Malaking Sorpresa

21 0 0
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata, mukha ng anghel ang bumungad sa aking umaga. Isang natutulog na anghel pero humihilik ng napakalakas.

Pagtingin ko sa orasan, pasado alas syete na pala, buti nalang rest day ko. Ewan ko ba kung bakit tulog na tulog pa tong babaeng to. Pinuyat ko ba? Hindi ah! Alas diyes palang tulog na ko. Natapos na naman siguro to ng madaling araw binge watch ng k-dramas--yung kay Park Seo Joon ba 'yon ewan ko kung alin na naman bet niya. Psh. Yung eyebags niya tuloy, ang laki-laki na.

Maghahanda na ako ng almusal, para naman tumaba kami lalo--oof siya lang pala. Kain baboy kasi. At dahil alam kong mamayang hapon pa sya magigising, tinakpan ko na yung tirang almusal pagkatapos kong kumain.

Dali-dali akong nag-ayos. May paghahandaan kasi ako ngayong araw. Mahalaga itong araw na to para sa amin--lalo na sa akin.

_____

Malapad ang ngiti kong pumasok sa Jewelry shop, "Welcome po, sir. Anong hanap nyo?"

"Wait lang ha," hinanap ko naman yung binabalik-balikan ko rito, takot ko lang baka kasi mag out of stock bigla. "Miss, kukunin ko na to."

Bumili na rin ako ng mga lobo tsaka iba pang pwedeng pangdecorate. Kahit naman hindi ako creative na tao, resourceful naman ako tsaka kayang-kaya ko naman kahit ano like magdesign basta may time lol.

Alas diyes na ko nakauwi ng apartment. Nagluto na rin ako ng lunch. Inabot pa ako ng dalawang oras sa pagdedecorate ko. Pero natapos na ko at lahat-lahat, humihilik pa rin siya.

Pinagmasdan ko nalang ang mukha niya--yung buhok niyang sabog, yung laway na tumutulo sa gilid ng labi niya--grabe ang perfect niya talaga. Nung sinagot niya ako, sabi ko, 'fck ang swerte ko, i can be with the second most wonderful woman in the world.' Of course my mom is still the first.

Kaya ngayong araw, tatapusin ko na ang trial version at mag-upgrade na ako for premium.

Di na ko makapag-antay pero sarap na sarap pa rin siya sa pagtulog kaya naglaro muna ako ng minecraft--tanging game na hindi ako magsasawang laruin. Nung nakita ko siyang naglilikot na pero nakapikit pa rin, natawa ako kasi mukha siyang uod na nilagyan ng asin. Pinitik ko yung ilong niya, ayon nagalet.

"Argh! Ano ba!"

"Ergh enebe? Yuck bitch, magtoothbrush ka muna hahaha."

Kung bakit puro k-drama yan? Well, isang linggo na siyang walang trabaho. Natanggal. Masyadong ginalingan eh. Nabadtrip daw sa kanya yung mga nasa taas kasi yung pinagsususulat niya sa mga articles ay pawang katotohanan lamang kaya di ma-approve lagi. Ang ironic diba? Journalist yan pero bawal pala magpakatotoo.

Anyway, kumakain na siya pero mukhang tulog pa rin. Gustong-gusto kong sigawan na, 'hoy, tumingin ka sa taas!' Pero syempre hahayaan kong sya mismo makadiscover para may sense of surprize. Nagmuni-muni muna ako.

"Patrick, I mean, Pretty boy?"

Nagulat ako bigla sa pagtawag niya. "Why? May problema ba sa corned beef?"

"May sasabihin kasi ako sayo," sabi niya.

"Luh, same. May sasabihin rin ako sayo."

Natigilan siya saglit. Nag-isip. Napadako ang tingin sa taas. Oof! Nabasa na niya. Nakita niya na yung sorpresa ko. Napangiti ako nung nakita ko kung gaano siyang nagulat. Pero napawi rin ang ngiti ko nung napansin kong hindi siya napangiti katulad ko.

Anong problema? Gusto ko siyang tanungin non pero sa saglit na 'yon hindi ko nagawang umimik.

"Patrick, mahal din naman kita pero sorry. Hindi na kasi pwede."

Kahit pabulong at garalgal ang boses ko, sinubukan kong magsalita, "Sige, hihintayin pa rin naman kita. Hindi naman kita minamadali."

"Hindi na, sorry talaga. Salamat sa pagpasensya sakin sa loob ng dalawang taon. Promise babawi ako sayo." Pinigilan ko ang sarili kong tumingin ng diretso sa mga mata niya baka kasi makita niyang mahina ako--mahina ako pagdating sa kanya, "Hindi na din naman ako magtatagal dito kasi--ano diba yung sasabihin ko nga sa'yo?"

Hindi ko na siya sinagot. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Pero ang tamis ng ngiti niya nung sinabi niyang, "Nagkabalikan na kasi kami."

Diyos na mahabaging patawarin nyo po ako pero bloody bitch! Sinubukan ko pa ring ngumiti kahit hinang-hina na ako. I am disappointed of myself for trusting her this much.

_____

Nagising ako sa sinag ng araw sa siwang ng bintana na naiwang nakabukas. Parang ako lang, naiwan. Apat na buwan na pala ang nakalipas.

Wala na ang anghel na nakasanayang kong makita sa umaga. Hindi ko na rin maririnig ulit ang napakalakas na paghilik niya. Naghanda na ako ng almusal kahit wala pa rin akong gana.

Last week, nung huli ko siyang nakita nangungutang siya sakin ng pera. Sabi niya pa ang bilis ng pangyayari, ikakasal na daw sila kasi nga nabuntis siya. Shit speed lang diba. Narealize ko lang na kasalanan ko din siguro for trusting her and taking the risk na maging rebound pero dapat pala pinagbayad ko siya sa pagstay niya dito sakin ng almost two years kung nakikipag-chukchakan naman pala siya sa ex-boyfriend niya kapag may time. Diba what the hell?

Tanggap ko na talaga na okay, im out of her life na pero ang hirap pa rin. Sana lang talaga maging masaya na siya kahit pa hirap sila sa pera ngayon. Pero pano naman ako? Pano na nga ulit maging masaya?

Tumingin ako sa kisame. Nakadikit pa rin doon yung inihanda ko noon na surprize para sa kanya. Pumutok na ang mga lobo pero nababasa pa rin ang mga letra,

MY CRAZY BITCH, WILL YOU MARRY ME?

Nakapanghihinang alalahanin na muntik ko ng makuha ang lahat. Ready na ang bahay na pinag-ipunan ko. Handa na rin ako sa kasal. Nagsisimula na rin akong mag-ipon para sa bagong kotse. Kung sakali sana, 'Yes' niya nalang ang kulang. Pero noong araw na sinorpresa ko siya, ako pa yung mas nasorpresa.

Sumasakit tuloy ulo ko kakaisip kasi kahit papano may pinagsamahan naman kami, makapal lang talaga ang mukha niya. May mga ganun lang talaga sigurong mga tao pero papautangin ko pa rin naman siya.

Malaking SorpresaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon