Prologue

4 0 0
                                    

Biglang napabangon si Middie ng ma realize nya na hindi pala sa sarili nyang kama sya naka higa ngayon. Hanggang sa naalala nya ang nangyari noong nakaraang gabi kung saan lasing na lasing sya....

" Miss, pwede ba kitang maisayaw?"  tanong ng isang lalaking lumapit sa kanya sa hilera ng upaan nila kung saan sila naka upong mga dalaga.
Dumalo kasi sya sa isang kasalang baryo sa parte ng ISABELA kung saan uso ang kasal na dalawang araw. May selebrasyon sa gabi kung saan nagsasayawan ang mga dalaga at binata at sa umaga kung saan pinakasentro  mismo ang kasal, dahil pagkatapos ng kasal sa simbahan ay tutungo sila sa reception kung saan kakain sila at magsasayawan naman ang mga matatanda.

"" Sure!" payag naman nya dahil wala naman syang choice kung hindi ang pumayag dahil tulong narin nya ito sa mga kaibigan nya na syang ikakasal ngayon. Bawat sayaw kasi ng mga lalake ay may tinatawag silang  DAMAGE kung saan nagbabayad ang mga sumayaw na lalake.

" Ngayon lang kita nakita dito Miss. Kamag anak mo ba yung
ikakasal?"  tanong ng lalaki sa kanya habang nag sasayaw sila ng sweet sa kantang BED of ROSES.

" Nope! Kaibigan ko sila, bale ngayon lang ako nakapunta dito kaya ngayon mo lang ako nakita at ngayon lang din kita nakita. So it means di tayo magkakilala!" pagsusungit ng dalaga sa binatang kasayaw na di man lang nya tinignan ang mukha habang kausap nya at nag sasayaw sila.

"Wow!  napaka sungit mo naman Miss ni hindi mo manlang ako tinignan kaninang lumapit ako sayo at yayain kitang isayaw. Pumayag ka nga naka yuko ka naman, at heto pa inilahad ko ang kamay ko sayo para hawakan mo sana pero dumeretso kana dito sa gitna. Tapos nagtatanong ako ng maayos sayo pero pabalang mo akong sinagot? Ganyan ba talaga ang ugali nyong taga ibang bayan?" nanenermon na sabi ng binata sa kanya.

Biglang uminit at pumula ang mukha ng dalaga sa mga narinig nya kaya bigla nyang tinignan ang binata sa mukha kung saan nagkatinginan sila.

"Alam mo Mr.! napaka demanding mo masyado, pinagbigyan na nga kitang isayaw ako ang dami mo pang reklamo! Dyan ka na nga!" pagsusungit pa nya . Naiwan naman ang binata sa gitna na napahiya dahil ang dami palang nakarinig at naka kita sa ginawa ng dayong dalaga sa kanya..

"Teka, anong kinalaman non kung bakit ako nandito ngayon sa diko naman alam kung kaninong kwarto?"  sabi ng dalaga sa sarili nya, at inalala pa nya ang iba pang nangyari kagabi pero wala talaga. Yun lang talaga ang naalala nya.

Bumangon nalang sya, at napagtanto nya na wala pala syang damit sa loob ng kumot at kahit bra at panty lang sana ngunit wala! Naramdaman din nya na masakit ang pagkababae nya nung bumangon sya kaya bigla syang napa tingn sa kama at nakita nya doon ang mantsa ng dugo!
Sa pagkakataon na yon, alam na nya.. Binigay nya ang kanyang sarili sa isang lalake. Ngunit sino ang naka una sa kanya? Kanino nya binigay ang pagka bihen nya? ang daming pumapasok sa isipan nya, lahat ay katanungan na di nya alam kung masasagot ba. Dahil di naman nya maalala ang nangyari kaya pinabayaan na lang nya.

Mabilis syang nagbihis at lumabas sa kwartong iyon na napag alaman nya na isa palang HOTEL!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The MISSING FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon