Chapter 1

5 0 0
                                    

Nagbabasa ako ng pocket book sa library ng school ko ng biglang may umupo sa harapan ko.

Hindi ko siya pinansin dahil nasa masdyadong masakit na part na ko!

Unti nalang talaga iiyak na 'ko dito! Huhuhu! Bakit kailangan patayin ka ng author! My dear babylovess!!

"Uhm, miss ang weird mo." Inis kong tinignan ang nagsabi nun at tinaasan siya ng kilay.

"Uupo upo ka jan sa harapan ko at sasabihan mo ko ng weird?!" Tinignan niya naman ako na parang nagtataka.

What?! Anong nakakapagtaka! Tch! Porket gwapo ka, ha!

"Pagmamay-ari mo ba to?" Napailing naman ako. "Oh, hindi naman pala miss. Bakit kung makapagsalita ka iyo itong upuan at lamesa."

Tinarayan ko siya at inambahan. "Sino ka ba para sabihan ako ng weird?!" Para naman siyang nagpipigil ng tawa.

"Kasi miss.. umiiyak ka po jan habang nagbabasa, kaya naman nakakaistorbo ka sa akin."

Tinaasan ko na naman siya ng kilay. "Edi lumipat ka, kuya! Hindi yung tatawagin mo akong weird dahil lang umiiyak ako at naiistorbo ka! Tse!!"

"Aba, selene! Ikaw na naman? Library 'to! Anong akala mo dito palengke? At nagsisigaw ka jan?" Napatungo naman ako at humarap sa librarian.

"Sorry po, miss Anne!" Ayun lang at niligpit ko na ang gamit ko at lumabas na!

Nakakairita naman kasi yung lalaking iyon! Hindi ko naman inaano! Tch!

Dumaretso na lang ako sa field namin at umupo sa ilalim ng puno.

Pinagmasdan ko ang sky. Mukhang uulan ngayon, ah? Wala pa naman ata akong dalang payong.

Tinignan ko ang room namin sa itaas at nakita ang professor kong paikot ikot para tignan kung may mga kodigo ang aking mga kaklase.

"Ang dali kasi ng test mo maam." Ngiti ngiting sabi ko. Pinalabas ako sa room namin nung nakita ni prof na tapos na ko.

Magbabasa lang daw ako at magiingay.

Nang matapos ang trenta minutos inayos ko na ang mga gamit ko at umakyat.

Ngingiti ngiti pa kong umaakyat kasi naalala ko yung mga asawa ko sa LIBRO.

Tss sayang mga bebeloves ko! Hindi kayo buhay! Haaaay! Why is life so unfair.

"Araaaay!!!" Natumba ako sa lakas ng tulak nung tumulak sa'akin.

"Ooppss! Sorry beeh! hindi ko kasi nakita na may ahas palang pakalat kalat dito?"

Nginisian ko siya at tumayo ako.

"Bobo ka ba? Hindi mo ko nakita pero naitulak mo ko?" Dinutdot ko yung noo niya, "at! Ahas? May maitutulak ka bang ahas? Ang tapang mo pero ang tanga mo eh 'no?" Kinuha ko yung bag ko at tinapik siya sa balikat.

"Patangkad ka muna! Pandak!" Tumawa pa ko habang papalayo sakanya.

Pagkaliko ko sa daan papunta sa classroom ko, nakita ko yung bwisit na lalaki sa may library kanina!

Grrr! Nakatingin siya sa pinanggalingan ko dati at ngingisi ngising naglakad paalis.

Adik ata yon eh.

Pumunta na ko sa classroom at saktong kakadating lang ng next prof.

Habang nagdidiscuss si sir hindi ko mapigilan isipin ang mga jowa ko sa LIBRO.

Huhu! Ang saklap ng buhay ko! Mga mahal kong asawa hindi mabubuhay kahit balik baliktarin ko ang mundo!

Waaaaa—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Be Enraptured By Memoir.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon