Cymon's POV
"Daddy! What about my bedtime story?" nakasimangot na sabi ni Cielo nung papalabas na ako ng kwarto nya. She's so cute, like her mother.
"Hahaha. I thought you're already asleep. Okay okay. What story should I read? Hmmm" sabi ko habang hinahalungkat yung bookshelf nya na puno ng fairytale stories.
"I want to hear your fairytale story with mom, dad." nakangiti nyang sabi. Napatawa naman ako sa expression nya. Humiga ako sa tabi nya habang hinahaplos ang mahahaba nyang buhok.
"That again? Hahahaha. Hindi ka ba nagsasawa don Cielo? Ilang beses mo nang narinig yun ah."
"Nope! I won't get tired hearing your story. Start na daddy." excited nyang sabi. I wish you could hear that darling.
"Once upon a time, there was a man named Cymon Kile and a beautiful lady named Ahren Camille......"
***Flashback***
I'm here at the rooftop letting out a big sigh, as I feel the fresh wind touching my face drying the tears falling in my eyes.
'I trust you, Cymon.'
His last words before I put him to general anaesthesia.
I'm so sorry Nico. I broke your trust.
Guilt is eating me right now. As I let out a big sigh again, I heard claps from behind. She was laughing her lungs out walking towards me.
"Hahaha. Ang sarap mong panooring ganyan Cymon. Akalain mo, sa kagaspangan ng ugali mo pagkamatay lang pala ng pasyente ang kahinaan mo." sabi nyang tumatawa pa.
"Hindi naman yun kahinaan, Karina. Tao kasi ako na may konsensya di katulad mo."
"Talaga ba? Siguro dapat kong sabihin sa daddy mo na sayo lahat iassign ang pasyente sa Surgery Department para araw-araw kang ganyan."
Tsk. Napatawa nalang ako sa katangahan nya at hinarap sya.
"Hahaha. Hay nako Karina. Wag kang magmarunong. Ano bang alam mo sa Surgery?" natahimik sya and she changed the topic.
"Tawagin mo na akong mom, Cymon. Ako na ang asawa ng daddy mo ngayon. Whether you like it or not."
"For your information Karina Montesillo, kabit ka lang. Kahit mag divorce ang parents ko, kabit ka pa rin. Mom? Bakit kita tatawaging ganyan? Ina ba kita? At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?"
She was speechless yet still managed to smirk.
"Ano ka nga ba dito sa ospital dati? Ahh. Orderly? Pano ka nga ba napunta sa kinalalagyan mo ngayon? Ahh kasi nilandi mo yung daddy ko at sinira yung pamilya ko. Home wrecker and stupid gold digger!"
Sinampal nya ako which left me shocked but quickly recovered. May respeto ako sa mga babae, but I don't give a damn about her! I slapped her back. Nagulat din sya sa ginawa ko.
"Ang tigas din talaga ng mukha mo no? Yung mga magulang ko, hindi ako pinagbuhatan ng kamay tapos ikaw na kabit lang basta bastang mananakit?"
Akmang sasampalin nya ulit ako pero napigilan ko. Hinawakan ko yung kamay nya ng sobrang higpit, yung tipong namimilipit na sya sa sakit at daig pa ang patay sa sobrang putla ng kanyang kamay.
"Don't ignite the fire inside me Karina. Kaya kong pumatay kung gugustuhin ko, pero may takot ako sa Diyos. Kaya dahan dahan ka lang sa mga pinaggagagawa mo."