Prologue

15 5 3
                                    

Umihip ang pang gabihang hangin. Tanging kwago at uwak ang maririnig ng gabing iyon, yun ang akala ng mga kapitbahay ng isang malaking bahay na agaw pansin.

Hindi gaanong palalabas ang mga taong nakatira doon kaya minsan lang nila makita ang mga nakatira dito.

Ang kaninang tahimik na gabi ay napalitan ng pagkulog at pagkidlat. Mga kwago'y nagsiliparan kasama ang mga uwak. Bumuhos ang malakas na ulan.

Sa loob ng bahay ay may batang mahimbing na natutulog, ang walang muwang na bata'y walang ka alam alam sa nangyayari sakanyang paligid.

Hinipan ng hangin ang mga kurtina na nasa kuwarto nito, nakapasok ang hangin dahil bukas ang bintana ng kuwartong iyon. Kasabay ng pagkulog at kidlat ay ang pagpasok ng isang lalaking nakaitim.

Nagising ang bata ng muling kumulog. Narinig nito ang mabibigat na yapak ng kung sino.

"Ahiyo?" Tawag nito sa pag aakalang ito ang kasama niya sa bahay.

Hindi nagsalita ang lalaki at patuloy itong lumapit sa bata na patuloy ang pagkusot sa mga mata nito.

Natigil lamang ito sa paghakbang dahil sa hindi inaasahang dumarating.

"Don't go near her or else!" May babala sa boses na sabi ng bagong dating.

"Ahiyo?" Tawag ulit ng bata ngayon ay suot na nito ang salamin nito kaya malinaw na sakanya ang kanyang paligid.

"Stay there Illyria!" Mariing utos sakanya ng nagngangalang Ahiyo.

Tumawa ng nakakairita ang lalaking nakaitim. Bahagya nitong nilingon ang lalaking nasa may pintuan. Si Ahiyo.

"Stop being stubborn Ahiyo. Just give this child so we won't have any problem." Malamig na sabi nito.

"Oh shut up! Give me more time and I will bring her there." May pagmamakaawa sa boses na sabi ni Ahiyo.

"We did. We gave you a long time to bring this kid! But it's almost a fucking month since you said you will bring her!" Galit na sigaw ng lalaking nakaitim.

Napatiim ang bagang ni Ahiyo at napakuyom ang kanyang kamao habang napapikit ng mariin.

Tulala at takot na nagmamasid sakanila ang batang nasa kama. Hindi nito alam ang gagawin dahil hindi niya maintindihan kung anong nangyayari.

"You know my reason!" Sigaw ni Ahiyo.

"Yes we know it. And you wanna know also the reason why I'm here?" Tanong ng lalaking nakaitim.

Ngumiti ito ng malamig. Mabilis ang naging sunod na mga pangyayari. Basta ang alam ng bata ay inilibas nito ang baril mula sa likuran nito at pinaputukan si Ahiyo.

Napatili ang bata at nagsimulang umiyak, kasabay nun ang malakas na pagkidlat. Nang imulat nito ang kanyang mga mata ay nakatingin na sakanya ang lalaki.

Ganoong kilabot na lang ang naramdaman niya ng makita niya ang mukha nito. May pilat ito sa kaliwang mata.

"I-Illyria..." nanghihina ng tawag ni Ahiyo.

Isang putok muli ang narinig ng bata dahilan ng pagtili nito.

"Ciao Ahiyo!migliore fortuna la prossima volta amico mio..."

~deathandsyche

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Iclyn Academy: School For TechnologyWhere stories live. Discover now