No Longer Lost When I Found You

29 2 0
                                    

Hmp... Ito po yung bago kung ginagawa... Wala lang, ewan ko ba. Kung ano-ano lang po kasi naiisip ko eh. Pagpasensyahan niyo na lang po. I just want to express my emotion.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Prologue

Mahigit isang oras nang naghihintay si Andrea sa harap ng campus nila. As usual late na naman and Daddy niya.

Malamang ay umandar na naman ang pagka-workaholic nito at nakalimutan na naman siya.

Sophomore na siya pero hindi man lang siya pinapayagang umuwing mag-isa at hindi din siya pinapayagang lumabas ng bahay nila para maglibang.

Oo nga at mag-isa siyang anak at babae pa.

Anak mayaman.

Pero hindi niya ma-enjoy ang buhay niya dahil sa kaunting frredom na meron siya.

Saan ka naman kasi nakakita ng sim card na nata-track lahat ng messages, pati na rin kung na saan ang user. Bahay na tadtad ng CCTV.

Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay wala siyang mga bodyguards para magbantay sa kanya 24/7.

TUMINGIN siya sa paligid niya, mga Senoirs ng school na lang nila aang nandoon at syempre ang mga personal bodyguards ng mga ito.

Almost seven na, wala pa rin ang Daddy niya. Napagdesisyunan niya na maglakad lakad para makauwi. Ayaw naman niyang sumakay sa mga jeep dahil hindi naman niya alam ang gagawin pag sumakay siya dun. Tsaka maganda na rin yun para makapag-isip-isip naman siya.

Malayo na siya sa campus. Naalala niya ang Mommy niya, sabi ng bestfriend niya na si Alaina inilabas lang siya ng Mommy niya sa mundo pero hindi naman inaalagaan.

Totoo naman yun kaya hindi na lang siya kumibo sa sinabi ni Alaina. Lumaki kais siya sa pagaalaga ng mga maids at hindi sa alaga ng magulang. Wala namang pakialam sa kanya ang mga ito. Sabagay, pinagkasundo lang naman ang mga ito kaya nagkatuluyan.

Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglalakad. Madilim na rin kasi at tanging ilaw na lang sa ilang street lights ang nagpapaliwanag sa dinadaanan niya. Kunti na rin lang ang tao sa paligid.

GANOON na lang ang gulat niya ng may humintong 3 van na itim sa harap niya. Nagsilabasan ang mga taong nakasuot ng itim at nakatakip ang mukha.

Dahil sa sobrang gulat hindi siya nakagalaw agad at natulala pa siya. Naramdaman na lang niya na hinawakan na siya ng dalawang lalaki sa magkabila niyang braso at ang isa pa ay may ilong niya. Hanggang sa nawalan na siya ng malay.

"ISANG daang milyong dolyares kapalit ng anak mo Miguel Montefalco," narinig niya na sabi ng head ng mga kidnappers niya.

Kausap nito ang mga magulang niya. Kanina pa siya gising at iyak ng iyak. Gusto man niyang tumakas ay wala siyang magawa dahil mahigpit ang pagkakatali sa kanya sa isang silya.

Alam niyang alam ng mga magulang niya kung nasaan siya dahil active naman ang cellphone niya. Sa tingin niya ay may plano na ang mga ito para iligtas siya. Hindi nga lang niya alam kung ano at kailan iyon isasagawa.

"Hintayin mo ang susunod na tawag ko Montefalco. Wag ka nang mag-isip ng masama. Tandaan mo! Nasa akin ang anak  mo," sabi ap nito sa malakas na boses.

Ibinaba na nito ang telepono at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa baba at matiim na tinignan.

"Sayang ka bata. Maganda ka pa naman," sabi nito.

Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nito. Maibigay man nito ang hinihinging ransom money mula sa mga magulang niya ay papatayin pa rin siya.

Tumawa ito ng malakas. Naiyak siya lalo sa takot. Bakit kasi ang tigas ng ulo niya? Sinabi na nga lang kasi sa kanya dati na kapag hindi pa dumadating ang Daddy niya ya hindi siya dapat umalis sa school nila.

APAT na oras na ang nakalipas mula ng tumawag ang mga kidnappers niya sa mga magulang niya. Sa tantiya niya ay mga alas dos na ng umaga. Hindi na siya nakatulog dahil sa takot. Binibigyan siya ng pagkain pero hindi siya makaramdam ng guto kahit pa lunch na ang pinakahuling meal na kinain niya.

Hindi nagtagal ay may narinig na siyang putok ng baril. mga yabag a tanda ng mga taong tumatakbo.

Suno-sunod na putok ng baril at mga sigaw ang tanging naririnig niya. Kung wala lang sigurong takip ang bibig niya ay nakasigaw na rin siya.

Maya-maya pa ay lumuwag ang tali sa likuran niya at pagkatapos nun ay may bigla na lang humablot sa kanya. Kasunod nun ay ang pagpasok ng mga sundalo kasama ang Daddy niya.

"Tarantado ka Montefalco," sigaw ng may hawak sa kanya. Naririnig pa niya ang mabilis na paghugot ng hininga nito na palatandaan na kinakabahan na ito.

"Bitawan niyo ang mga armas niyo kung ayaw mong mamatay itong anak mo," Dugtong pa nito habang nakatutok ang baril na hawak nito sa ulo niya.

Binitawan naman nil ang mga armas na hawak nila.

Kinakaladkad na siya ng kidnapper palabas ng nabaril ito.

HEAD SHOT!

Tumalsik ang dugo nito sa mukha niya at unti-unting nagdilim ang paligid  niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Ito lang po muna. Ok lang po ba?

Have fun guys!  (^_^)

~~~~~~~~JamAlexa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Longer Lost When I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon