Goodbye

254 24 24
                                    

“Love” that’s Sela. Ewan ko bakit ako tinatawag na love ay di naman kami.

Di ko sya sinagot nakatingin lang ako sa tanawin andito kase ako sa terrace namin.
Niyakap nya ako.

“Love kanina pa kita tinatawag ah bakit di mo ko sinasagot, ni hindi mo ako tinitingnan” sabi nya
“Stop calling me love! Di na tayo Sela”
“So? Am I not allowed to call you love just because we broke up yesterday?”
“Tss..ano ba kaseng gusto mo? Tinatanggap ko na ngang tapos na tayo eh tapos gaganyan ganyan ka sakin ngayon? Trip mo Marsela?”
“Can we talk? Just this time please?”

I turned myself to face her. Bumungad sakin ang bilog at malarosas nyang pisngi at ang kanyang makikinang na mata na waring nagsasabi na pumayag ako sa hiling nya.

“Ano pa ba magagawa ko ay andito ka na” sabi ko
Naupo kami sa upuan dito sa terrace. Tumabi sya sa akin.
“So ano paguusapan natin?” tanong ko
“Abby, I’m really sorry”
“Sorry? Akala mo ganun ganun lang yun? Di ka man lang mage explain kung bakit kasama mo buong magdamag yung ex mo?”
“Love” sumingit akong bigla
“I told you to stop calling me love kung hindi mo naman kayang panindigan”

“Look Abby, I have no choice kundi sumama kay Kyler kagabi”
“Putek Sela!!! Ano ba namang dahilan yan, kung magsisinungaling ka galing galingan mo naman” mejo naluluha na ako.
“We always have a choice, and you choose to be with that freaking Kyler rather than me! pinagpalit mo yung inihanda kong surprise para sa ikadalawang taon natin bilang magkasintahan kaso wala di ka dumating”

“Abby, I’m sorry”
“Alam mo bang kahit na umuulan di ako umalis sa pwesto ko, kase inaantay kita. Umasa at nagbakasakali akong pupunta ka, hanggang sa nakita ko na lang na kasama mo si Kyler. Why? why Sela?”
“Abby” malumanay nyang sabi sa pamamagitan ng basag nyang boses.

Shit!! Di ko kaya na umiiyak sya. Di bale ng ako ang nasasaktan wag lang sya. Pero di ko pa rin kase maintindihan eh, kailangan ko munang making ang paliwanag nya.

“What Sela? Please explain everything, please”
“Alam mo naman tradition ng pamilya naming right? Once na may pinakilala na kami sa mga magulang namin, nandun na ang boto nila.”
“Oh ano problema dun? Napakilala mo na ako diba? Okay naman sila sa atin ah, don’t you tell me that its----” nahinto ako sa pagsasalita
“Yes, si  Kyler. Sya yung unang nakilala nina Mama at Papa at yun ang tradition sa pamilya di mo kase ako pinatapos kanina sa pagsasalita eh”

“Kung alam ko lang na makikilala at mamahalin kita ikaw na lang sana ang pinakilala ko” saad nito na tumutulo na ang luha.
“So it means na ikakasal na kayo? Ganun ba?”
“NO. Yun din sana ang nais kong sabihin sayo kung bakit kami magkasama noong isang araw. That’s our wedding day” wika nito
Wala na akong nagawa kundi tumingin sa mga kamay nya na nakataas at pinapakita sakin habang umiiyak,  yumuko na lang ako  at ibinuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Nilapitan nya ako at niyakap,

“Sana sinabi mo na lang sa akin ng maaga. Sana naagapan pa natin. Hindi sana ganito kasakit, kase sobrang sakit Sela. Wala akong kaalam alam na ang babaeng minamahal ko ay naging pag ma may-ari na ng iba. Wala man lang akong idea na sa araw nay un ay aangkinin ka na ng iba. Ito ba talaga ang gusto mo Sela? Ang makita akong nahihirapan at nasasaktan?” wala ng tigil sa pag ago sang luha ko.

“Abby, trust me hindi ko ginusto at hindi ko gusto na makita kang nahihirapan at nasasaktan ng dahil sa akin. Di ko lang kase alam paano ako magsisimula eh. Abby one more thing, I am pregnant, 2 months”
Lalo lang bumagsak ang mundo ko sa narinig ko. Lalo lang akong nanlumo at tuluyan na nga akong bumagsak sa sahig mula sa aking pagkakaupo. Tang ina!!! Ano bang kasalanan ko para maramdaman lahat ng sakit na ito? Bakit sobra sobra naman ata!
“Sela, ano pa? ano pang mas ikasasakit dyan?sabihin mo na please sama sama na sila dito sa dibdib ko dahil para na syang sasabog sa sakit na nararmdaman ko ngayon”

Abby, simula din ngayon pinuputol ko na ang ugnayan natin sa isat-sa. Simula ngayon ay isipin mong din tayo nagkakilala at walang Sela na nagmahal sayo. Ganun din ako. Kakalimutan kita kaya sana kalimutan mo din ako. I loved you. I really did.”  She kissed me for the last time.

Tumayo na sya. Hinawakan ko ang kamay nya.
“Sela, MAHAL NA MAHAL KITA, MAHAL NA MAHAL KITA MARSELA” sambit ko mula sa basag kong boses habang nakatingin sa kanya na nakatalikod na sakin at umiiyak. 
Tumayo ako at niyakap sya mula sa kanyang likod. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.
“Goodbye Abby” ang huling katagang narinig ko mula sa kanya. Kumawala na sya at tumakbo palayo sa akin. Naiwan akong bumubuhos ang luha habang pinagmamasdan ang pinakamamahal kong babae na unti-unti ng naglalaho sa paningin ko, na alam kong di ko na rin makikita kalian pa. Kasabay ng pagbagsak ko sa kinatatayuan ko ay naramdaman ko ang pagbuhos ng ulan na lalo lang nakdagdag sa emosyong dinadala ko.

Di ko pa rin makalimutan ang nangyareng yun. Sariwang sariwa pa sa utak ko. Its almost 4 years na rin. Nakikita ko si Sela na masaya kasama ang haligi ng tahanan nya at ang nag-iisang anak  nila. Andito ako ngayon sa may park, tanaw ko mula dito ang pamilya ni Sela. Naghahabulan ang mag-ama nya habang sya naman ay naghahanda ng makakain nila. Asa garahe kase sila eh. Ang kulit ng anak nila kamukhang kamukha ni Sela. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. Lumapit si Sela sa mag-ama nya. Buhat na ni Kyler si Phoebe, anak nila stalker ako eh. Hinawakan ni Kyler ang ulo ni Sela saka sya hinalikan sa noo. Hindi naman pala nasayang ang pagbitaw naming dalawa. Biglang tumingin sa gawi ko si Sela, ngumiti sya at ngumiti rin ako. Hindi man ako ang makakasama mo hanggang pantanda mo, panatag na ako dahil sa halos apat na taong pinagmamasdan kita mula sa dito, nakita kong wala naman akong dapat ikabahal dahil alam kong di ka nya papabayaan, kayo ng anak mo. Tumayo ako at naglakad na palayo sa lugar kung saan masaya ang babaeng minamahal ko.

______________

Sabi kase nila si Sela daw lagi nasasaktan. Ayan si Abby naman ngayon. Bawi na ah? Hahahaha.

Support mnl48 guys thank you so much

Ingat lahat. Godbless :) :)

Ano masasabi nyo sa storya? Pwede ko bang malaman. Hehehe. :) :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOODBYE(SeBy One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon