my finger. The small diamond shone when the light hit it. It still feels surreal. The memory of his proposal is still clear in my mind. He didn't need to kneel down, because he doesn't need to beg for me to marry him. I willingly will.

I also caressed the cartier bangle he gave me before. Ito ang mga simbolo ng pag aangkin nya sa akin habang hindi pa kami legal. Ang dami nya nang naibibigay sa akin samantalang ako, wala pa. Paano nya ako maaalala kapag hindi kami magkasama?

Lumabas ako ng dressing room. Nakita ko si Tita Calila na may kausap na isang staff habang nasa tainga ang phone. Nang makita ako, sinenyasan nya akong lumapit sa kanya.

"Pumunta ka roon, Maria Vienna! Umalis ka riyan sa fashion show at alam kong hindi ka marunong mag-filter nyang bunganga mo. Sasabihan mo na namang pangit ang gowns noong designer." Itinaas nya ang kamay sa akin, senyales na maghintay pa ako ng sandali dahil hindi pa sya tapos magpangaral. "Hindi porque pangit nga ay sasabihin mo na. Jusko! Hindi iyon kaplastikan, hija. Umalis ka na riyan. Sawa na akong mag almusal ng issue mo!"

I think she's giving another earful to Mavi. I haven't met her personally. Ngayong gabi pa lang kung sakali. Naghanda kasi ng send-off party sa akin si Tita Calila at ang sabi ay inimbita nya ang mga hawak nyang artista at ilang kaibigan.

I have only known others by face. I hope it won't be too awkward. Violet's going to be there so it wouldn't be a problem. I can deal this night with just him.

Chasing Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon